Kabanata 17 : Stratehiya

116 15 0
                                    


Kabanata 17 : Stratehiya

Hours later

"Whoah! Ang ganda naman." sabi ni Maisharet ng matanaw ang mga naturang ilaw ng mga kabahayan na sa bahagi ng resto kung saan siya dinala ni Camilo.

"Sinadya mo magpagabi tayo?" masayang sabi ni Maisharet.

"Hindi ah. Bakit ko naman gagawin iyon?" sabi ni Camilo.

"Aissst! Sige kahit mo sinadya okay na rin." sabi ni Maisharet habang nakatanaw sa mga ilaw.

"Ilaw lang iyan? Anong kakaiba diyan?" sabi ni Camilo habang nakatunghay sila sa pinakamataas na parte na iyon ng probinsiya.

"Lampara pa lang ang ilaw sa tribu namin at kung may kuryente na ang iba pili lang kasi mahal ang magpakabit." sabi ni Maisharet.


"Ginusto niyo naman iyon."
sabi ni Camilo.


"Hmmnnn! Tuwing darating ang pasko natutuwa ako sa christmas light lagi akong nakatitig doon tapos sabi ng katribu ko na nakapunta na sa Manila, magaganda daw ang christmas dito na matatanaw mula sa matataas na gusali at mataas na lugar at heto pala ang sinasabi niya."
sabi ni Maisharet na tila ito bata na ikinatitig ni Camilo dito.

"Hindi iyan christmas light." sabi ni Camilo.

"Sabi ng katribu ko lagi siyang sinasabihan ng ignorante sa Manila kapag pumupunta siya kaya naman tinigil na niya ang pagpunta mas maganda daw kasi sa tribu kahit madilim." sabi ni Maisharet.

"Madilim ang tribu niyo kaya kung ano-ano ang nakikita mo." sabi ni Camilo habang nakatitig sa dalaga na nakatanaw naman sa mga kabahayan mula sa kinauupuan nila.

"Minsan Sir Camilo mas maganda sa dilim kasi payapa, tahimik." sabi ni Maisharet.

"Huh! Iyan ang laging sinasabi ni Suri, iyong pinsan ko pero kasi bulag naman kasi siya." sabi ni Camilo.

"Mas magandang maging bulag para payapa." sabi ni Maisharet.

"Tsss! Hindi mo naman makikita ang mga ilaw na halatang gustong-gusto mo pagmasdan ngayon." sabi ni Camilo.

"Makikita ko rin naman iyan kapag namatay ako." sabi ni Maisharet.


"Malayo pa iyon, at di ka sure kung liwanag nga ang makikita mo."
sabi ni Camilo.

"Mabait ako, kaya sa langit ang punta ko at forever ko ng makikita ang magagandang ilaw. Ang sabi nga nila kaunti lang buhay ng tao.... madali lang... bukas matanda ka na... bukas wala ka na." sabi ni Maisharet.

"Ang drama mo." sabi ni Camilo na ikinangiti ni Maisharet.

"Nagsasabi lang ako ng totoo na hindi ko kailangan mahiya kasi masarap magsalita ng mga bagay na gusto mo, minsan nga mas masaya kong nakakapagkuwento ka ng karanasan mo. Hindi dahil pinagmamalaki mo lang kundi dahil may natutunan ka." sabi ni Maisharet.

"May kuwento ka ba?" sabi ni Camilo na ikinatingin ni Maisharet kay Camilo.

"Tungkol sa mga nakikita ko?" sabi ni Maisharet.

"Tss! Hindi iyon." sabi ni Camilo.

"May mga kuwentong nakakatakot na dapat mapakinggan mo ng sa ganoon matuto ka rin. Pero hindi kita pipilitin kasi dapat masaya lang tayo, walang takot, walang lungkot at walang galit." sabi ni Maisharet.

"Hmmn! Titigan mo na ang mga ilaw kasi uuwi na tayo." sabi ni Camilo na ikinangiti ng dalaga saka tumingin muli sa mga ilaw ng kabahayan.

napangiting sabi ni Maisharet na ikinatitig ni Camilo sa dalaga.

4.10 Tender Loving Care Gen 4 Book #10 : Camilo & MaisharetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon