Sais

7.8K 18 0
                                    

6

"Hoy gaga ka!" I pulled Hiri's hair, while walking towards McDonald's. Napagdesisyunan naming anim ngayon na sa labas ng school kumain ng lunch.

We can actually afford more expensive things. Of course, lahat kami ay galing sa mayayamang pamilya. But this time, we chose a fast-food restaurant na malapit sa school. Miss lang namin ang lasa ng Mcdo.

"Aray ko tarantado. Ano ba?" Hinawakan nya naman agad ang buhok niyang halos umabot na sa pwet ang haba.

I looked at her with meaning, hindi sumagot. Nagtataka naman siyang napatingin sa akin, hindi nalaman ang meaning nun.

Gosh, this girl. Ayoko magtanong kasi ayokong pilitin siya, pero gusto ko na sabihan niya ako sa relasyon nila, ano ba to? Am I that chismosa? Eh gusto ko share-ran niya ako.

"Ano ba kasi yun tangeks?" Tanong niya ulit bago binuksan ang pinto ng Mcdo at pumasok sa loob, sumunod agad ako.

"Tsk, nevermind."

Nakita ko agad ang apat na nakaupo sa isang table, may naka-save na dalawang upuan na para samin.

Thaddeus is here na pala, bakit hindi siya sumabay sa girlfriend niya? So not sweet!

"Ano ba yan, ang tagal ha? Parang gugutumin muna kami ng bongga bago dumating ha?" Reklamo agad ni Liam ang sumalubong samin. Napaka-reklamador talaga.

Kung kaming tatlo ni Hiri at Thad ang magkaklase, sila rin ni Liam, Avery at Nami.

"Parang na-late lang ng 5 minutes?" Sumagot naman agad si Hiri, hindi nagpapatalo.

Umupo siya sa harap ni Liam, kaya wala akong choice kundi umupo sa last vacant chair sa harap ni Thad. Ano ba tong magjowang to? Dapat naghaharapan sila! This is exactly the reason why we never noticed something about them. They're so casual to each other and they really looked just like friends.

"Patay-gutom kasi yan." Sumungit naman si Nami.

"True." Dagdag pa ni Avery, tumatawa pa.

"Hala? Tangina nyo, pinagtutulungan nyo ko?" Nakakunot na ang noo ni Liam nang sabihin niya yun.

Each of us has the same humor, halos kami lahat ay pare-parehong mga makukulit. Si Thaddeus lang talaga ang napakatahimik, pero minsan ay sumasabay naman siya.

"Tama na nga. Order na tayo, gutom nako." Pigil ko sa kanila, nag-aasaran na masyado eh, parang paiyak na si Liam kasi pinagtutulungan siya ng tatlo.

"We ordered already."

Napatingin ako ng magsalita si Thaddeus. Natigilan rin ang apat at tumingin kay Thad. Syempre nagulat silang lahat, ito kasi ang unang beses na nakipag-usap ito sa akin sa harap nila.

"G-Gagi! Nakakapagsalita na siya kay Fybian, magaling na po siya!" Hiyaw ni Liam at umaktong naiiyak sa nangyayari. Kunwari niya pang pinapahid ang mga mata.

"Wow, for the first time in forever. Friends na kayo Thad?" Nagbiro rin si Nami bago tumawa.

Ang mga hayop. Napaka-awkward tuloy. Pero hindi rin naman talaga nila maiwasang mag-react. Halos nagsasalita siya sa lahat, maliban sakin.

Sex UniversityWhere stories live. Discover now