CHAPTER 2

33 24 0
                                    

Nakarating naman si Danica sa kanyang bus yun nga lang hindi naalis ang bus nang kulang eh siya na lang ang kulang kaya medyo galit at naiinis ang ilan niyang kaklase.

"Nakipaglandian pa kase" sambit ni Ann Drei na nakadinig na din si Danica ng ilang bulungan pati katabi niya nakangiwi na din ang labi.

Ang sumunod na pinuntahan nila ay ang mega mall dahil 30 pesos lang ang pabaon hindi na umalis si Danica sa bus ang masaklap tatlong oras siya sa loob. Nang nakarating sila sa mall lahat ng kaklase niya naglalabasan pero talagang si Ann Drei hindi nagpapigil.

"Aaah magkanu ba pinabaon saiyo? 50 pesos? Kaya ba hindi ka bababa?" tanong nito na hindi na lang siya sumagot.

"Kawawa naman Ann, bigyan mo naman ng 50...cents" sabay tawanan ng mga kaklase sa dulong salitang sinabi. Bumaba din ang katabi niyang kaklase na kung saan nag-alkohol pa ito nang nadanggi sa hita niya yung kamay niya.

Hindi kasi ako paborito ng tita at tito ko at mas gusto nila ang ate ko kaya...parang pakitang-tao lang nila ang pagkupkop sa akin. Kahit nga na humiling ako ng barbie magagalit kasi gastos daw. Pinatay ang makina ng bus at aircon na kung saan umalis din ang drayber at si Danica nagstay lang sa bus.

"Oh ang call time natin ay 6pm ha? Walang mababago doon" sambit ng guro nila Mikhail na napatingin siya kay Mikhail na nakatayo lang ito sa bus habang ang mga kaklase nasa labas na.

"Oh bakit Mikhail?"

"Pwede po ba na sumama ako sa inyo?" tanong nito. At yung kaklase niya kanina na gusto siyang maiwanan nagsalita na "Wala kasing pocket money kaya sa inyo sasama yan" nagtawanan ang mga kaklase.

"Wala ka bang pocket money?" tanong ng guro at dahil may candy siyang nginunguya ay inilabas niya ang pitaka niya at ibinigay sa guro, binibilang ito at balik-tingin sa estudyante "Nagpaalam ka ba sa nanay mo?"

Tumitig lang si Mikhail at kinuha ang nokia na selpon tsaka dinala sa inbox na teks ng magulang tsaka ibinigay sa guro nakita niya ang...

M.J. Anak nasa pitaka mong itim yung 30,000 na pabaon sa iyo ng papa mo at yung barya na 100 pabaon ko saiyo nasa coinpurse mo na bunny tapos si ninang mo pinabaunan ka ng fuds ilalagay ko sa bag mo at yun yung dadalhin mo ha? Yung 10,000 na pabaun saiyo ng lolo mo nasa pitakang berde mo at dun sa asul mong pitaka, na ang laman ay 20,000 pabaun yun ng lola mo Be brave at be kind. Huwag malikot wala kami always sa tabi mo love you~!

Mama

Matapos basahin ng guro ibinigay agad ang selpon at pitaka kay Mikhail tsaka tumingin sa kanyang mga estudyante "May pocket money si M.J. kaya sa titser siya sasama"

"Mam magkano po pocket money siguro 300 pesos lang"

"Ha ako nga eh 1,000"

"Wow yaman"

"Libre naman!"

"Oo nga"

"Mataas pa sa 1,000 ang pera ng kaklase nyo" singit ng guro na nagtataka ang mga kaklase sa kung magkanu ang pera ni Mikhail.

Ang drayber ng bus nila ang kasama ng mga estudyante at guro ang kasama ni M.J. hindi pa sila tumuloy na para bang may hinahanap pa si Mikhail.

Bumalik ang bus drayber nila Danica umihi lang pala pero hindi bukas ang aircon ng sasakyan, ilang segundo ang lumipas nang nadinig niya na may kausap ang drayber "Ah teka lang ho..." tumingin siya sa harapang salamin na sinisilip si Danica "Ija ang ngalan mo ba ay Danica?"

"Opo bakit po?"

"May naghahanap" pagkasabi ng drayber tumayo si Danica mula sa upuan at lumapit sa pintuan ng bus.

May kasama si Mikhail "Mikhail"

"Tara"

"Inaantok ako dito na lang ako"

"Libre ko" ngumiti lang si Danica tsaka umiling "Okay na ako dito" lumapit si Mikhail at kinuha ang kanang kamay niya "Halika na magsama na tayo" napangiti ang guro ni Mikhail na si Teacher Joy.

Nagpaakay na lang si Danica "Akala ko kukunin mo na yung binigay mo sa akin"

"Hindi pa" sagot lang nito.

Pagpasok nila sa mall maraming tao, maraming ilaw na napakapit ng mahigpit si Danica at napatingin sa kanya ang kaibigan "Bakit?"

"First time ko" tumingin si Mikhail sa kamay ni Danica mahigpit ang kapit nito sa kamay niya at tumingin muli siya sa mukha ng kaibigan "Hindi naman kita bibitawan" napangiti si Danica sa sinabi sa kanya ng kaibigan.

Bumili si Joy sa red ribbon at nagpabili siya ng dalawang box ngcupcake isa sa mga kaklase niya at isa para kay Danica na mga kaklase. Matapos ay kumain sila sa Spaghetti House ibinili ni Mikhail ang kaibigan ng mineral water "Dapat maliit" sambit ni Danica

"Malaki na para hindi ka na bili ng bili"

"...mahal kaya ng malaki"

"Libre naman ah"

"Utang pa din"

"Paano nangyari yun?"

Nagtawa ang guro "Nahihiya lang si Danica, M.J."

"Bakit po M.J.?" tanong ni Danica

"Mikhail Jaeger"

"Ah...wow Jaeger?" tumango lang ang kaibigan "Bakit?"

"Guwapo din ng ipelyedo, astig" ngiting sambit nito at nakatitig lang sa kanya si Mikhail.

Matapos nilang kumain dumiretso sila sa bilihan ng mga damit nasa public bench nakaupo ang dalawa habang inaantay ang guro ni Mikhail, na namimili pa ng damit na bibilhin.

"Sana kaklase na lang kita" sambit ni M.J.

Tumingin si Danica at nakangiti "Anu bang seksyon mo?"

"4A"

"4D ako magkakakita naman tayo hindi ko aakalain school mate kita" sambit ni Danica na isiniswing ang parehang paa, habang nakaupo sa upuan.

"Anong ipelyedo mo?"

"Vallejo"

"Mayayamanin"

"Maige pa yung ipelyedo ko mayaman" ngumuso lang si Danica "Kaso hindi naman ako mahilig sa pera"

"Saan ka mahilig?"

"Matulog" ngiting sagot ni Danica na nagtawa si M.J. na papunta na sa kanila si Teacher Joy at kauna-unahang nakita niyang nagtatawa ang estudyante niya na talented, matalino at mayaman.

"Pareha lang tayo ah" nagtatawang sambit ni M.J.

"Hindi ko aakalain dun ka din mahilig" ngiti ni Danica

"Aba nagkaka-igihan na kayo ah" sambit ng guro "Saan nyo gusto?" tanong nito na tumingin si M.J. kay Danica "Ikaw naman magdesisyon"

"Hmm...bili tayo ng ekstra large na fries" ngiting sabi muli ni Danica matapos ay tumingin si M.J. sa guro na yun ang susunod na pupuntahan.

Lumipas ang oras inihatid muna si Danica sa bus niya tutal kasama ni Joy si M.J. hindi pa kumpleto ang mga kaklase niya, na niyakap ni Danica ang kanyang kaibigan "Salamat Mikhail" ngumiti ito at hinawakan ito ng kaibigan "Ayakong mahiwalay saiyo kaso kailangan"

"Alam ko salamat ule"

"Aww pineperahan ka lang nan" singit na umakyat na si Ann Drei na madaming bitbit na ang iba ay dala ng kaklase nilang lalaki.

"Hah, matutulog lang ako salamat ule" yumuko siya bilang galang tsaka tumalikod habang nakatitig lang sa kanya si Mikhail.

"Crush mo M.J.?" tanong ni Joy

"..." tumango ito tsaka naglakad papaalis patungo sa kanilang bus at sumunod na lang ang guro niya sa kanya.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・м χ т є я ι є υ χ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

The One We Love The MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon