Kabanata 7 : Mga Alay

113 15 2
                                    

Kabanata 7 : Mga alay


"Ikaw ang kukuha ng baboy ramo mula sa gubat, na ang ibig sabihin kapag nakakuha ka ng baboy ramo kaya mong alagaan ang katribu namin." sabi ng matanda na ikinatingin ni Maisharet kay Camilo.

"Ayos ah! Hindi po ako nanliligaw, gusto ko lang makalma kayo at makampante sa sitwasyon ng katribu niyo kapag nasa lugar ko siya kaya hindi ko kailangan magpakahirap sa pamahiin ng tribu niyo" sabi ni Camilo.

"Ang mga lalaki na dumarayo dito ay ganoon ang ginagawa pero dahil hindi sila makapagbigay ng ginto kaya umaatras sila." sabi ng matanda.

"Kaya ang ibang kababaihan ay umaalis ng walang paalam at sumasama sa kanilang mga napusuan pero ang kapalit noon kamatayan." sabi ng isang matandang babae sa tribu na ikinatingin ng lahat dito.

Naglakad ang matandang babae na kararating lang pero nahinuha nito ang pakay ni Camilo.

"Akong, hindi po siya manliligaw kundi magiging amo ko." sabi ni Maisharet.

"O sige bilang isa sa may katungkulan sa tribu papayagan kita pero binabalaan kita kapag hindi nagawa ng lalaking iyan ang sinasabi namin alam mo ang magaganap." sabi ng matandang babae.

"Makaluma." mahinang napangising sabi ni Camilo na ikinasiko ng dalaga dito.

"Umalis na kayo dahil mukhang nagagambala niyo na ang ibang nakatira sa lugar natin, Maisharet," sabi ng matandang babae.

"Okay may pumayag na kaya halika na." sabi ni Camilo saka ito tumayo at hinawakan sa kamay ang dalaga.

"Huwag mo siyang ibabalik ng hindi buo tulad ngayon pinakalbo mo siya na hindi niya malamang sinabi sayo na ang buhok sa tribu namin ay mahalaga, ang bawat pagputol ay may kahulugan." sabi ng matandang babae.

"Maraming kuto at balakubak unhealthy po ang tawag doon." sabi ni Camilo.

"Hindi namin pinipilit ang paniniwala namin sa inyo ganoon din naman din siguro kayo, ngunit sa nakikita ko ganap na sumang-ayon si Maisharet sa ginawa mo at bakit nga ba hindi nagpakalbo ka rin, bagay na nakakahiya sa parte niya na siya mong ginamit para makuha ang gusto mo." sabi ng matandang babae na ikinatitig ni Camilo dito.

"Ang nasa isip ko ang kalusugan ng katribu niyo at kung titingnan natin masasabi ko na karamihan sa inyo unhealthy ang katawan, subukan niyo kaya linisin ang katawan niyo para hindi pamahayan ang Tres Islas ng virus na puwedeng sa inyo magmula." sabi ni Camilo na ikinanlaki ng mata ni Maisharet.

"Uyyy! Ano ka ba? Hindi mo sila kailangan sabihan ng ganyan kasi matanda sila sayo." sabi ni Maisharet.

"Ang mga kalahi mo ang madumi, at alam mo iyon." sabi ng matandang babae kay Camilo habang magkatitig ang dalawa.

4.10 Tender Loving Care Gen 4 Book #10 : Camilo & MaisharetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon