Kabanata 16 : Pangitain

115 15 2
                                    

Kabanata 16 : Pangitain

Hours later


"Nakakagutom iyon." sabi ni Maisharet na halos maubos nito ang malaking serving ng pagkain sa plato nito na inorder ni Camilo sa mamahaling restaurant kung nasaan sila ngayon ng dalaga.

Samantalang kanina pa nakatitig si Camilo sa dalaga, namumugto pa rin ang mata nito dala ng pag-iyak sa takot kanina sa sinakyan nilang rides at sa iniisip nitong pambubully niya dito kanina.

"Maganda dito, kita iyong mga bahay pero mas maganda siguro kung gabi para may mga ilaw na matatanaw." sabi ni Maisharet habang ngumunguya.

Napangiti lamang si Camilo dahil iyon ang balak niya hintayin magdilim para makita ni Maisharet ang mga ilaw na hilig nitong tingnan at para na rin makabawi siya dito sa pagpapaiyak niya dito kanina.

"Kung ibon ako marami akong makikita mula sa taas." sabi pa ni Maisharet na sarap na sarap sa kinakain at nalimutan na ang ginawa ni Camilo sa kanya kanina.

Napangiti lamang si Camilo kaya napatingin si Maisharet kay Camilo kanina pa kasi ito tahimik.

"Huwag mo ng intindihin ang naganap kanina, pinapatawad na kita kasi sabi ni father Raev matutong magpatawad kasi kaunti lang ang oras natin sa mundo para pairalin pa ang galit kaya dapat happy lang." sabi ni Maisharet na ikinangisi ni Camilo.


"Ohhh! Kaya pala nagsaya ang pari na iyon ng todo kahit mali."
napangising sabi ni Camilo.

"Ikaw talaga, huwag mong bilangin ang mali ng tao kasi ang totoo lahat tayo mas maraming maling nagagawa kaysa sa tama pero kahit ganoon kailangan isipin din natin ang tamang ginagawa ng tao ng sa ganoon may inspirasyon siya para ipagpatuloy ang tama." sabi ni Maisharet.

"Crush mo iyong pari?" sabi ni Camilo na napangisi.

"Hindi naman masama kasi crush lang naman. Ang masama iyong crush mo pero hindi mo maamin. Iyong guwapo at maganda naman pero hindi mo ma-appreciate dahil pakiramdam mo mauungusan ka niya. Bagay na mali kasi para sa akin the more na marami kang sasabihing magandang nakikita sa tao the more na magiging blessed ka." sabi ni Maisharet.

"Ang dami mong alam na walang kuwenta." natawang sabi ni Camilo na ikinangiti ni Maisharet.

"Matuto kang makibagay hindi lang sa tauhan mo, pamilya, kaibigan o mga taong malapit sayo kundi sa mga taong nasa paligid mo o nakakasalamuha mo para malaman mo kung anong dulot mo sa kanila. Maganda ba o pangit." sabi ni Maisharet.


"Kumain ka na lang."
sabi ni Camilo.

"Okay, mukhang hindi ka nakikinig pero kapag sinabi kong may multong nakatingin sayo matatakot ka." sabi ni Maisharet.

"Saan?" sabi ni Camilo na ikinangiti ni Maisharet.

"Camilo, ang layo nito bakit kayo nandito?" sabi ng tinig na ikinatingin ni Camilo.


"Lolo Malic, bakit nandito kayo?"
sabi ni Camilo na imbes na multo si Malic Lopez ang nakita nito.


"Nagpasama ang apo ko kay Chhaya na si Strawberry at ang batang iyon layas at hindi naman puwede iwan."
sabi ni Malic.

"Nasaan po si Tito Autumn?" sabi ni Camilo.


"Kasama ni Cha nasa ibang bansa."
sabi ni Venus na paparating habang kasama nito si Strawberry.

"Hi." nakangiting sabi ni Strawberry kay Maisharet.

"Sino siya?" sabi ni Maisharet sabay tingin sa tabi ni Strawberry na ikinatingin ng apat sa tabi ni Strawberry.

4.10 Tender Loving Care Gen 4 Book #10 : Camilo & MaisharetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon