2
"Ikaw po ba si Via, Ma'am? Iyong susundo po sa kanya?" Tanong ng lalakeng nasa loob ng bar. Itinuro niya rin ang isang babaeng natutulog sa counter nila.
"Ma'am, pasensya na po sa abala. Lasing na lasing na po kasi siya gaya ng sabi ko kanina. Actually, kaibigan ho siya ng may-ari kaso wala po rito si boss, e. Sinubukan po namin tawagan pero di po namin macontact, nasa abroad po kasi iyon dahil may inaasikaso po." Paliwanag ni Kuya na siyang ikinatango ko.
"Sige po, Sir. Ako na lang po bahala sa kanya. Thank you." Wala naman akong magawa, nandito na rin naman ako kaya isang pekeng ngiti na lang ang ibinigay ko kay Kuya na patuloy gumagawa ng inumin para sa kanilang customers.
Tuluyan akong lumapit at inakay ang babaeng lasing na pinasundo sa'kin. Naka-itim siyang polo sa itaas at sa kanyang ibaba naman ay fitted ripped jeans na nakatucked-in sa pares ng black leather boots.
"Ma'am, kailangan niyo na pong umuwi. Saan po ba ang address niyo?" Tanong ko sa kanya kahit 'di ako siguradong sasagot siya ng matino dahil sa kalasingan niya.
"Reee. yuuh." Tanging sambit niya.
"Ma'am?" Tanong ko ulit.
"Via, lesh talk phleash." Lasing na sabi niya sa' kin. Walang lakas rin siyang sumulyap sa mukha at hinawakan aking kanang kamay nang mahigpit.
Wala na akong ibang maisip na paraan kaya't kinapkap ko ang kanyang bulsa sa likod para kunin ang kanyang wallet at tingnan ang kanyang ID.
First Name: Jadiel Vera
Last Name: Agustin
Middle Name: Sy
Registration No.: 009***8
Registration Date: 08/23/20**
Valid Until: 11/20/20**PHYSICIAN
Doctor pala 'to, pero lasinggera.
"Jadiel..." Mahinang pagtawag ko sa kanyang pangalan.
"Veee....yaaa." Malambing niyang sabi at tinungo ang kanyang tingin sa akin.
"Jadiel, let's go home na?"
Tumango siya na parang bata. Tumawag na rin ako ng Taxi at ibinigay ang address ni Jadiel na nakuha ko sa isa pang ID niya.
Pagkarating ko sa address ay napagtanto kong nakatira pala ito sa isang penthouse. Akay-akay ko si Jadiel habang hinahanap ang kanyang unit number.
UNIT 08
Binitawan ko si Jadiel pagkakita ko sa kanyang unit number na naging dahilan ng pagbagsak niya sa sahig pero mahimbing pa rin ang tulog.
Tiningnan ko ang kanyang pintuan at mayroon itong electronic lock. Kailangan ng code para mabuksan ito. May key lock din siya kaso hindi ata niya dala ang susi dahil wala naman sa mga gamit niya.
"Jadiel, anong password ng pinto mo?" Pabulong kong sabi sa kanya.
"Hmm..." Tila nagiisip pa siya sa sagot niya.
"Jadiel, anong password?" Paulit-ulit kong tanong.
"Buhr... Day..."
"Birthday mo?" Kompirma ko na siyang ikinatango niya.
Buti na lang mayroon ang kanyang birthday sa kanyang ID. Kung ano-anong combination gamit ang mga numero ng birthday niya ang ginamit ko. Buti na lang sa ika-limang subok ko ay bumukas na.
BINABASA MO ANG
Against The Current
Romantizm"Nobody knows just why we're here Could it be fate or random circumstance At the right place, at the right time Two roads intertwine And if the universe conspired To meld our lives, to make us, fuel and fire Then know wherever you will be So too, sh...