Kabanata 6 : Dote

116 14 3
                                    

Kabanata 6 : Dote

"Whoahhh!!!" gulat na sigaw ng mga tinig na ikinalingon ni Camilo at Maisharet.

"Uyyy! Tago mo ako." sabi ni Maisharet sabay siksik ng ulo nito sa dibdib ni Camilo.

"Hahaha! Bakit?" natawang sabi ni Camilo ng makita ang mga pinsan.

"Bakit ka nagpakalbo kuya?" sabi ni Laurent sa pinsan.

"Mainit. Kayo bakit kayo nandito?" sabi ni Camilo kila Kale, Drake, Lorenzo at Laurent.

"Nagbabakasyon." sabi ni Lorenzo na ikinatingin ni Camilo sa mga pinsan na sixteen years ang pagkabata sa kanya.

"Nobya mo?" sabi ni Drake kay Camilo habang nakatingin ito sa dalaga na nakayakap kay Camilo.

"Friend ko." sabi ni Camilo.

"Uso ba iyan ngayon?" sabi ni Lorenzo sabay himas sa ulo nito.

"Mainit nga kasi kaya nagpakalbo kami. Cool di ba?" sabi ni Camilo.

"Oo, naman kaso ang weird." sabi ni Drake.

"Anong weird?' sabi ni Camilo na natatawa.

"Biruin mo nagpakalbo kayo ng sabay na hindi naman kayo magkasintahan then nakayakap siya sayo na niyakap mo naman." sabi ni Drake.

"Hahaha! Bakit masama bang yumakap ng babaeng kaibigan?" sabi ni Camilo.

"Hindi naman kaso ang babae hanggat hindi kayo dapat walang skin to skin." sabi ni Drake na ikinatawa ng mga kasama nito.

"Hahaha! Yes your highness." birong sabi ni Enzo na ikinangisi ni Camilo dahil legit na prinsipe si Drake dahil ang nanay nito ay lehitimong Prinsesa ng Canmore Palace.

"Kayong apat gabi na magsiuwi na kayo." sabi ni Camilo.

"Saan kayo pupunta?" sabi ni Laurent na ikinangisi ni Camilo.

"Ano naman sayo kung saan kami pupunta? At saka alam ba ni Aj na nandito ka?" sabi ni Camilo kay Laurent.

"Nagpaalam ako kay Papa at saka kasama ko si nanay." sabi ni Laurent na ikinakunot noo ni Maisharet.

"Umuwi na kayo at delikado na nasa labas pa kayo." sabi ni Camilo.

"Saan muna kayo pupunta?" sabi ni Kale.

Napahingang malalim si Camilo dahil tulad nila Haco, Umiko, Lake at Raven laging magkakasama ang mga binatilyong nasa harapan niya at alam niyang mas makukulit ang mga ito dahil laman ang mga ito ng guidance office ng pampublikong paaralan ng Heather Island. Tama sa pampublikong paaralan nangungulit at nagkakalat ng kalokohan ang apat.

"Kakain pa lamang kami." sabi ni Camilo.

"Sakto pala hindi pa kami kumakain kaya libre mo kami kuya." sabi ni Laurent na ikinangisi ni Camilo.

"Hindi ka ba binibigyan ng allowance ng Papa mo?" sabi ni Camilo.

"Hindi kasi si tatay na ang nagbibigay na sa akin." sabi ni Laurent.

"Saan ba si tito?" sabi ni Camilo.

"Parating pa lang." sabi ni Laurent.

"Hay naku! Wala akong budget sa inyong apat." sabi ni Camilo.

"Si Tito Shadow babayaran ka mamaya." sabi ni Lorenzo na ikinahangin ng malakas kaya napatingin si Maisharet sa paligid.

"Alam niyong kayong apat dapat umuwi na kayo doon sa Cottage ni lola Ellie dahil maraming pagkain doon." sabi ni Camilo ng biglang napatingin ito kay Maisharet ng maramdaman na kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya.

4.10 Tender Loving Care Gen 4 Book #10 : Camilo & MaisharetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon