Chapter 19

720 25 10
                                    

19




















"Kaya mo bang magdrive?" Tanong ko kay Jadiel na kasalukuyang kasama ko ngayon at nakatayo sa labas ng kanyang kotse.

Tulala lang siya at mariin na nakatingin sa akin habang hawak ko pa rin ang isang kamay niya, "Huy, tinatanong kita." Sabi ko at sinubukang i-tigtig ang aming kamay para maibalik siya sa wisyo.


"Yes, I'll take you home. It's getting late." Tugon niya at sinama ako patungo sa tapat ng pinto ng passenger's seat.


"Saan mo ko ihahatid?" Sabi ko habang binubuksan niya ang kotse para hinahayaan akong makapasok.


"Why? Where would you want me to take you?" Pabalik niyang tanong habang pinapasok ang isang kamay niya sa loob ng kanyang bulsa habang nanatiling hawak ng kabila aking kamay.


"S-sa penthouse." Ngumiti siya sa aking sagot at tumango lamang ng bahagya.


"Get in the car, Ky." Ramdam ko ang mga haplos ng mga nakapilipit niyang daliri sa aking kamay, "Let's drive our way home."

Nilabas niya ang kanyang kanang kamay mula sa bulsa at nilagay ito sa taas ng aking ulo marahil ay para alalayan ako at maiwasan na ako'y mauntog sa atip ng kanyang sasakyan.


Sa aking tuluyan at maayos na pagkakaupo ay doon lamang binitawan ni Jadiel aking kamay saka sinara ang pinto at pumuwesto sa driver's seat.


"Sigurado ka bang kaya mong magmaneho?" Sabi ko habang nilolock ang seatbelt, "Hindi ka lasing?"


"I don't drunk drive." Inaayos niya ang kanyang postura, "Especially if you're with me."


Hatdog. Ayan na naman siya sa mga banat niya.


Nagsimula siyang mag-drive at sinubukan akong kausapin, "How about you? Aren't you drunk?"


"Nahihilo lang kaunti."


"That's why I told you to stop drinking already." Rason niya.


"Eh, gusto ko pang uminom, e. Bakit ba?" Sagot ko


"Why were you so eager to get drunk?" Diretso niyang tanong sa akin habang naka-focus pa rin sa daan subalit mas pinili kong hindi manahimik kaya muli siyang nagsalita.


"Do you have any problem?"


Oo, ikaw.


"Wala naman. Stressed lang siguro sa acads." Taliwas sa aking iniisip aking ipinahayag kay Jadiel.


Saglit siyang nagmasid sa akin ngunit binalik rin agad ang titig sa highway "Is this about that quiz bee stuff?"


Manhid rin talaga 'to sometimes.


"Siguro? Di naman kasi ako nasali sa mga ganon." Pagsisinungaling ko.


"Hmm, fishy."


"Fishy mo mukha mo." Napatawa siya sa sinabi ko bago nanahimik nang ilang sandali.


"Eli called you this morning but he said you didn't respond." Pag-basag niya sa katahimikan. Marahil ay nakapag-sabi na si Eli kay Jadiel hinggil sa aking update kay Papa.


"Nasa klase ako kanina." Pinatong ko ang aking siko sa armrest na nakadikit sa pinto bago sinandig aking ulo sa salamin, "FYI, Klase ng girlfriend mo."


"What?!" Mabalasik niyang reaksyon.



"Sus, karga-karga mo pa nga kanina, e." Sarkastiko kong pahayag


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Against The CurrentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon