Quatro

9K 21 0
                                    

4

"Who the fuck are you? Wag ka makealam dito!" Galit na sigaw ng lalake habang nakaupo sa sahig at nakahawak sa likod niya. Kitang-kita sa mukha niya ang sakit.

I am thankful, pero grabe naman ang lakas nung pagsipa? Napatingin ako sa pumatid at ganoon nalang ang gulat ko.

Devon??

"You're harassing a student and forcing her to go with you even if she already said no. That is a violation of rules, and you're telling me na huwag makealam? Makakarating to sa Dean." Devon said smoothly.

He slowly sat too to meet the guy's height and suddenly grabbed his ID.

"Noah Rivera. Your name will be on the list."

Napatakip ako ng bibig sa narinig. Nagulat ako sa sinabi ni Devon. Nagulat rin ang lalakeng Noah pala ang pangalan. He mentioned "the list," so he is an SSG Officer. And this guy, Noah, will be dropped out.

Dito sa university ay may dalawang klase ng rules. First are the normal rules. The normal rules ay ang mga normal na rule lamang sa paaralan, like bawal bumastos ng teacher, makipag-away, mangbully at iba pa, which is ang parusa ay pwedeng suspension lang or drop. On the other hand, ang sinabi ni Devon na "the list" ay lista ng mga names ng students who have broken a golden rule or two. Golden rules are rules na hindi lang sa na-aapply sa school, kundi sa buong bansa. Those rules ay hindi pwedeng labagin dahil maco-consider na na criminal, at hindi lang mada-drop sa university, kundi makukulong ang lalabag dito. These rules include the "no forcing rule," dahil pag nilabag ay makokonsiderang rapist ang isang tao.

Students like this guy, Noah, na masusulat ang pangalan sa "list" dahil muntikan lang at hindi natuloy ang balak, ay mada-drop lang sa university. However, nasa list na ang pangalan niya, kaya magkakaroon siya ng record sa pulisya kahit hindi siya makukulong.

Ofcourse, iyong mga tuluyan namang nanghalay o lumabag sa batas ng gobyerno ay didiretso na talagang kulungan at wala nang warning.

"P-Pres.." Sambit ni Noah, tila narealize kung sino ang kaharap niya. Bakas sa gwapong mukha niya ang kaba.

Pres? As in President? Does that mean Devon is the SSG President? Shet, hindi ko man lang alam.

Sa itsura ni Devon ngayon, hinding-hindi malalaman ng kahit sino na baliko siya. Masyado siyang intimidating, malakas, at matapang. Walang bakas ng kabaklaan ang ipinapakita. Mas lalake pa kesa sa kaharap niya.


"Pack your things later. You'll be dropped out of this school." Devon said boredly at muling tumayo.

"Pres.. Please, spare me! I didn't intend what I did! Spare me, please... My dad will kill me.." Nagmamakaawang lumuhod ang Noah sa harap ni Devon, pero hindi siya nito pinansin. Instead, lumingon sa akin si Devon at binaling sa akin ang atensyon.


"Are you okay?" He asked, nakataas ang dalawang kilay, ngunit walang bakas ng pag-aalala sa mukha. Gosh. Nagtanong nga siya kung okay lang ako, pero halatang pilit. Parang ginagawa lang niya iyon para mafulfill ang role niya. Hindi man lang nakipagplastikan sakin, ang hayop lang.


"Fybian? Please tell Devon na huwag ako ilista. I'll pay you, kahit magkano. Please.." Bumaling sa akin ng pagmamakaawa ang kupal, kaya hindi ko nasagot si Dev.

Sex UniversityWhere stories live. Discover now