10
"Ky, nasa baba na ako. Sunod ka ha!" Bungad sakin ni Mico nang sagutin ko ang kanyang tawag.
"Gagi! Nasa Caf ka na? Saglit lang!" Sagot ko habang nakaipit ng kanang tenga at balikat ko ang aking cellphone habang abala ang mga kamay ko sa pagligpit ng mga gamit na nasa mesa.
Magkahiwalay kami ni Mico palabas dahil nasa kabilang dulo ako ng aming mini auditorium. Kakatapos lang ng aming exam para sa Maternal at ngayon kami lahat ay nagsisi-unahan makalabas para makakain muna bago mag-review para susunod na exam schedule. Naka-shuffle kasi ang seating arrangement namin lalo na kapag major subject para maiwasan ang pangongopya.
Hindi magkamayaw ang buong campus dahil ngayon ay ang unang araw ng aming midterm exams for this semester. Habang ako ay pababa para samahan si Mico ay pinagmamasdan ko ang mga estudyante na linyang nakaupo sa gilid ng hallway at nakaharap sa kanya-kanya nilang mga notes.
College life nga naman.
"Ky! Dito!" Agad kong nakita si Mico kahit papasok pa lang ako sa aming cafeteria. Nakakuha na siya ng pwesto kaya mabilisan ko siyang nilapitan.
"Ako na rito, Mico. Order ka na! Bilis!" Pahayag ko sa kanya dahil tumataas na ang pila ng mga customer at dahan-dahan na ring napupuno ang loob ng cafeteria.
From: Mics
Anong order mo?Isang text ang aking natanggap mula kay Mico na ngayon ay naka-linya para bumili ng pagkain.
To: Mics
Ikaw, anong order mo?From: Mics
Chicken adobo.To: Mics
Iyon na lang rin akin tapos isang rice.From: Mics
Gaya-gaya.Natawa ako sa huling reply ni Mico sa akin at agad na nag-peace sign dahil kita ko siya dito sa pwesto ko mula sa counter na nakatingin sakin na sumesenyas na parang tanga.
To: Mics
Nu ginagawa mo? Mukha kang timang HAHAHA.From: Mics
Tingin sa likod mo gaga.Pagkabasa ko sa kanyang text ay agad akong napalingon sa likod. Tanaw na naman ng mga mata ko ang babaeng mahilig sumira ng araw ko at baka pati buhay ko na rin dahil sa mga desisyon niya sa buhay. Kausap niya habang naglalakad ngayon si Sir Chase kaya halos lahat ng tao dito ay nakabaling ang atensyon sa kanila.
Ilang araw ko na rin na 'di siya nakikita sa campus. Huling pag-uusap namin ay noong ginamot ko ang kanyang sugat sa labi. Mabuti na rin iyon na hindi masyado niya ako ginugulo lalo na't hell week ngayon at bawal ang distractions.
Mas lumalalim ang aking titig sa kanya habang siya ay papalapit sa aking kinauupuan. Naaalala ko na naman noong nagkasagutan kami matapos ang dinner kasama ang kanyang pamilya. 'Di ko maiwasan na mainis ulit sa kanyang pagmumukha marahil ay dahil may kutob ako ko talagang 'ginagamit niya lang ako para pagselosin si Via.
"Nganga pa more, Sis! Whipped yarn?" Biglang singit ni Mico na ngayon pala ay nag-lalapag na mga pagkain sa aming mesa.
"Hayop ka." Panlaban ko at saka siya tumikhim ng kanyang bibig.
"Dami mong kanin na binili. Sabi ko naman isa lang akin." Sabi ko sa kanya matapos makita ang apat na baso ng kanin na nasa isang plato.
"Akin 'yang tatlo. 'Wag kang feeling." Pambara niya kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin at nagsimula na ring nagkwentuhan na may konting kain. Natigil aming usapan ni Mico nang may tumawag sa akin na 'di kilalang numero.
BINABASA MO ANG
Against The Current
Romantik"Nobody knows just why we're here Could it be fate or random circumstance At the right place, at the right time Two roads intertwine And if the universe conspired To meld our lives, to make us, fuel and fire Then know wherever you will be So too, sh...