Chapter 13

544 24 7
                                    


13


TW: Mention of murder and abduction.







Maliban sa pag-aaral ay sobra dalawang linggo na rin akong abala sa mga preparations para sa college days. Mabuti na rin at kasama ko si Mico sa student council kaya 'di masyado ako nahihirapan sa mga gawain. Siya ang pangunahing tumulong sakin sa pag-budget ng pera kasama aking Assistant Treasurer.



"Tatlong araw na lang talaga event na." Bulong ko sa sarili habang nakatulala sa ere.



"Konti na lang, Ky. Makakapag-pahinga na rin tayo finally."



"Kasalanan mo talaga 'to Mico." Banggit ko.



"Ikaw naglista ng pangalan ko sa list of candidates. Kaya kung 'di lang talaga best friend, matagal na kita pinasundo kay satanas." Patuloy ko.



"Hayaan mo na 'yun, Beh! Past is past 'tsaka nanalo ka naman, ah?" Sabat niya sakin.



"Tsk, ewan ko sayo! Halika na nga, baka nasa gym na sila." Sumunod rin agad sakin si Mico papuntang gym. Ngayong araw kasi ang ocular visit sa kada venue na gagamitin sa college days. Sa gym ang opening nito kaya doon kami nakapag-decide na magkita.



"Oh! Andyan na pala si Khyra and Mikhael!" Humyaw ni Ate Selene pagpasok namin sa loob. Wala pang ibang tao sa loob kundi kaming mga officers lang pati mga organizers na ngayo'y nagseset-up ng mga gamit nila.



Habang naglalakbay ang mga mata ko sa bawat sulok ng gymnasium ay nasagi ng aking paningin ang isang babaeng nakahawak pa sa bewang at kinakausap si Maam Syd na siyang head ng aming napiling organizer para sa lights and sounds.



Nakasuot siya ng puting polo shirt na may logo ng kabayo na naka-insert sa kanyang dark gray trousers. Suot rin niya ay isa na namang white sneakers na may burdang ahas na kulay pula at berde. Medyo husto ang kanyang damit pantaas ngayon kaya mas napansin ko ang hubog ng kanyang katawan. 'Di ko rin ma-dedeny na ang tangkad niya nga pala talaga.



Seryoso siyang nagpapaliwanag sa kanyang kausap habang ino-obserbahan rin ang gawain ng iba pang staff na nagkakabit ng mga LED screen at iba pang mga wires. Baling sa kanya ang atensyon ko habang nagsasalita si Ate Aliyah sa harapan kung paano niya kami ihahati-hati kada location para mas mapabilis ang trabaho.



"Veloso! Come here!" Narinig kong tawag ni Doc Agustin at nakita ko rin siya na humarap sa amin na nasa kabilang gilid ng gym.

Against The CurrentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon