11
"Miss ka na rin daw ni Fybian. Sige na uwi ka na daw sa kaniya, di na siya galit."Kitang-kita ko kung paanong nagsalubong ang makakapal na kilay ni Thaddeus. Nakatingin pa rin siya kay Hiri at hindi magawang tumingin sa akin. Nakatayo lang siya doon sa may harap at bakas ang inis sa mukha niya habang nakatitig kay Hiri.
Ay wow? Ayaw na ayaw na ma-ship sa akin? Akala mo naman ay lugi siya? Eh ang ganda-ganda ko!
Kahit gulat sa sinabi ni Hiri, imbis na sawayin at tumanggi ay napangisi ako ng kaunti dahil may naisip. Unti-unti kong pinatamis ang ngiti ng aking mga labi.
"Haist, so true. Sama ka na samin sa cafeteria Thad ha? I miss you na so much," tugon ko, at bahagyang nag-pout. Sa wakas ay napatingin siya sa akin. Ngayon ay umaapaw na ang gulat sa mukha niya kahit salubong pa ring ang kaniyang kilay.
"Luh," rinig kong tugon ni Hiri sa tabi ko, hindi inaasahan ang naging sagot ko.
Akala siguro ng babae ay hindi ko sasakyan ang trip niya. Nagkakamali siya. Sasakyan ko siya dahil iinisin ko 'tong Thaddeus na 'to. Wala akong planong landiin siya, pero naiinis ako dahil kung maka-asta siya ay parang luging-lugi siya sakin. Pwes, pagalingan tayo mang-inis.
Matapos akong tingnan ni Thaddeus ay bumaling ulit siya ng tingin kay Hiri. Hindi pa rin niya kayang tumitig sakin nanang matagal. Ano bang problema niya? Itinaas niya ang isa niyang kilay kay Hiri, tila halong nang-aakusa at nagtatanong kung anong ibig sabihin nito.
Agad namang itinaas ni Hiri ang dalawang kamay habang umiiling-iling pang napapa-atras, parang kriminal na sumusuko. Muntik akong matawa sa ka-OA-han niya.
"Wala po akong kinalaman dyan sir.." Acting pa niya. Muntik ulit akong matawa pero pinigilan ko.
"What? I miss Thad! What's wrong with that?" Kunwari ko ulit na sabat. Sa loob ay tawang-tawa ako sa mukha ni Thaddeus na hindi maipinta.
"Hiri." Rinig kong tugon niya kay Hiri. Seryoso ang tuno at parang hindi natutuwa. Operation: Inisin ang Tadtad, success!
"Kuya, I swear." Mukhang natakot na rin si Hiri dahil nagseseryoso na ang kuya niya.
Walang nakuhang sagot si Hiri kay Thaddeus dahil walang pasabing lumabas ito ng classroom. Nang kami nalang dalawa ang natira ay doon ako napahagalpak ng tawa. The best! Effective siya beh. Pwede na gumawa ng youtube channel, #prankster. Gagawin ko ulit yun next time.
"Gaga ka! Ano yun?" Diretsong tanong ni Hiri nang makitang tawang-tawa ako.
"Hayop! Ang LT ng reaction niyo as in."
"Tarantado ampota. Pinaglalaruan mo ang feelings ng kuya ko!" Kunwari galit na sabi ni Hiri pero maya-maya ay sumabay na rin sa akin kakatawa. Gets niya na agad kung ano ang trip ko.
Nang humupa ang tawanan namin ay dumaan muna kami sa cr para gumamit, at para mag-retouch na rin pagkatapos. Paniguradong reklamo ni Liam na naman ang sasalubong sa amin pagdating sa cafeteria, hindi kasi kami nagsisimulang kumain kung hindi kumpleto. 2 hours ang lunch break pero 30 minutes na kaming late, at panay reklamo na sila sa gc, kami nalang daw ang wala doon.
YOU ARE READING
Sex University
Teen FictionFybian Lenuelle Sevilla. An honor student of her University. She's gorgeous. Drop dead gorgeous. Kaya naman hindi na maipagtataka kung bakit marami ang gustong mag-aya sakaniya sa unibersidad na pinapasukan- ang Sex University. One thing's for sure...