6
"She's my girlfriend."
Gulat akong tumingin sa kanya pabalik matapos marinig ang kanyang sinabi. Ano? Girlfriend? Sa harap ng lola niya sinabi niyang girlfriend niya ako? Ano na naman 'tong trip nitong babaeng 'to?
"Oh my God, apo ko! Finally! Someone made you fall in love! After ilang years kitang binenta sa mga anak ng mga kumare ko!" Sigaw ng kanyang lola habang pumapalakpak pa.
"Of course, La."
"Nice to meet you, Iha. Thank you for making my granddaughter happy. Look at you, you're so pretty." Pagbati ng kanyang lola sa akin. Agad din niya akong bineso at niyakap.
"Nice to meet you din po, Ma'am."
"Don't call me Ma'am, Iha. From now on, you can call me Lola already."
"Ahh. Sige po, Lola." Sambit ko at nginitian siya.
"Andami ko kayang pinakilala sa apo kong 'to pero ayaw niya sa lahat. Nag-aalala na nga ako baka walang makakasama ito 'pag wala na ako. She doesn't even know how to cook, Iha."
"La, TMI." Pagpapaalala ni Doc.
"Ay! Ay! Oo nga pala!"
"La, Ky has something to do pa. She's going to the precinct to follow up the case." Sabat uli ni Doc na siyang ikinaluwag ng pagkahawak niya sa aking bewang.
"I'll call you later, baby." Sabi ni Doc habang hinahaplos aking pisngi gamit ang kanyang kaliwang kamay. Tumango lang ako at agad na nagpaalam sa kanila.
Ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi habang palabas ako ng kwarto. Nakita ko si Ate na nakaupo pa rin sa bench na katabi lang ng kwarto ni Doc.
"Ate..."
"Oh, Ky! Bakit pulang-pula ka?! May nangyari ba sa loob?"
"Wala naman, Ate. Tara na po."
"Sino iyong matandang pumasok?"
"Ahh, lola iyon ni Doc. Agustin."
"Naks, meet the lola. Hope everybody."
Napailing na lang ako sa sinabi ni Ate Janika . Nagpatuloy na kami sa paglalakad at tumungo na sa presinto. Pagkarating naming sa presinto ay nakatanggap ako ng text.
From: +639665*****
Come back here in the hospital when you finish everything. We need to talk.Wala'ng hiya naman talaga 'to. Kung hindi lang talaga ako niligtas nito kagabi, nakabaon na 'to sa hukay ngayon! Lakas maka-utos, akala mo naman.
Charot!
Hindi ko na siya nireplyan at dumiretso na lang na pumasok sa presinto. Agad akong nakilala ng pulis na naginterview kanina kay Doc. Agustin. Lumapit din sa akin ang isang lalaking suot ay suit and tie at may dalang bag.
"Good morning. You must be Miss Veloso." Pagbati niya at inalok kanyang kamay.
"Ah, sir! If you're looking for Miss Veloso. Both of us are Miss Velosos. Can you ---" Sabat ni Ate Janika na may konting landi.
Type niya ata 'tong lalaki.
"I'm referring to Miss Khyra Veloso. And I'm sure it's not you." Pahiwatig ng lalaki na ikinainis ni Ate. Binawi na rin niya ang inaalok na kamay at inabot sa akin ang kanyang calling card.
BINABASA MO ANG
Against The Current
Romance"Nobody knows just why we're here Could it be fate or random circumstance At the right place, at the right time Two roads intertwine And if the universe conspired To meld our lives, to make us, fuel and fire Then know wherever you will be So too, sh...