Kabanata 2 : Babaylan

122 13 2
                                    

Kabanata 2 : Babaylan

(Ever Since The World Began)


Samantalang papasok si Camilio sa madilim ng bahagi ng minahan ng mapatigil ito.


"Langya! Sabi ko lagyan ng ilaw hanggang dulo."
sabi ni Camilo sa isip ng makitang wala na siyang maaninagan kundi ang nasasayaran ng ilaw na nakakabit sa safety gear niya sa bahaging ulo niya.

.............

Maisharet POV

"Uyyyy! Bakit ganito dito?" sabi ni Maisharet sa sarili ng magtaka ito at makarating sa bahaging minahan na lihim na isinasagawa sa Tres islas.

"Ayos! Sabi ko na nga yayaman ako dito kahit hindi ko kunin ang mana ko sa mga Valiente at Cheung." sabi ng tinig na ikinakunot noo ni Maisharet ng madinig ang masayang tinig ng kung sino.

"Sige lang Camilo mauungusan mo silang lahat kapag nakuha mo ang lahat ng ginto." sabi ni Camilo.

"Camilo?" napakunot lalo sa pagtatakang sabi ni Maisharet sa isip.

"Ikaw ang aangat sa pangalan ng ama mo na si Atlas Cheung, ikaw ang susupalpal sa mga gagong reporter na minamaliit ang tatay mo. Camilo Cheung anak ka ni Atlas at oras na para ipakita sa lahat...." udlot na sabi ni Camilo ng may mahagip ang lente ng ilaw nito.

Samantalang nagulat si Maisharet ng may umugong sa tenga niya at ilang sandali lang nagulat ito ng may makitang mga itim na anino.

"Ohhh! Huwag kang matakot Camilo kasi heto na ang pangarap mo." sabi ni Camilo.

"Oras na para abutin ang pangarap mo." sabi ng tinig na tila bulong sa tenga ni Maisharet na ikinahangin ng malakas.

"Hala! Bumalik ba sila?" sabi ni Maisharet sa isip.

"Camilo, pokos lang dahil ito ang daan mo sa rurok ng karangyaan na ikaw mismo ang gagawa." sabi ni Camilo.

"Camilo.... Cheung? "sabi ni Maisharet ng biglang umuga ang taas ng minahan na ikinapikit ni Maisharet at ikinatingin ni Camilo sa bahaging taas ng minahan.

"Hindi ka puwedeng bumagsak dahil kukunin ko pa ang mga ginto ko." sabi ni Camilo na ikinamulat ng mata ni Maisharet.

"Hala! Nagmimina sila dito. Sinisira nila ang kabundukan ng El Paradiso." sabi ni Maisharet saka ito nilamig ng umihip ang malamig na hangin sa tago at liblib na lugar ng minahan.

"Hindi ko kayo makita, pero alam kong may sinasabi kayo." sabi ni Maisharet sa isip.

"Camilo, itutuloy natin hanggang yumaman tayo sa sarili nating mga kamay." sabi ni Camilo.

"Ang pangarap ko ay makalabas ng lupon at makita ang ganda ng kabilang mundo." umaalingawngaw na sabi ng batang sarili ni Maisharet sa isip nito.

"Pagkakataon ko na, para makuha ang pangarap ko at ambisyon na makatapak sa kabilang mundo." sabi ni Maisharet sa isip.

"Ang galing mo Camilo, bubuksan natin ang daan para sa kabilang mundo at ito ang kayamanan na atin lang." sabi ni Camilo sa sarili ng biglang humangin ng malakas na ikinalunok ng binata.

"Nakaikot sila sayo.... silang lahat." sabi ng tinig na ikinatingin ni Camilo sa pinagmulan ng tinig.

"Ohhhh!!! Sino ka?" sabi ni Camilo ng makita ang babaeng sabog ang buhok kaya hindi niya makita ang mukha nito, nakasuot ng mahabang palda at kupas na pang-itaas na t-shirt nakayapak ito at tila naglumunoy sa putikan.

4.10 Tender Loving Care Gen 4 Book #10 : Camilo & MaisharetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon