7
Napangiti ako ng kakaunti sa nasaksihan.
Gago, ang cute niya. Kung si Hiri ay maganda at cute, ito naman ay pogi na cute.
"Hmmm.." I pretended to think, inaasar siya. He's so adorable for Pete's sake!
"W-Well, if you're busy or you don't want to, I would understand naman." Ngumiti siya nang sabihin ito. A genuine smile. Damang-dama mong hindi siya namimilit at okay lang na tumanggi.
"You're actually adorable." I told him directly. Nagbago naman ang mukha niya from nakangiti to gulat. Bumakas na naman ang pamumula sa mukha niya.
Oh my gosh, I wanna keep him. Super cute!
"What the heck. You.. don't have to say that.." He said, looking away. Pulang-pula na parang kamatis. I guess he likes being complimented.
"Sure. Let's go." Sinagot ko ang tanong niya kanina.
"Is that a yes?"
"Of course." I smiled, at lumapit sa kaniya.
"So.. Where do you want to do it ba? W-We can stay at my room, or if you want, we can go out and stay at a hotel--"
"Let's stay in your room!" I exclaimed, hindi siya pinatapos ng salita.
I've always wanted to go into a boy's room here. Hindi ko pa na-eexperience ang makipagsex doon kasi all of the boys na nagyaya sakin doesn't look harmless, so I preferred doing it with them outside. Pero this time, I am very comfortable with this man. He also seems harmless, so this will be the perfect timing to do it in a man's room.
"Okay." He smiled a bit. Mas nahalata tuloy ang pagkasingkit niya nang ngumiti.
Malaki ang school. Kaya naman may mga ilang minuto pa bago kami makaabot sa dorm ng mga lalake.
Habang naglalakad ay nagsalita siya.
"Would you believe me if I say na I like you?"
Natigilan ako nang mapatingin sakaniya. Hindi agad nagprocess sa utak ko ang sinabi niya.
"Ha..?"
Tumawa siya ng kaunti, tumigil rin sa paglalakad para humarap sakin, at nagsalita.
"I actually don't want to make out with you. Naghahanap lang ako ng excuse para makasama ka, at.. magconfess.."
He looked away.
"Pero if gusto mo talaga ng sex tonight, I can give you what you want. For you.. I would."
Hindi na halata sa mukha niya ang pamumula dahil sa kadiliman ng gabi, pero alam kong namumula siya.
What the heck..
A confession, is the very least I expected today.
"Wow. I-I didn't expect this... I don't know what to say really.." Na-aawkward na ako. Hindi alam ang sasabihin.
"You don't have to answer. I just told you para alam mo ang nararamdaman ko."
Hindi ako sumagot, or should I say wala akong maisagot. I am speechless! Sanay akong habulin ng mga lalake pero para sa lust lang, para matugunan ang kalibogan nila. Ang hinding-hindi ko aasahan ay iyong genuine na confession, kagaya nito.
"I know. I am a stranger to you, so let me introduce myself. I am Van. Van Denton. Matagal na kitang gusto Fyb. This is not just lust, because I know na this is love. I am inlove with you." Diretso siyang nakatingin sa mata ko.
Ramdam na ramdam ko ang pagka-sincere niya, pero hindi ko magawang matuwa. Type ko siya, but hindi ako pang-relasyon. Hindi ako nakakaramdam ng romantikong pag-ibig.
Should I tell him about me being an aromantic? But I never told anyone about it, not even Hiri. Pero nakonsensya ako dito kay Van. He looks so genuine, it's hard to tell him.
Bahala na. Wala namang mawawala kung sasabihin ko.
"Van, actually I'm---"
"Lenuelle."
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang marinig ko na naman ang pamilyar na boses. Lumingin ako sa pinanggalingan nito at nagulat ako nang makita ang nag-iisang taong tumatawag sakin gamit ang second name ko.
"Thaddeus?? What the--"
"Lenuelle? I'm sorry but she's Fybian. I think you got the wrong woman." Sumabat si Van. Nakangiti siya habang sinasabi ito, at walang halong pagkainis sa mukha.
"You don't know her." Sagot naman ni Thaddeus. Naroon pa rin sa mukha niya ang "bored look."
"Ah it doesn't matter, and actually, we're in the middle of something. So can you give us a minute muna?" Nakangiti pa rin si Van, bakas sa mukha ang pagka-sincere.
"Nah. I need something din from her. Lenuelle, let's go." Bumaling sa akin si Thaddeus, bakas na ang inis sa mukha.
Ano ba tong tao na to? Kung makautos ah! Ano bang kailangan niya sakin at kailangan niyang sumabat dito?
Pero nagpapasalamat ako sakaniya sa loob ko. Hindi ko natuloy ang sasabihin ko kay Van. What were you thinking Fybian? Buti nalang at hindi ko tuluyang nasabi ang sekreto ko.
Hindi pa ako nakakasagot kay Thaddeus ay nagsalita na naman si Van. Naiinis na ako ng kunti. Sila na ang nag-uusap, at hindi na nila ako binibigyan ng pagkakataong magsalita.
"No. I am with her tonight. You cannot just get her from me. As I said, we're on the middle of something. I'm sorry pero wala kang karapatang makisabat sa amin, unless kung boyfriend ka niya. And from what I heard, Fybian's single so---"
"Then you heard wrong."
Sabay kaming natigilan ni Van sa sagot ni Thaddeus. Pareho kaming nagtataka. What did he mean by that??
"What do you mean?" Van asked confusedly.
"I am the boyfriend. Her boyfriend. Now, will you excuse us?" Thaddeus replied.
Pagkatapos niyang sumagot ay agad na niya akong hinila palayo kay Van, na nakatayo pa rin doon at parang hindi pa napa-process ang mga nangyari sa utak.
What the fuck..

YOU ARE READING
Sex University
Teen FictionFybian Lenuelle Sevilla. An honor student of her University. She's gorgeous. Drop dead gorgeous. Kaya naman hindi na maipagtataka kung bakit marami ang gustong mag-aya sakaniya sa unibersidad na pinapasukan- ang Sex University. One thing's for sure...