Kabanata 10 : Mga Halaman

134 13 2
                                    


Kabanata 10 : Mga Halaman


Napatitig si Camilo sa dalaga hindi na ito tumitingin sa kanya mula ng sumigaw ang dalaga kanina, ang mata nito ay magaslaw na tila may iniiwasan itong tingnan kaya lalo siyang kinilabutan.

"Malamig ba?" sabi ni Camilo.

"Oo. Kalbo kasi tayo kaya malamig." sabi ni Maisharet na napangiti.

"So, nilalamig ka rin." sabi ni Camilo saka nito niyakap ang isang kamay sa baywang ni Maisharet na ikinalunok ng dalaga ng nasa baywang na niya ang palad ni Camilo.

Sa nararamdamang kilabot sa hindi pa rin pagtingin ng dalaga kay Camilo ang isang kamay pa ng binata ay iniyakap pa nito sa dalaga.

"Grabe naman lamig ang nararamdaman mo." sabi ni Maisharet.

Hindi umimik si Camilo saka nito inihilig ang mukha ng dalaga sa balikat niya at isinandal ang mukha niya sa ulo nito.

"Para hindi malamigan ang ulo mo." sabi ni Camilo na ikinangiti ni Maisharet


"Sa lahat ba ng babae sweet ka?"
sabi ni Maisharet.

"Kapag takot lang ako." sabi ni Camilo na ikinatawa ng dalaga.

"Hahaha! Natatakot ka ngayon?" sabi ni Maisharet.

"Tinatakot mo ako." sabi ni Camilo.


"Para ka rin bata tulad ko. Kung ako sa mga ilaw natutuwa at bubbles ikaw naman takot sa multo tulad ng mga bata."
sabi ni Maisharet na ikinangiti ni Camilo.

"Ibibigay ko sayo ang saya pero alisin mo ang takot ko." sabi ni Camilo.

"Okay." sabi ni Maisharet saka nito niyakap si Camilo.

"Siya na kaya at hindi ko na kailangan humanap ng iba." sabi ni Maisharet sa isip.

Hindi nagsalita ang dalawa at nag-usap habang magkayakap at nakatunghay sa mga ilaw ng siyuadad sa nagtataasang mga gusali.

.................

One Week Later

C-Tower Manila

"Uyyy! Bakit ka nandito?" sigaw na pagulat na sabi ni Maisharet nang makita si Shiloh sa sala ng tinutuluyan nilang unit ni Camilo.

"Live-in ba kayo ng pinsan ko?" sabi ni Shiloh habang nakaupo ito sa sala at pinagmamasdan ang dalaga.

"Hindi naman." sabi ni Maisharet. Isang linggo na sila ni Camilo sa Manila at sa mga araw na iyon hindi siya iniiwan nito kaya naman halos kilala na niya ang mga nakakasalamuha nito na madalas naman mga pinsan lang ng binata. Marami na rin siyang nalaman sa binata, mula sa personal at pribado nitong buhay. Tipikal na bodyguard ang tingin sa kanya ng lahat kapag kasama niya si Camilo bukod kasi sa kanya may dalawa pa itong Security na nagbabantay dito.

"Bakit kayo magkasama sa kuwarto?" napangising sabi ni Shiloh dahil ang babaeng nasa harapan niya nakapantulog pa at sa mismong kuwarto ni Camilo galing.

"Ahhmm. Kasi..." sabi ni Maisharet na ikinangisi ni Shiloh, sinakto ni Shiloh na wala si Camilo ng araw na iyon para malaman kung tama ang hinala niya.


"Hindi ko sasabihin sa family namin ang nakita ko o nalaman ko kasi alam ko naman na ayaw mo ng gulo lalo na at mukhang mapili at istrikto ang tribu niyo."
sabi ni Shiloh.

4.10 Tender Loving Care Gen 4 Book #10 : Camilo & MaisharetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon