CHAPTER 5

20 13 0
                                    

Nasa ikalawang antas ako ng hayskul na kung saan dito at walking distance mula sa bahay na tinutuluyan ko ngayon sa mga lola ko. Kainan ang naging bisnes ng ate ko na kung saan siya ang nagmamanage katuwang niya ang mga kapatid ng nanay ko; tatlong maria ang anak ng lola ko ngayon bale siya ang ina ng inay namin ng ate ko. Dahil publik iskul ang pinapasukan ko hindi masyadong hagard sa pagpapataas ng marka. Tuwing tanghali nagbubukas ang ate hanggang ala sais ng gabi na kapag sabado ay magdamagan may mga pinsan ako dito nakikitulog, minsan inaalagaan ang lola dahil yung una kong tita na kapatid ng tatay ko sadya talagang masama ang ugali.

"Faye yang singsing kanino galing?" tanong ng matanda pa sa akin na pinsan ko na si Kuya Betong

"Ah...sa unang kaibigan ko nung grade 4 ako" sagot ko. Tanda kong ngalan niya ay M.J. yung pinagsamahan namin at yung parehang hilig namin.

"Babalikan ka pa ba?"

"Ako ang umalis eh"

"Mukhang orihinal yang singsing hinuhubad mo?"

"Hinde na simula nang itinanong mo at baka balakin mo pang ibenta"

Nagtawanan ang mga ibang pinsan ko na napakamot ulo na lang ang kuya Betong ko "Paano kung mayaman ang nagbigay nung singsing Betong manghingi ka na lang kesa sa ibenta mo" suwestyon na sinabi ng babae kong pinsan na matanda pa sa akin.

"Paano kung hindi mayaman?"

"Mayaman si M.J. kuya kaso hindi kita ipanghihingi baka abusuhin mo" sambit ko na nagtawanan muli ang mga pinsan at nakita kong nakikitawa na din ang lola ko.

"Dbale apo kapag napunta yang M.J. mo kakaladkarin ko yang kuya Betong mo sa banyo at ikukulong para hindi makapanghingi" lalo silang natuwa sa sinabi ng lola ko.

"Aaay kaso lola may gustong jumewa kay Faye" sambit ng pinsan ko na kasing tanda ko lang kaso sa pribadong paaralan siya nag-aaral.

"Hala eh sino?" tanong ng lola ko.

"Si Ivan ho"

"Aba mamili ka apo bawal ang dalawa"

"Si M.J. ho talaga crush ko na nun pa" sagot ko

"Oh meron na pala eh" nakahubad na pang-itaas na sabi ng asawa ng tita ko at may hawak pa itong bote ng matador na nasa kalahati na.

"Ke aga-aga dadi alak na ang kapit mo" napansin ng panganay nitong anak

Panibagong umaga na maigi na lang sabado ngayon at tanging tulong ko ay tulungan kong maghugas ang Tita Sheila ko.

"Ano bang itsura nung M.J. na yun?" tanong ng tita Librada ko

"Dati chubby sya at cute kapag ngumiti"

"Hala malelechon pala natin eh!" hiyaw ng asawa nitong si tito Mario na hindi ko napigilang suntukin ko sa tyan na nagtawanan ang kapamilya ko.

"Huwag kang mag-alala Faye yang tiyo Mario mo ang ileletchon ko" singit na sabi ng tito Robert ko at tawanan kami na mas maigi yung nahiwalay ako sa kapatid ng tatay ko na itinuring lang ako na parang katulong at pabigat.

Matapos nang kainan namin lahat sa labas ay bumalik na ako sa loob para tulungan ang tiyahin ko sa paghuhugas ng mga pinggan. Bayan ang lugar namin hindi katulad sa syudad kung saan ako dating nakatira. Kaya ang chismis dito mabilis dumating sa amin pero mahirap alisin.

"Ano'ng meron?" tanong ni Randy na tiyuhin ni Faye.

"Parada yata" sagot ng bunsong anak nito na si Glen

Nakita nilang mag-ama ang kumpol na mga babae na kung saan may tatlong lalaki na nasa harapan nila na ikinakunot agad ng noo ni Randy.

"Gandang tanghali po" sambit ng matangkad na lalaki na medyo lumapit

"Gandang tanghali din"

"Dito po ba nakatira si Danica Faye?" pagkatanong nito na napatingin si Glen sa likuran na kung saan naroroon na ang pinsan niya.

"Ivan?" patanong na sambit ni Danica habang nalapit at napansin ang mga babaeng tumitili sa kanyang presensya "Napasyal ka? Mamaya pa ang bukas ng kainan namin"

"Hindi ikaw ipinunta ko" ngiting sabi nito.

-ehem-

"Ah ang tiyo Randy ko"

Kinamayan ni Ivan and tiyo Randy ng dalaga at tumingin sa pamangkin "Ay guwapo naman pala nitong isang ito eh" sambit ng tiyuhin niya na nakangiti na ikina-iling na lang ni Danica.

"Bakit?" tanong ng dalaga.

Kinapitan ni Ivan ang kanyang parehang mga kamay "Gusto ko sanang idate kita" nakita ng binatilyo na nakangiti ang ilang kamag-anakan ng dalaga at aam niyang pabor ito sa kanyang hiling. Pero sa taka niya hindi tumingin si Danica sa tiyuhin para bang naghahanap siya ng paalam kung papayagan siya o hindi.

"Ivan I'm sorry" medyo lumayo na ang tiyuhin at pinsan nya

"Or next time na lang at busy ka?" itinatry ni Ivan na maging positibo na kahit na dama niya na itinatanggi siya ng dalaga marahil na din ay sa mga babaeng may gusto sa kanya kaya ayaw sa kanyanng dalaga.

Niyakap na lang ni Danica si Ivan at inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ng binatilyo tsaka bumulong na "Sorry Ivan may mahal na akong iba"

Nang kumawala si Danica "Busy ako eh next time na lang" alam ni Ivan na ayaw ng dalaga siyang mapahiya kaya nasabi niya ang mga salitang next time na lang. Tumango siya at ngumiti.

"Sige next time alis na ho ako next time na ang ule" tanging nasabi ni Ivan na pinipigilan niya ang sarili na hindi umuha.

Pagkaalis ni Ivan nakasunod lang ang mga babae sa kanya habang si Danica ay pumasok na sa loob at walang imik ang kanyang mga tiyo, tiya at mga pinsan pero isang pinsan niya na ate niya ang lumapit sa kanya.

"Yung totoo Nics wala kang kahit ano'ng katiting na gusto sa lalaking yun? Guwapo naman ah"

"Wala dahil crush ko nga si M.J."

"Malay mo pinagpalit mo siya sa guwapo"

"...ate sino ba ang magmamahal ako o kayo? Dba ako?"

"O-k-a-y"

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・м χ т є я ι є υ χ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

The One We Love The MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon