Dyes

6.3K 26 0
                                    

10

Napabangon ako agad nang marinig ang alarm ko. Hilong-hilo pa ako nang kuhanin ang phone para i-check ang oras, kinakabahan ng kaunti baka late na ako kahit sure naman akong maaga ang alarm ko. Wala lang, paranoid lang.

5 AM pa, at 7 AM ang class namin. Okay, mataas pa ang time ko para mag-ready. Hilong-hilo pa ako nang tumayo, pumunta sa cr at nagmumog muna bago magluto ng ulam.

Binuksan ko ang ref at kumuha ng pork chop na nabili namin noong nag-shopping kami ni Hiri sa grocery. Ibababad ko lang ito sa crispy fry tsaka lulutuin, wala na akong time mag-order dahil paniguradong matagal pa dadating. I do admit that I like expensive things, pero exception dito ang pagkain. Hindi ako mapili dito, at kaya kung kumain ng kahit ano, basta't okay sa panlasa ko.

Habang nagluluto, lutang pa rin ako habang iniisip ang nalamang rebelasyon kagabi.

Thad and Hiri are fucking siblings, not dating! Ang sabi ni Hiri ay half-siblings sila, with same dad and different moms.

Nainis ako sa sarili ko dahil napaka-malisosya ko! Alam ni Thad ang passcode ni Hiri dahil kapatid sila, at ibinigay nila ang passcode ng isa't-isa para makabisita sila anytime nila gusto. Nagkataon lang na nakalimutan ni Thad ang room number ni Hiri kaya nagtanong nalang siya sakin para mapadali.

Bumisita daw si Thaddeus noon sakaniya para ihatid ang mga ipinamimigay ng mom ni Thad kay Hiri. According to Hiri, Thaddeus' mom is their father's first wife, dahil second wife pala ang mommy ni Hiri. It seems like Hiri and Thaddeus' mom is in good terms, which is a good thing.

Ang bobo ko kase! Romantic relationship agad ang naisip ko na namamagitan sa kanila. Hindi ko talaga naisip na magkapatid sila dahil malayo ang mukha nila. Singkit si Hiri pero hindi si Thaddeus!

Marami ang ikinlaro si Hiri sa akin. Ang sabi pa nya ay hindi nila ito binanggit sa amin dahil ayaw nilang maging awkward ang circle namin kapag nalamang magkapatid sila. But i think that's not the reason, dahil nang sabihin nya ito sa akin ay nauutal siya. Alam kong may tinatago ang gaga, pero hindi ko na inusisa dahil may rason siya panigurado.

Naklaro na na niya halos lahat, except one thing. Bakit ayaw ni Thaddeus na magsumbong ako kay Hiri sa ginawa niyang paghablot sa akin galing kay Van gayong hindi naman pala sila magjowa? Nahihiya ba siyang malaman ng kapatid niya? May itinatago ba siya? I am really curious.

Tinanong ko iyon kay Hiri kagabi pero ang babae ay nag-quote pa ng "some things are better left unsaid." Napakahayop. Sa huli ay pinagpromise nya akong wag ito sasabihin sa ibang friends namin. Galit pa siya sa kuya niya dahil padalos-dalos ang kilos, kaya nalaman ko.

Napatigil ako sa pag-iisip nang matitigan ang niluluto ko. Fuck, sunog na! Tangina Fybian, golden brown ang goal color sa pagluto, hindi black!

Mabilis kong inihain sa plato ang sunog na ulam at tumingin sa oras. 5:50 AM. Wala na akong time! Matagal ako bago makaready kaya hindi na kakayaning magluto pa ng bagong ulam. Wala akong choice kundi kainin ang itim na itim na ulam. Shet, ganito pala ang lasa ng uling.

Wala akong sinayang na oras at ginawa ang morning routine ko at nagbihis bago pinuntahan ang pinto ng unit ni Hiri. Naabutan ko naman ang babae sa may pinto niya. Nakayuko siya habang hawak-hawak ang sapatos nya at isinusuot ito sa paa nya. Sabay kami ngayon dahil hindi na tinatamad pumasok ang disney princess.

Nang matapos sa paglalagay ng sapatos ay akala ko'y aalis na kami pero pumasok siya ulit sa loob. Paglabas niya ay nagulat ako dahil may kasama siya.

Anong ginagawa ni Thaddeus dito ng ganito ka-aga?

Masama ang tingin ko sa kaniya. Kahit naklaro na na magkapatid sila ay hindi ko makakalimutan ang ginawa nyang kabastusan kay Van. Magso-sorry ako doon 'pag nakita ko.

Sex UniversityWhere stories live. Discover now