Sinco

8.5K 22 0
                                    

5

"Lenuelle."

Napatigil ako sa pag-aalala nang may nagsalita.

SINONG GAGO ANG TUMAWAG NG SECOND NAME KO?!

Napakunot agad ako ng noo ko at napalingon sa paligid. Doon ko nasulyapan si Thaddeus. He's wearing an oversized white hoodie, paired with a black short. Sa kaliwang kamay naman nya ay may dala syang paper bag.

Today is a wash day, which means students can ditch their uniforms and wear whatever outfits they want. He's wearing a simple outfit yet he managed to make its vibe expensive, unbelievable.


Nakapamulsa siya, staring at me with bored eyes.

He knew my name? As in my full name? Sinabi ko ang full name ko sa circle namin nang isang beses. Nahagip pa ng memorya nya iyon?

"What did you just call me?" Tanong ko, nakakunot pa rin ang noo. I am very confused, and annoyed.

Why would he call me that? Ayoko sa second name ko kaya wag niya akong matawag nang ganun. Tsaka bakit sya andito? Parang hindi naman ata kami close? Anong kailangan niya? Bakit nag-aapproach na sya sakin ngayon?

"Your name, Lenuelle. I called you by your name," sumagot siya ng pamimilosopo. Wow, galing. Saya siya dyan?

"Eh kung suntukin kita? Don't call me by that name!"

"Oh? I can't call someone by their name now?" Nagpilosopo pa nga. This is ridiculous.


"Basta! Wala, bawal, tulog, umalis."

Agad tumaas ang isang kilay niya, naguguluhan.

Anak mayaman nga to, hindi man lang na-gets ang kanal humor ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito, at anong need mo?" Dagdag kong tanong.

Nasa kabilang side ang daan patungo sa dorm ng mga lalake, kaya alam ko agad na hindi siya accidentally na naparito.

"Hmm.."

Luh, si kuya naging villager ng Minecraft pa nga.

"I think you need company. Let's go." Agad-agaran niyang sagot at nauna pang maglakad sakin papunta sa madilim na daan. Ha? I am really confused right now. We're not close, so why the fuck would he accompany me here? This is suspicious. Really suspicious.

Hindi ako sumunod sakaniya at tiningnan lang ang likod niya. Nang madamang hindi ako nakasunod, tumigil siya at humarap sa akin.

"Bat andiyan ka lang?" Tanong niya. Marunong naman palang mag-tagalog to. Kung maka-english ay parang wala nang bukas eh.

Sumagot agad ako.


"What are you planning?" Tumingin ako ng masama sakaniya.

Sex UniversityWhere stories live. Discover now