Kabanata 21 : Isang Pananda

107 10 2
                                    


Kabanata 21 : Isang Pananda


"Iyan ka na naman eh. Alam mo salamat sa alok pero sayang kasi ang sahod ko dito." sabi ni Maisharet kay Caloy.


"Wala kang sahod kaya huwag ka ng umasa lalo na at ilang buwan ka ng nanlilibre ng serbisyo."
sabi ni Caloy.

Napangisi si Camilo ng marinig ang sinabi ni Caloy .

"Haysss! Sige pag-iisipan ko."sabi ni Maisharet na ikinangisi ni Camilo sa tugon ng dalaga kay Caloy.

"Tumayo ka na diyan, may pagkain pa ako sa labas hindi mo kailangan kumain ng tira. Ano ka ba? Wala ka sa ibang bansa para maranasan ang maltratuhin and worst Pinoy pa ang gagawa sayo." sabi ni Caloy.


"Mas okay ng Pinoy huwag lang ibang lahi."
sabi ni Maisharet saka ito natawa na ikinatitig nio Caloy dito.

"...hahaha! Hindi pala Pinoy, Tsino pala itong si Sir Camilo. Ang tibay biruin mo ilang araw na ako kumakain ng tira niya, nagpapasaing sa akin para sa isang tao tapos kasya lang talaga sa kanya. Hindi man lang inisip na iyong katulong niya hindi pa kumakain. Tapos kapag naliligo ako pinapatayan ako ng tubig, akala ko dati minumulto ako pero minsan nakita ko patay iyong tubig sa labas kaya hindi na ako nakakaligo ng maayos... kaya nga siguro hindi tumubo ang buhok kasi kulang sa dilig." sabi ni Maisharet na ikinaawa ni Caloy sa dalaga at ikinangisi ni Camilo.

"Nice, marunong magpaawa. Ang galing niya talaga." sabi ni Camilo sa isip ng marinig ang sinabi ni Maisharet pero napahinto ito ng may maalala.

..............

Weeks ago

"Tapos na?" sabi ni Maisharet na ikinatingin ni Camilo dito habang nagliligpit na ito ng mesa.

"Alin?" sabi ni Camilo na napakunot noo dahil halatang kaliligo lang ng dalaga may bakas pa kasi ito ng namuong sabon sa leeg nito.

"Iyong pilahan ng sahod." masayanag sabi ni Maisharet na ikinangisi ni Camilo.

"Oo, bakit mo naitanong?" sabi ni Camilo.


"Wala ako sa listahan?"
inosenteng sabi ni Maisharet na ikinatingin muli ni Camilo sa dalaga mula ulo hanggang paa kasi hindi rin nakaplantsa ng damit nito.

"Hindi." sabi ni Camilo sabay tingin sa mukha ng dalaga.


"Wala na akong sabon saka tawas, wala akong pambili pati toothpaste."
sabi ni Maisharet na ikinangisi muli ni Camilo.

"Di ba sanay ka naman sa dahon-dahon." sabi ni Camilo na ikinatitig ng dalaga dito.

"Tinago mo iyong toothpaste pati iyong mga sabon, nakalocked iyong cabinet." sabi ni Maisharet na napalunok sa sinabi ni Camilo.

"May magnanakaw kasi na kumukuha na akala siguro grocery store ako." sabi ni Camilo na ikinamula ng mukha ni Maisharet sabay kamot sa leeg nito na ikinatitig ni Camilo sa dalaga dahil halatang hindi ito nakabanlaw ng maayos.

"Puwede ba mag-iigib muna ako ng isang malaking timba ng tubig bago mo isara iyong gripo hindi ko rin kasi mabuksan iyong pipe, mahigpit." sabi ni Maisharet sabay tigil sa pangangamot nito.


"Huh! Humihingi ka ng sahod pero lahat sa akin mo kinukuha ang pangangailangan mo."
sabi ni Camilo.

"Hindi ba ganoon iyon kasi katulong mo ako." sabi ni Maisharet.

4.10 Tender Loving Care Gen 4 Book #10 : Camilo & MaisharetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon