9
"How about you? What were you doing at the balcony with Via, Jadiel?
Pagbalik ng tanong ni Attorney kay Doc Agustin gamit ang mga malamig niyang boses. Ako naman ay 'di makagalaw dahil sa tensyon dulot ng kasalukuyang nangyayari.
"Let's go, baby." Maikling sabi ni Jadiel habang kinukuha ang isa 'kong kamay at dinala ako sa baba para puntahan si Lola V.
"La, we must go. Khyra's not feeling well." Paalam niya.
"God, what happened? Are you okay?" Tarantang tanong ni Lola.
"I'm fine po. Nahihilo lang po ako kaunti." 'Di ako nagsisinungaling dahil totoong nahihilo ako.
"Maybe you made her drink a lot of wine, Apo." Palabirong sambit ni Lola.
"She's going to be fine, La. We got to go." Paalam niya ulit bago niyakap si La. Nagpaalam na rin ako sa kanya bago ako dalhin ni Doc. Agustin sa parking lot.
"Bitawan mo ko, Jadiel." Sabi ko.
"Sakay, Khyra." Ma-awtoridad niyang sambit matapos balewalain aking sinabi at buksan ang pinto ng passenger's seat habang nakahawak pa rin sa aking kamay.
"I said, sakay." Ulit niya na medyo nakataas na ang tono na naging dahilan para sumunod ako sa kanya. Nagsuot ako ng seatbelt habang pinapaandar niya ang sasakyan hanggang sa makalabas kami sa gate ng mansion ni Lola V.
"Kunin ko lang mga gamit ko sa penthouse mo, Doc. Uuwi ako agad pagkatapos." Sabi ko pero wala akong nakuhang sagot sa kanya hanggang paguwi namin sa kanyang bahay.
-
Pagpasok namin sa kanyang penthouse ay wala na ang mga gamit ni Sir Chase at malinis na rin ang kusina. Pumasok ako sa kwarto na pinagbihisan ko kanina at nagpalit na rin ng damit. Tinanggal ko na aking make-up at naghilamos. Iniwan ko ang aking heels sa gilid ng kama pero napagpasyahan kong dalhin na ang puting damit na ginamit ko at nilagay ito sa aking bag para malabhan ko sa bahay. Pagbukas ko ng pinto ay laking gulat ko nang makita ko si Doc. Agustin na nakatayo sa tapat ng pintuan.
"Khyra, let's talk things out." Sabi niya.
"Wala naman po tayong dapat pag-usapan, Doc. Alis na po ako." Sagot ko at nagtangkang lampasan siya pero hinila niya ako pabalik sa harap niya.
"Aren't you mad at me?" Tanong niya pero umiling ako.
"Aren't you mad at me, Khyra?" Matigas niyang pag-ulit..
"Wala naman po akong dapat ikagalit, Doc."
"Stop calling me Doc. Call me Jadiel right now." Biglang sabat niya gamit ang seryoso niyang boses.
"Jadiel."
"Tell me why you aren't mad?"
"Wala nga kasi akong dapat ikagalit, Jadiel. Paulit-ulit ka naman. Ano ba?!" Pabalang kong sagot dahil naiinip na rin ako sa kanya.
"You saw us kissing, Khyra! Why aren't you mad?!" Pagsigaw niya sa'kin na para bang may ginawa akong kasalanan sa kanya.
"Ano bang dapat ikakagalit ko doon, ha?!"
"Wala naman akong karapatan magalit, Jadiel. Hindi mo na ako totoong girlfriend kaya pwede mong halikan lahat ng gusto mong halikan." Dugtong ko sa pagsubok na ikalma ang aking boses.
"You're my girlfriend, Khyra! We were at the dinner with my family, therefore, you are my girlfriend!" Pagtaas niya ulit ng boses.
"Oh?! Alam mo naman palang dapat ako iyong girlfriend mo kanina pero bakit nakikipaghalikan ka sa iba?!" Pasigaw kong sagot.
BINABASA MO ANG
Against The Current
Lãng mạn"Nobody knows just why we're here Could it be fate or random circumstance At the right place, at the right time Two roads intertwine And if the universe conspired To meld our lives, to make us, fuel and fire Then know wherever you will be So too, sh...