CHAPTER 11

16 11 0
                                    

Gumala kami ng mall window shopping, hindi nagsine pero nagtake-out ng popcorn sina Hiro, Susan at Grace kasi mahilig sa popcorn.

"Grabeh pala ang sungit ni Jaeger mo ano?" sambit ni Shekinah

"Hehehe ewan ko bakit nagkaganun yun"

"Kailan ba kayo naging kayo?"

"...hmm nung 2nd year"

"Wow two years na faithful sa isa't-isa"

"Ah maige pa sila"

Agad siyang niyakap ni Edison at pakomedya na umiiyak "Kainis balak ko pa sanang ligawan ka kaso may fiance ka na, at nag-aantay na lang ng tamang edad para sa kasal"

Napangiti na lang si Danica pero kinukurot niya ang parehang braso nito papalayo "Aray, aray"

"Kire talaga itong si Edison" sambit na sabi ni Hiro

"Alam mo namang kay Jaeger na si Danica eh" dagdag pang pagsang-ayon ni Ren

Matapos nilang bumili ng popcorn nagtungo sila sa arcade hindi sila naghihiwalay katulad ng ilang mga magkakatropa na kanya-kanya ng hilig syempre si Danica kung nasaan ang girls dun lang siya mahirap na kung ano pang magawa nung mga lalaki magalit pa si Mikhail sa kanya.

"Faye ano'ng sikreto mo kay Jaeger?" tanong ni Michelle

"Bakit kikirihan mo ganun?" sarkastikong tonong tanong ni Susan

"Hinde ah nagtataka lang ako kung papaano mo napaamo ang isang ubod ng sungit na kagaya niya na mister perfect"

Napangiti na lang si Danica.

"As if sasabihin ni Danica at baka makisawsaw ka pa sa relasyon nila magkawatak pa gawa mo" dudurong-duro na pagkakasabi ni Angela.

"Kayo naman nawowonder lang ako eh"

"Impress ka lang"

"Nasa isa't-isa lang Michelle" sambit ni Danica

"What do you mean sa isa't-isa?"

"I mean...pinakamahal namin ang isa't-isa"

"Ugh, so hard to understand!"

"Paano, you love guwapo guys or mayaman o kaya hot so you can't understand nga" singit na sabi ni Shekinah.

"Hindi naman"

"Girls okay na pwede na tayong maglaro sa arcade got tickets" pagmamayabang ni Ren na mas marami siyang tiketa.

Niyakap ni Matet si Jomar "Naks galing!"

"Naks kayo na nyan?" asar na tanong ni Grace

"Shunga ka hindi ah!" napatawa na lang si Danica nang nakaturo sa malayo si Hiro na ikinatingin nilang lahat pati si Danica

"Teka dba si Ivan yang tinuturo mo Hiro?" tangang tanong ni Michelle

"Naturingan kang iskolar ni mayor tapos katangahan lang ang itatanong mo?" tanong pabalik ni Matet

"Che sinisigurado ko lang kung talagang si Ivan yang tinuturo ni Hiro"

"Si Ivan nga at kasama si Ann Drei" singit na sabi ni Danica

"Sinong Ann Drei?"

"Parehang kaaway namin ni Mikhail" matapos sabihin ni Danica ay tinatapik niya agad ang braso ni Edison

"Oh ano?"

"Pahiram ng selpon may load ka pangtawag?"

"Oo bakit?"

The One We Love The MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon