Otso

7.1K 16 1
                                    

8

"Thaddeus! Bitawan mo ako. What the fuck?" Napapamura na ako dahil malayo na kami kay Van pero higit-higit nya pa rin ang braso ko.

Nakakaladkad na ako at nabwibwiset na ako!

"Thaddeus Suarrez! Let go!"

Nang marinig ang full name niya ay doon na nya ako binitawan. Humarap siya sakin at salubong ang kilay. Ano? Siya pa ang galit? Eh siya tong bastos na nanghihigit nalang bigla!

"What the heck was that? Are you fucking serious right now? Kita mong may pinag-uusapan kami noong tao diba?" Hindi ko mapigilan ang galit sa pagtanong ko.

Nanatiling nakakunot ang noo nya habang nakatingin sa akin. Ano? Hindi siya magsasalita? Hindi naman ako galit na sumabat siya, ipinagpasalamat ko nga iyon dahil hindi ko tuluyang nasabi ang sekreto ko. Pero, ang bastos nya! Ganoon niya talaga ako pinaalis doon? By force? Tsaka si Van. He talked to him rudely! Hindi ba pwedeng mamaalam siya nang kalmado? Ano bang importante nyang kailangan sakin at ganoon siya umakto?

"Ano? Hindi ka magsasalita?" Bulyaw ko ulit sakanya. Nanatili lang siyang nakatitig sakin.

"At anong boyfriend kita? Nababaliw ka na ba? Naririnig mo ba ang sinabi mo?" Dagdag ko pa, at doon nawala ang salubong nyang kilay. Dumaan ang gulat sa mata niya. It's like ngayon nya lang narealize ang ginawa niya. The fuck?

Nakalimutan niya atang may girlfriend siya, na bestfriend ko! Ginagago nya ba ang bestfriend ko?

Ilang segundo rin siyang nakatitig sakin nang may gulat sa mata bago pumikit, tumingala ng kaunti, bago hinilot ang bridge ng ilong nya. Nagmumukha siyang problemadong tao. Dapat lang! Magproblema talaga siya dahil isusumbong ko siya kay Hiri. Hindi tama ang ginawa niya!

Humarap siya ulit sa akin at tumingin sa mga mata bago magsalita.

"Listen, I didn't mean anything na sinabi ko kanina. I was just.. pissed." Bumakas sa mukha nya ang hiya, bago umiwas ng tingin.

"Of course you didn't mean it! You're not my boyfriend for Pete's sake! Ano ba ang kailangan mo sa akin at ganoon ka nalang umakto kanina? Gaano ba kaimportante yan?!" I can't help but to shout. If he's pissed kanina, I am more pissed ngayon.

"I'm.. sorry.."

"Ano? Hinila mo ako dito para magsorry ha?!"

"No.."

"Then what??"

"Yung notebook ko.. Kukunin ko lang sana.." Hindi na talaga siya tumingin sa akin.

Nakatingin siya sa gilid, nakahawak sa batok, na parang batang pinapagalitan ng magulang. It's my first time seeing this side of him dahil sanay akong makita siyang walang emosyon. Pero hindi ko magawang mamangha, mas kumulo lang ang dugo ko nang marinig ang rason niya. Hinigit niya ako para lang sa notebook niya?!

"What the fuck is wrong with you? Para lang sa notebook? Are you for real?" Salubong na salubong na ang kilay ko habang sinasagot siya.

Hindi ba siya makapaghintay? Ganoon ba niya ka-mahal ang notebook nya at kailangan nyang sumingit sa usapan ng may usapan at higitin ako? Bakit? Magic notebook ba ito? Gosh! I am so stressed!

Sex UniversityWhere stories live. Discover now