5
"Ma'am, babalik po kami rito bukas para po kunin ang statement ni Ma'am Agustin. Mauna na po kami." Sambit ng pulis na isa sa mga rumesponde kanina sa amin ni Doc.
Agad din siyang umalis kasama ang kanyang kapwa pulis. Habang minamasdan ko sila palabas ng ospital kay kita ko si Mama na tumatakbo palapit sa'kin at may hawak na isang kayumangging paper bag.
"Ma..." Mahinang tawag ko sa kanya habang mahigpit akong niyayakap.
"Ky, anak. Ano nangyari? May mga sugat ka ba?" Hingal na pangungumusta niya habang tinitingnan aking mga braso.
"Wala naman po, Ma. May pasa lang ho ako pero nagamot na po kanina ng nurse."
"Anak ko, Diyos ko naman." Sambit niya matapos huminga nang malalim. Mangiyak-ngiyak ang kanyang mga mata kaya't 'di ko napigilang humikbi. Niyakap ko ulit si Mama at siniksik ang aking mukha sa kanyang balikat.
Pinaupo ako ni nanay sa bakanteng upuan habang kinukuwento ang nangyari sa'kin kanina. Kita ang galit ni Mama sa taong nagtangka sa aking buhay at ramdam ko pa rin ang kanyang pag-aalala sa bawat haplos niya sa aking kamay. Nasabi ko na rin sa kanya ang ginawang pag-ligtas sa akin ni Doc. Agustin.
"Agustin, Jadiel. Guardian?" Sigaw ng isang nurse na nakatawag sa aking atensyon.
"Nurse, ako po." Pagtaas ko ng aking kamay at tuluyan kaming lumapit ni Mama sa kanya.
"Kaano-ano niyo po yung pasyente, Miss?" Tanong niya.
"Ako po ang niligtas niya kanina, Nurse. Siya po ang mama ko." Pagpapakilala ko.
"Pasensya na po, Ma'am. Hindi po pwede pumasok kung hindi po directly-related sa pasyente." Pagtanggi ng Nurse. Gusto ko pa sanang makiusap na makita lang siya sandal bago kami umuwi ni Mama.
"Magbabakasakali na lang po ako kung kilala niyo po 'tong nasa emergency contact niya?" Dagdag na tanong ng nurse at laking gulat ko nang ipinakita ang isang cellphone number.
Khyra Veloso
09264******"Ako po iyan, Nurse. Ako po si Khyra Veloso." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Kinuha ko na rin aking School ID at ipinakita ito sa kanya.
"Sige po, Ma'am. Pwede ka na pumasok pero hindi po muna pwede sumama ang Mama niyo. Bukas po during visiting hours pwede niyo po siya bisitahin dito sa ospital."
"Salamat po, Nurse." Pasalamat ko sa kanya bago siya pumasok sa emergency room.
"Ma, pwede po bang punta—"
"Umuwi na tayo, Kheirra. Mag-uumaga na." Pagputol sa'kin ni Mama.
"Sandali lang naman po, Ma." Pakikiusap ko.
"Kheirra, huwag na. Umuwi na tayo, magluluto pa ako ng agahan para sa mga kapatid mo."
"Pero, Ma---"
"Kheirra, isa. Bukas na lang, papayagan kitang bumalik dito sa ospital." Pagmamatigas ulit niya.
Isang malalim na hininga aking naibigay kay Mama at pumayag na rin ako sa gusto ni Mama. Ngunit, hanggang sa aming pagkarating ng bahay ay 'di pa rin ako mapakali sa pag-iisip tungkol sa kondisyon ni Doc. Agustin. Naligo ako agad pagkarating ng bahay at nagpahinga. Sa aking pag-higa sa kama ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sylver at Steven.
BINABASA MO ANG
Against The Current
Romance"Nobody knows just why we're here Could it be fate or random circumstance At the right place, at the right time Two roads intertwine And if the universe conspired To meld our lives, to make us, fuel and fire Then know wherever you will be So too, sh...