12"Mico, tara na. Uwi na tayo." Sabi ko kay Mico.
"Jusko! Ang tagal mo naman, beh! Ano bang gi - Hoy! Bakit ka namumula?"
"Ang init sa taas kasi! Tara na! Uwi na tayo!" Dire-diretso kong sabi habang naglalakad patungo sa parking lot. Si Mico naman ay nakasunod sa akin.
Mabilis rin na nabuksan ni Mico ang kotse kaya diretso na akong pumasok at umupo sa front seat ng sasakyan. Habang inaayos ko ang sarili at nagsuot ng seatbelt ay pumasok na rin si Mico pero ramdam ko na hindi niya ako nilubayan ng tingin simula kanina pa.
"Khyra Veloso." Sabi ni Mico.
"Mico, bilis. Alis na tayo, gumagabi na oh!"
"Stop changing the topic, Khyra. Just tell me the truth." Pahayag niya.
"I have the right to remain silent because anything I say will be used against me!" Pagbibiro ko.
"Kilala kita, Khyra Vierrina. Gusto mo na si Doc, no?" Biglang tanong ni Mico na ikinatigil ko.
Shuta, eto na nga. 'Di na talaga titigil 'tong si Mico.
"Anong tanong ba naman 'yan, Mics? Ang obvious naman ng sagot diyan!"
"Obvious na gusto mo siya?!"
"Hindi! Hindi ko siya gusto!"
"Sus! Lokohin mo pa sarili mo! Sabi ko na e, liliko ka rin!"
"Di pa ako lumiko, okay?'
"Pa? So liliko ka nga?"
"Hindi no?! Straight ako!"
"Hays, Sizzy. Repeat mo 'yan until it's true."
Iyon ang huling sinabi ni Mico bago niya pinaandar ang sasakyan. Walang tigil niya akong tinanong buong byahe tungkol sa mga nangyari sa aming dalawa ni Doc Agustin noong mga nakaraang araw.
"Gaga ka te! Attorney 'tsaka doctor pinag-aagawan ka! Hair too long, ha?" Tukso ni Mico na ngayon ay tumigil muna sa pagmamaneho dahil nasa traffic light kami. Umirap lang ako sa kanya at siya naman ay patuloy lang sa pagbibiro.
"Laki ng problema mo ngayon, bes. To remain straight or go fold?" Dagdag niya at halos pinapalo na ang kanyang manibela kakatawa.
Sayang-saya Mico, ah?
Ilang tanong ang natanggap ko mula kay Mico bago makaabot ng bahay. Umabot na ako sa puntong nagdadasal ako na mapabilis ang byahe namin dahil sa dami sa sobrang marites niya.
"Anyways, Sis. Change topic." Dagli niyang pahayag.
Thank you, Lord. Totoo ka nga po talaga.
"Makaka-attend ka ba sa meeting ngayong Thursday para sa college days natin?" Tanong niya.
"Oo nga pala, no? After ng duty pa naman iyon, Mics."
"Yup, kaya tinanong ko kung pupunta ka kasi if hindi, 'di na rin ako pupunta."
"Baliw! Vice-pres ka! 'Di pwedeng wala ka!" Sabat ko.
BINABASA MO ANG
Against The Current
Romansa"Nobody knows just why we're here Could it be fate or random circumstance At the right place, at the right time Two roads intertwine And if the universe conspired To meld our lives, to make us, fuel and fire Then know wherever you will be So too, sh...