Chapter 3

658 24 9
                                    

3




"Ky, okay ka na ba?" Mahina akong tumango matapos ang pangungumusta ni Mico.




Nakaupo na ako sofa ng clinic namin matapos gamutin ng nurse ang sugat ko sa tuhod dulot ng pagka-dapa ko kanina dahil sa pagkabangga namin ni Doc Agustin.




"Miss Veloso, bibigyan kita ng pain reliever ha? Para naman mainom mo kung sakaling sasakit ulit ang sugat mo sa tuhod. Lagyan mo na lang rin ng ice sa paligid ng sugat para madaling mawala yung maga." Pahayag ng aming school nurse.





"Opo, maam. Salamat po."





"Kailangan mo ba ng medical certificate para ma-excuse ka sa afternoon subjects mo?" Tanong niya.





"Huwag na po, Ma'am. Wala naman po kaming klase this afternoon. Salamat po ulit."





Tinulungan ako ni Mico sa paglakad dahil nahihirapan akong i-galaw ang paa ko dahil sa sugat. Hindi ko naman talaga napansin yung sugat ko noong una. Kung hindi ito nakita ni Doc. Agustin kanina ay hindi ko talaga agad mararamdaman yung sakit.





"Bes, uwi na lang tayo? Mag-taxi na lang tayo." Pag-aayang umuwi ni Mico.





"Huwag na, Mics. Ang mahal!" Pagtutol ko.





"Hindi, ako na lang magbabayad para naman makapahinga ka."




"Mico, ha? Masyado ka nang caring sa'kin. Gusto mo na ba ako?" Biglang tanong ko sa kanya na nagdulot ng sapak niya saking balikat.




"Aray, Mico!"



"Ew! Anong gusto-gusto?! Wala akong gusto sa'yo! Di tayo talo, bes! Lalaki ang bet ko!" Sigaw ni Mico na nakatawag ng atensyon ng ibang estudyanteng nakapaligid sa amin. Malakas naman akong tumawa sa tugon niya.




"Mico, samahan mo ako ulit sa library. May need akong i-research, e." Anyaya ko sa kanya.




"Huh? Bakit di mo na lang ginawa kanina?"




"Nakalimutan ko, e. Hehe."




"Okay, sige pero maaga akong uuwi today, Kia, ha? Dinner kasi namin sa bahay kasama sila lola. Baka 'di kita masabayan mamaya."




"Okay lang, Mics. Basta samahan mo 'ko sa lib."




Sabay kaming tumungo sa linya ng elevator pero mas ikinataka ko ay biglang akong hinila ni Mico papunta sa simula ng linya.




"Huy gago, Mico! Bawal sumingit!" Bulong ko sa kanya.




"Don't worry, sis. Ako bahala sa'yo." Kumindat pa nga. Tumikhim na lang ako at nagtago sa likod niya dahil nakatingin na ang mga ibang nakalinya sa amin.



"Kuya, doon po linya sa likod. Bawal po sumingit." Sabi ng isang estudyanteng maayos na nakalinya.




Ito na nga ba ang sinasabi ko, e.




"Hindi mo ba nababasa iyon, miss?" Sabat ni Mico sa estudyante.




"Nakalagay sa sign oh. Give priority to Pregnant women, Senior citizen, and PWD." Dagdag ni Mico.




"Hindi naman kayo kasali sa mga kailangan i-prioritize." Masungit na sagot ng estudyante.




"Anong hindi? Kasali kami kasi PWD 'tong kasama ko." Sabay turo sa'kin at kaunting itinaas aking skirt para makita ang sugat sa'king tuhod. Walang hiya talaga 'tong baklang' to. Tumawa ang staff at pinauna naman kaming papasukin pagkabukas ng elevator.




Against The CurrentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon