CHAPTER 7

18 12 0
                                    

Matapos ng break nakasabay na si Danica sa pagpasok ng kanyang mga kaklase na tulad ng normal hindi na galit sa kanya sila, dahilan at natuon kay Jaeger ang kanilang galit nang dumating ang guro nila ay tahimik sila katulad kanina; habang ang binatilyo ay nakatingin lang sa black board.

Laki ng pinagbago niya

Kainis bakit kasi sa likuran ko siya naka-upo?

Dahil math subject isinulat na ni Jaeger ang sagot sa tanong mula sa board matapos niyang isulat tsaka siya humarap sa klase, halata din ni Jaeger na iba sa mga kaklase niya hindi nakatingin at ang iba ay nakayuko na ikinatatawa niya sa loob niya.

"Vallejo!" tawag ng guro na tumingin si Jaeger sa dalaga lumunok ito ng malalim at napangisi siya ng hindi sadya

"Ser bakit naman ako?" tanong ng dalaga

"Sino pa bang Vallejo dito dba ikaw?" tanong ng guro na ni isang kaklase niya walang lumilingon at natatakot na matawag.

Tsk

"Ayako ng math iih" pabulong ni Danica na ikinagutla niya nang may pinakapit sa kanya si Jaeger at seryoso lang ang tingin nito sa kanya.

Nakatingin si Danica sa piraso ng papel na ibinigay sa kanya ni mr. sungit at nang kinopya niya ito walang reklamo ang guro pero bago siya umalis "Mukhang magaling ang nagbigay ng papel sa iyo"

"Ser hindi ako magaling sa math kaya huwag nyo na akong tawagin"

"Bawi ka sa grade mo"

Umalis na lang si Danica at bumalik sa kanyang upuan "Salamat pero alam ni ser na ikaw nag-abot nung papel" sambit ni Danica

"At least nakasagot ka"

Wow hindi ako sinungitan nahipan yata

Matapos ng math ang susunod na guro ay wala absent dahil may sakit kaya lunch break na eh dalawang oras yun kaya mahaba. Nag-alisan na ang mga kaklase maliban sa mga naiinis kay Danica.

"Hoy Danica" tawag ng kaklase niyang babae at tahimik lang na nag-aayos ng gamit si Jaeger.

"Ano?"

"May number ka ba niya?"

"Nino?"

"Malamang ni Ivan?"

"Bakit hindi kayo ang kumuha? Hindi naman ako ang cp nya"

"Malay mo binigyan ka"

"Wala"

"O baka naman tinatago mo?" inis na patanong ng kaklase niya

Kumunot ang noo ni Danica "Yuck bakit ko itatago numero niya pwera na lang kung numero yun nung mahal ko pwede pa"

"Kire ka talaga"

"Sino kaya ang kire sa atin? Ako na may mahal na malayo sa akin o kayo na feeling kayo?" tanong ni Danica na napangisi si Jaeger at napatingin sa kanya ang mga kaklase. Sabay balik tingin kay Danica "Nakakuha ka lang ng kakampi"

"Ha?" tumingin si Danica sa binatilyo na nakangisi

"Baka tama lang ang pagkakasabi niya kasi nga tanga kayo" sambit ni Jaeger.

Sa inis ng mga kaklaseng babae umalis na lang at humarap sa kanya si Danica "Uuwi ka o maghahanap ng mapagtatambayan?"

"Bakit?"

"Gusto ko sanang isama ka sa amin" ngiting sambit niya "Kainan kasi bisnes na ng pamilya kung baga dagdag kustumer ka"

"Okay lang haba nga ng oras eh"

Medyo weird hindi na nagsusungit siguro gawa nung plat tops na ibinigay ko pangpakalma yata.

Nang makarating sina Danica sa kanila nakita niyang nagwawalis ng labasan ang tita Shiela nya "Tita may dala akong kaklase"

"Nagsasaing pa lang" sinabi nito

"Gandang tanghali po"

"Gandang tanghali din...oi Danica akala ko ba may M.J. ka na?"

"Tita kaklase, kaklase ko po si Jaeger"

"Ah..." nakasunod ang tingin ng tiyahin sa binatilyo habang iginagala ni Jaeger ang kanyang mga mata sa paligid.

"Sino'ng M.J.?" tanong ng binatilyo kay Danica at nakangiti na siya "Ed yung mahal ko"

"...ano'ng ngalan? O si Mark Jaeger?"

"Yuck kadiri hindi noh"

"Makayuck bakit ang aga mo?"

"Ah ate si Jae, klasmeyt pinsan ko" pakilala niya sa pinsan niya

"Hi ang guwapo ah single?"

"Opo, kaso may mahal na ako"

"Ay maige naman kase itong pinsan kong ito may kinababaliwan, eh iniwan naman niya"

Matapos magsuot ng apron si Danica hinarap ang pinsan "Excuse me bigla akong ipinunta dito ng tita Iya malay ko ba? Pero at least loyal ako"

"Kaya ba chismis eh binusted mo nung sabado si Ivan?"

"...grabeh chismis dito...eh ano kung binasted ko? Eh sa may mahal na nga ako" tumingin kay Jaeger "Klasmeyt upo ka muna dyan" tsaka umalis.

"Malamang crush ng bayan tapos busted saiyo haba ng hair mo insan"

"Ay nakoo may mahal na nga ako, paulit-ulit!"

Nagtungo na si Danica sa loob ng kusina "Di ano'ng oras na?" tanong ni Shiela

"10!" sagot ng asawa nito na si Bernie

"Aba eh kaninong apo ito kay guwapo?"

"Nay kaklase po ni Danica"

"Aba eh nasaan ang apo?"

"Nasa kusina ho"

"Bakit ang aga nyo iho?"

"Wala ho yung guro may sakit" sagot ni Jaeger

Makalipas ng trenta minutos na kakuwentuhan ng binatilyo ang lola ni Danica ay bumalik ito sa kanya na inabutan siya nasa tuperware na lagayan.

"Dun na kayo sa loob kumain" suwestyon ng lola niya at tumango na lang ang dalaga tsaka kinapitan ang kamay ng kaklase tska pumasok.

Napansin ni Jaeger na marami sila doon at may hubad pang tiyuhin "Ah ah di magbihis ka nga may bisita si Nics!" hiyaw ng anak nito

"Teka lang umiikot pa ang mundo eh"

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・м χ т є я ι є υ χ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

The One We Love The MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon