Kabanata 22 : Misyon

203 19 3
                                    

Kabanata 22 : Misyon

Hours later

"Ohhhh!" napasinghap na malakas na reaction ni Camilo ng may marinig na malakas na ingay.

"Boss!!!" sigaw ng mga tauhan ni Camilo na agad na ikinabangon ng binata sa sunod-sunod na katok at tawag mula sa labas ng container van.

"Boss! Gising!" sigaw muli ng mga tauhan na ikinatayo ni Camilo.

"Bakit?" sabi ni Camilo pero nagulat ito sa pagbukas ng conatiner van isang malaking sunog ang nagmumula sa loob ng minahan.

"Boss! Iyong kemikal sa loob ng minahan lumiyab." sabi ng tauhan.

"Anong sabi niyo?" di makapaniwalang sabi ni Camilo.

"May upos ng sigarilyo na naiwan sa loob na hindi na namin napansin," sabi ng tauhan na ikinalunok ni Camilo dahil sa kanya ang upos ang sigarilyo dahil wala naman nagsisigarilyo sa loob kundi siya lang. Pinagbawalan niya kasi ang lahat na huwag manigarilyo sa vicinity ng minahan na patakaran din sa Isla Traquilo dahil nga sa mga kemikal na pinapagamit niya.

"Si Maisharet?" biglang sabi ni Camilo na unang dumaan sa isip niya ang dalaga.

"Sir, nahimatay at nandoon po sa gilid." sabi ng tauhan ni Camilo.

"Tumawag na po kami ng ambulance at bombero." sabi naman ng ikalawang tauhan.

"Si Caloy?" napalunok na sabi ni Camilo na ikinatahimik ng mga tauhan niya.

"Camilo!" sigaw ng tinig na ikinatingin ni Camilo.

"Lake." sabi ni Camilo.

"Siraulo ka! Bakit ka gumawa ng minahan dito ang sabi ko sandali lang at pag-uusapan pa." sabi ni Lake na halatang problemado ito. Napatingin ang mga tauhan ni Camilo sa kanya.

"Si Caloy?" ulit na tanong ni Camilo.

"Iyong tauhan mo natusta sa loob. Aissst! Paano ko ipapaliwanag ang ginawa mo?" sabi ni Lake na halatang problemado ito.

"Wala na si Caloy?" napalunok na sabi ni Camilo na hindi man lang inintindi ang sinsabi ni Lake.

"Hay naku naman! Ikaw na bahala sa mga tauhan mo at ako ng bahala sumagot sa media sa ginawa mong minahan." sabi ni Lake saka ito umalis ng makitang tulala ang pinsan niya.

"Bawal muna magpapasok sa site! Huwag niyong hayaan makakuha ang media ng balita!" sigaw ni Lake sa mga Security at pulis na kasama nito.

"Si Caloy?" sabi uli ni Camilo.

"Boss, patay na." sabi ng tauhan na ikinalunok ni Camilo.

"Oh shit! Ganoon kabilis ang buhay." sabi ni Camilo.

...................

Hours Later

Cheung Hospital

"Anong sabi mo?" di makapaniwalang sabi ni Camilo kay Rio.

Napatitig si Doctor Rio Grande kay Camilo, mukhang nasa shocked mode pa kasi ito. Ilang oras na ang nakakalipas mula isugod sa hospital si Maisharet at nakuha ni Camilo iwan ang mga tauhan nito sa site na pinasalo nito kay Lake.

"Amo ka niya pero hindi mo man lang pinamedical ang tauhan mo? At talagang sa minahan mo nilagay at pinaghalo mo ng kemikal na walang medical exam na siyang dapat munang gawin bago pumasok sa kompanya mo." nagtatakang sabi ni Dr Alex Valiente sa pinsan na nakatulala at nakatitig lang kay Rio.

4.10 Tender Loving Care Gen 4 Book #10 : Camilo & MaisharetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon