Trese

6.2K 27 7
                                    

13


"Hoy," mahina kong tawag kay Liam nang makalapit sa line ng mga bibili, nasa likod niya ako. Hindi ako nilingon ng lalake, pero kitang-kita ko ang pagtaas ng nguso niya. Nag-pout ang gago.


"Hoy, Liam. Sorry na gagi. Tampo naman kaagad to," kunwaring suyo ko sa kaniya. Pumunta ako sa tabi niya at inakbayan siya, umaasang mauuto siya.

Si Liam ang pinakamakulit sa grupo, pero siya rin ang pinakamatampuhin. Ewan ko kung saan 'to ipinaglihi. Tatanggapin nalang kasi nabuo na eh, char. Silang dalawa ni Hiri ang pinaka-bata sa grupo, with only a month gap. Kaya naman, minsan ay hindi ko talaga mapigilang i-treat siya as bata, lalo na dahil napakamatampuhin niya. Feel na feel ko ang pagiging ate ,kahit iilang months lang naman ang gap namin.


"Ewan ko sayo! Pinagkaisahan nyo ko. Akala ko ay kakampi kita, kaso hindi mo rin pala ako sasagutin!" Reklamo niya pa, walang pake sa mga makakarinig sa sinasabi niya. Hindi niya pa rin ako tiningnan, at mahina pang tinatanggal ang pagka-akbay sa kaniya. Natatawa tuloy ako.

"Sorry na nga, may iniisip kasi ako kanina."

"Hmp." Nagsalubong na ang kilay niya habang naka-pout. Kinacareer na nga ng gago ang pagpapa-baby. Hindi man lang nahiya sa fact na mas matangkad pa siya sa'kin.


"Dali na, bati na tayo. Food trip tayo mamaya, my treat. Pambawi ko. Ano G?" Pangsusuyo ko ulit, pinapatulan na ang ka-artehan niya. Ganito talaga ang gawain ko everytime na nagtatampo siya, at wala namang malisya iyon sa amin dahil sanay na silang binibaby ko ang gago kahit bulbulin na. Usually, kami ni Hiri ang kasama niyang mag-food trip para pambawi, pero unavailable ngayon ang babae dahil ayun at nakakadena pa rin sa masamang titig ng kuya niya.

Never naman siyang sinuyo ni Nami or even Avery, instead ay mas inaasar pa nila. Lalo naman si Thaddeus. Duda nga akong alam niya ang word na "suyo." Siya ang pinakamalapit kay Liam pero wala siyang kwenta. Mala-tite ang gago sa katigasan.

"Fine." Napangiti ako nang sumagot siya. Nag-english pa talaga para masabing sosyal. Nawala ang salubong niyang kilay pero naka-pout pa rin ang lalake. Ang dali talagang utohin nito gamit ang pagkain, talk about patay-gutom.

"Tangina, napakapatay-gutom! Basta bati na tayo ha? So? Saan tayo kakain—"

"I mean fine bati na tayo. Di na need nung pagkain."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya natahimik ako. Ito ang unang beses na hindi siya pumayag. Napansin niya atang hindi ako nakasagot kaya sumulyap siya sakin. Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata niya, bago nagsalita.

"Uy gagi. Hindi naman sa ayaw kong mag-bonding tayo. Ano kasi.."

I raised an eyebrow. Wala talaga akong idea kung bakit ayaw niya.

"Why?" Tanong ko.

"Uhm, ano.."

"Ano nga? Parang tanga naman to.."

"May ano kasi.." Hindi niya matapos-tapos ang sentence niya at kitang-kita ko naman sa mukha niya ang pagdadalawang isip. Mukhang ayaw niya atang sabihin. Maybe I shouldn't pilit him.

"Fine. You don't have to tell me okay—”

"May magseselos."

Nagulat ako sa naging sagot niya. May magseselos? What the fuck! He has a girlfriend? This is a big news!

Totoong gulat na gulat ako dahil Liam is a proud No Girlfriend Since Birth. Ni hindi ko siya nakitang may ka-sex dito sa school. He even said na pumasok lang siya dito para libangin ang sarili sa mga makikita sa paligid.

Akma na sana akong sasagot sa kaniya para maki-chismis tungkol sa lovelife niya nang may humila sa braso niya. Natanggal ang pagkaka-akbay ko kay Liam kaya inis kong binalingan ang humila sa kaniya. Sumalubong sa akin ang naiinis rin ngunit nananatiling poging mukha ni Thaddeus. Hinila niya si Liam sa likod, kaya ako na ang nauna sa kanilang dalawa sa line. Magkatabi na sila sa likod ko ha ang nakaakbay si Thaddeus sa lalake. Gulat din si Liam sa ginawa niya.

Ano bang ginagawa niya dito? Epal talaga siya kahit kailan. Bigla-bigla nalang sumusulpot kahit saan. Kung hindi lang siya gwapo ay baka nasuntok ko na ang mukha niya.

Huminga ako ng malalim at saka tumalikod sa kanila, ako na ang susunod na bibili. Nilabas ko nalang ang cellphone ko kung saan naka-lista ang mga gusto nila at tsaka naghandang mag-order.

"Hoy, bakit?" Bulong pa ni Liam kay Thaddeus pero rinig na rinig ko naman, ambobo lang.

Hindi ko narinig na sumagot si Thaddeus kaya maya-maya'y narinig ko ulit na nagtanong si Liam.

"Parang gago to oh, nanghihila tas di magsasalita," dagdag niya. Normal na ulit ang mood niya na parang hindi siya parang tangang nagfe-feeling grade 2 nang kinausap ko kanina.

"Mamaya na," rinig kong bulong naman pabalik ni Thaddeus kay Liam.

Muntik na akong matawa. Tangina, para silang gago na nagbubulungan kahit rinig na rinig naman dahil sa lalim ng boses nila. Maganda yan, dalawa na silang tanga.

Nang turn ko nang mag-order ay saka ko binasa ang inilista kong mga order nila sa notes ko.

"Would that be all?" Masungit na tanong sa akin ng cashier na may edad na. Akma akong sasagot nang may natandaan. Lumingon agad ako kay Liam, pwede naman kasing isabay ko nalang ang order niya. Siya na ngayon ang naka-akbay kay Thaddeus.

"Hoy, yung order mo?" Tanong ko, binabalewala si Thaddeus na kitang-kita ang titig sakin sa peripheral vision ko.

"Ako na bahala dun."

"Nagtatampo ka pa rin?"

"Gagi, hindi. Basta ako na bahala, umuna ka na sa table," nakangiting tugon niya.

"Yun na ba lahat? Pakibilisan namang sumagot," nagreklamo na nga ang masungit na cashier kaya lumingon na ako pabalik at sinagot siya ng oo. Required ba talagang masungit 'pag cashier sa cafeteria/canteen?

Kahit nagtataka sa naging sagot ni Liam ay kinuha ko na agad ang number na ilalagay sa table, at umuna na akong maglakad pabalik sa table. Kahit cafeteria ang tawag namin, ang service nila dito ay mas parang restaurant. Oorder ka sa cashier, magbabayad, kukunin ang number, at tsaka babalik sa table mo para hintayin nalang na i-deliver ng waiter ang mga pagkain.

"Bat wala sina Liam? Nagtatampo pa rin? Kinginang kaartehan yan," bungad sa akin ni Nami nang makaupo. Nami has a strong personality, but deep inside, she has a soft spot for us. Tsundere ba naman.

"Ewan ko te, parang mga tanga sila ni Thad dun. Pwede naman isabay sa order ko yung kanila."

"Hala, andun si Thaddeus?" Sumingit si Hiri sa usapan, balisa ang mukha.

"Oo, bakit?"

Hindi sumagot si Hiri, pero hindi na maipinta ang mukha niya. Parang matatae na parang ewan. Seriously? Kanina ay parang ayaw ni Thaddeus na magsama si Hiri at Liam, ngayon naman ay parang ayaw ni Hiri na magsama si Liam at Thaddeus. What the fuck is wrong with this sibling?

Sex UniversityWhere stories live. Discover now