CHAPTER 8

20 12 0
                                    

"Nakailan na ba yan?" tanong ni Danica

"Anim na yata"

"Adik ikulong sa banyo kasama ng asawa" nagtawanan sila at pumasok na sa loob ang lola "Walo yata ang tinibag ng tiyo Mario mo" sambit ng lola ng dalaga.

Habang may kinukuha si Jaeger sa kanyang bag. Bago umupo ang dalaga naghain muna siya habang mayroong nasa ilalim ng kamay ng binatilyo na nakapatong sa ibabaw ng lamesa na kakainan nila.

"Kain lang po kami"

"Sige gagawa nga pala ang ate Marinella mo ng halu-halo"

"Sige ho" sagot ni Danica at tumingin sa kaklase "Bakit?" tumingin si Jaeger sa kamay niya na kung saan doon din tumingin si Danica. Nang bitawan ni Danica habang nanguya siya tiningnan niya ang i.d. at nalunok niya ang kakanguya niyang pagkain.

Tumayo at lumayo kay Jaeger.

"Oh apo bakit?" napansin agad ng lola niya at pagtatanong niya ay nagtahimikan ang buong kaanak.

"Waaa kainis ka kainis..." napa-upo at niyakap ang sarili

"Hala ay para kang tanga dyan" sambit ng tito Randy ng dalaga.

"...kainis" mahinang sambit ni Danica.

Kumain na lang ang binatilyo habang nakatingin siya sa dalaga at pansin niyang nilalapitan siya ng kanyang mga pinsan.

"Uy nics bakit?" tanong ng ateng pinsan niya na mixed emotions na nakangiti na shock at yung tipong kulang na lang eh baliw "Sabihin mo sa akin bili" utos ng pinsan "Siya si M.J.!" hiyaw ni Danica ay sa pagkakahiyaw niya na dinig ni Mikhail

"Anu yun hindi mo napansin?" tanong ng pinsang lalaki na matanda pa sa kanya na agad niyang sinuntok sa tyan "Chubby siya nun at grade 4 pa anu na ngayon? Tanong mo katangahan"

"Oo nga noh" sabay kamot nito sa likuran ng ulo.

Nakatitig ang ilang tiyahin ng dalaga sa kanya at alam niya sa deskripsyon ng kaibigan ay talagang magugutla ang iba niyang kaananak. Pinilit niyang magpawala ng fats sa katawan para lang din sa kanya. At habang nanguya siya kausap pa rin ng dalaga ang mga pinsan at ka-anak nang lumapit ang lola ni Danica.

"Ah ed ikaw pala yung mahal ng apo ko" ngiting sambit nito nawala nung sabihin niyang "Eh dba sa usapan natin may mahal kang iba?"

"Meron nga po"

"Ah ed kaibigan lang pala kayo sa dulo"

"Depende ho kung nasa kanya yung engagement ring na pinatabi ko"

"..." tumingin ang lola ni Danica sa apo "Faye nasaan daw yung pinatatabi niya?" itinaas ni Danica ang kaliwa niyang kamay

"Nadidinig mo ba ako?" tanong muli ng lola

"Suot ko ho baka kase ibenta ng magaling nyong APO" idiniin niya at humarap sa kuya niyang pinsan na hindi na lang umimik at lalong nagkamot ng likurang buhok.

Tumayo si Danica at inalis ang singsing niyang suot tsaka lumapit sa kaklase "Hindi ko as in hindi ko aakalain na magiging kaklase pa kita" sambit ni Danica at naupo habang ang lola niya napangiti.

Sumubo na si Danica na kung saan ibinalik niya ang inabot sa kanya ng kaklase at ang singsing.

"Wala akong sinabi na alisin mo yung singsing"

"Dba sabe mo dati kukunin mo yun soon?" casual na tanong ng dalaga.

"Pero wala akong sinabing alisin mo yung singsing"

"Wala ako na lang ang nag-alis"

"Abot mo sa akin ang kanan mo" nakatihaya ang kanang kamay ni Danica na abot niya sa kaibigan nang ibaliktan ito pababa tsaka isinuot ang singsing sa pakaliwa na daliri na katabi ng hinliliit.

"Bakit mo isinusuot muli?" tanong ni Danica

"Duh, malamang gusto ka niyang PAKASALAN!" hiyaw ng ate Connie niya na hinimatay at pareha silang napatingin sa humiyaw at bumalik sa isa't-isa.

"Pagtanda na natin yun at pareha tayong nasa ikalawang antas pa lang"

"Gusto ko ang batang ito kesa kay Ivan" na sambit ng lola na ikinagutla ng mga anak at apo niya.

"Pero ayakong lalapit ka sa lalaki maliban kung guro ito"

"Teka bakit?" tanong ni Danica na binatukan siya ng ate Marinella niya na binabaan sila ng isang halu-halo na nasa may dalawang kutsara.

"Pa inosente pa tadyakan kita dyan" sambit ng pinsan nya

"Nga pala ang ate?"

"Kinuha na ng kuya mong timang" sagot ng ate Marites niya at tumatango siya "Okay lang tsaka para sa kanya halata mong na shock yun dba?"

"Iniwan ka naman" napangiti na lang si Danica

"Sanay na" pagkasambit ng dalaga kumuha ang binatilyo ng ube tsaka idinikit sa pisngi ni Danica "Waah! Timang malamig!" hiyaw ng dalaga.

"Alanganing mainit"

"Che...kainis ka nawala yung chubby-" pinisil muna ng dalaga ang pisngi ng kaklase at binitawan na akala mong nadisappointed siya.

"Ah kainis talaga..."

"Parang kanina lang kanina mo pang ipinagduduldulan na may mahal ka" paalala ng binatilyo

"Eh kasi kanina mr. sungit mo malay ko ba yung sweet m.j. ko, naging bagyo?" inis na sambit ng dalaga na napangiti ng saglit ang binatilyo tsaka sumubo ng gawang halu-halo.

"Pero okay ka lang?"

"Hinde kinikilig ako" pabulong na sagot ni Danica at hindi niya sadyang kunin ang kutsara ng binatilyo na kung saan inalis na lang niya ang isang kutsara na inilagay sa halu-halo.

Matapos nilang maubos ang kinakain mayroon pa silang dalawang oras para sa susunod nilang klase, na kung saan ang mga pinsan niya at tiyahin ang nagbukas ng bisnes nila

"Kame na bahala dito" sambit ng ate Mabelle niya "Doon kayo sa kuwarto ni Nics para walang istorbo sa reuninon nyong dalawa" dagdag pa nito.

Napansin ni Jaeger na maliit lang ang kuwarto ng kaibigan na walang masyadong damit pero mas marami ang nagkalat na makakapal na libro, iba encyclopedia iba naman pocketbook na ingles na ang isang pahina ng libro ay umaabot ng 400.

"Wala akong porn kung naghahanap ka" taas kilay ng dalaga sa kagagala ng binatilyo sa kanyang kuwarto "At mas gusto ko maliit para hindi mahirap linisin" dagdag pa nito.

"Mas gusto kong ikaw ang gagawa ng porn kesa manuod ng porn"

"Sira ka" inilock ng binatilyo ang kuwarto ng dalaga tsaka naupo sa kama nito na single bed

"Sarap makitulog" sabay higa

"Oi Mikhail"

"Ilang oras pa break?" tanong nito kay Danica habang nakahimlay na sa kama ng dalaga.

"Dalawa, oi umidlip ka lang baka kapag natulog ka mamayang gabi ka na magising" lumapit ito sa kaibigan ngunit hinigit siya papahiga habang pareha silang nasa uniporme ang suot at si Danica ay nasa ibabaw ng kanyang kaibigan.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・м χ т є я ι є υ χ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

The One We Love The MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon