Prologo : Remember Me This Way

218 14 3
                                    


Prologo : Remember Me This Way

Ilang taong ang nakakaraan


"Tulong! Tulong!!!" sigaw ng mag-asawang nagkukumahog makahanap ng taong tutulong sa kanila.

"Tulungan niyo kami." umiiyak na sabi ng babae habang buhat nito ang limang taong gulang na batang babae na tumitirik ang mga mata.

"Tulong!!!" sigaw ng lalaki na halos hindi alam kung anong gagawin habang nakatingin sa anak nito na halos nangingisay na.

Nabulahaw ang lahat ng gabing iyon at nagsilabasan ng kaniya-kaniyang kubo upang silipin ang nagaganap sa labas ng kani-kanilang bahay.

"Anong nangyayari?" sabi ng matandang babae sa lugar na iyon, ang babae ang siyang manggagamot ng lupon ng lugar na iyon.

"Iyong anak namin, ang taas ng lagnat." sabi ng babae ng biglang magmulat ang mata ng batang babae na ikinatingin ng tatlo rito at ng ibang nabulabog ng mga ito ng gabing yaon.

"Tawag nila ako." pabulol na sabi ng batang babae na ikinaluha ng mag-asawa

"Kanina pa siya ganito? Ilang araw na siyang inaapoy ng lagnat." umiiyak na sabi ng ina ng bata.

"Ano-ano na ang nakikita niya sa taas ng lagnat niya." sabi naman ng ama ng bata.

"Nakaikot sila sa akin." takot na sabi ng batang babae na ikinahilakbot ng mga taong naroroon.


"Tulungan niyo kami, nagdedeliryo siya."
sabi ng ina ng bata.

"Ipasok muna natin siya sa loob." sabi ng manggagamot sa mag-asawa pero muling nagsalita ang bata na ikinatihinto ng mga ito sa pagpasok ng bahay ng manggagamot.

"May sinasabi sila, nanay." sabi ng batang babae.

"Anak, huwag ka naman ganyan. Huwag mo naman takutin si nanay." nag-aalalang sabi ng ina ng bata na ikinatingin ng batang babae dito.

"Kinukuha nila ako." napaiyak sa takot ng batang babae na ikinayakap ng ama nito sa mag-ina niya.


"Huwag kang sasama sa kanila, gagaling ka."
sabi ng ama ng batang babae.

"Nakaikot na sila sa akin." umiiyak na sabi ng batang babae.


"Kinokumbulsyon siya dala ng mataas na temperatura sa katawan niya at pangkaraniwan lamang iyan lalo na sa batang tulad niya kaya pumasok na kayo para malapatan siya ng lunas."
sabi ng matandang babae na ikinatingin ng batang babae dito.

"Nakikita mo siya, nakikita mo rin sila." sabi ng batang babae na ikinangiti ng manggagamot dito.


"Gagamutin kita."
sabi ng manggagamot sa batang babae.

"May sinasabi sila sa akin." sabi ng batang babae.

"Pumasok na tayo." sabi ng mangaggamot sa mag-asawa na agad na tumalima ng pumasok sa loob ng bahay ang manggagamot.

Napatingin ang batang babae sa paligid saka ito napangiti sa mga nakikita nito dala ng sakit na nararamdmaan ng batang katawan.

"Huwag kayong aalis para malaman nila na totoo ang nakikita ko." sabi ng batang babae na ikinayakap ng ina nito sa bata.


"Anak, tama na gagaling ka na. Paalisin mo na sila."
sabi ng ina ng batang babae habang lumuluha.

"Kung may pera sana ako sa bayan natin siya dinala." sabi ng ama ng bata na ikinatingin ng manggagamot dito.

4.10 Tender Loving Care Gen 4 Book #10 : Camilo & MaisharetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon