Chapter 06

6.2K 231 16
                                    

Marioll Chandra Galvez

Pumasok si Vonn dito sa silid kung saan ako natutulog, nakasimangot ang kanyang mukha. Hindi ko maiwasang magtanong kung bakit napakaseryoso niya, lalo na't karaniwan siyang ngumingiti kapag magkasama kami.

"Are you okay? Bakit nakasimangot ka?" I asked. Nababasa ko sa kilos niya na may gusto siyang iparating sa akin. He let out a frustrated sigh.

"Stop talking to Wise. Avoid her, Chandra." he commanded firmly.

"W-Why?" tanong ko na may pagtataka dahil bigla-bigla niyang sinabi iyon.

"You heard me. I don't want you getting close to Wise." he stated in a commanding tone. Iyon talaga ang ipinipilit niya. Iwasan ko si Wise.

"O-of course, we don't really have frequent conversations. We just occasionally bump into each other in the hallway." paniniguro ko sa kanya. Nang tumingin ako sa kanya, napansin ko ang kanyang matinding titig.

"She's always staring at you, Chandra. Iba ang kutob ko." halata ang namumuong galit sa boses niya, then he clenched his jaw. "...I think she likes you."

"That's impossible." agad akong tumutol, pero halatang naninindigan ito sa nararamdaman niya.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kapag nalaman ni Vonn ang tungkol sa aking nakaraan kay Wise, magdudulot ito ng malaking problema. Hindi ko nabanggit sa kanya noon ang tungkol dito dahil wala akong ideya na magkakilala sila---hindi lang basta magkakilala kundi pamilya sila.

"Kaswal lang ang usapan namin ni Wise, Vonn. Besides, ramdam ko rin na hindi ako gusto ng kapatid mo na nandito ako sa bahay niyo." paliwanag ko, sinusubukan kong i-justify ang madalas na interactions namin ni Wise.

"No, Chandra, hindi iyon ang nararamdaman ko. Trust me, I know my step-sister when she's into someone." He insisted, his voice filled with certainty. I avoided making eye contact with him. Natatakot ako na baka mabasa niya sa mga mata ko ang katotohanan, at malaman niyang may itinatago akong sekreto.

"Alright, iiwas ako sa kanya kung iyon ang ikakapanatag mo ng loob." saad ko, para matapos na agad ang usapan namin tungkol kay Wise. Ang lumalaking pagdududa niya ay eksaktong iyon ang kinatatakutan ko.

Nang matapos ang pag-uusap namin ni Vonn ay hindi ako mapakali. Kinakabahan ako kaya inabangan ko si Wise na dumating dito sa bahay nila at nang makita ko siyang naglalakad dito sa hallway ay hinila ko siya dito sa bakanteng kwarto. Halata ang pagkagulat niya.

"Chandra?"

Sumilip muna ako rito sa pintuan para siguraduhing walang ibang tao saka ko isinara ang pinto.

"Wise, listen...."

"What is it, Chandra?" Nagtatakang tanong niya.

"I want to ask something at mangako ka sa akin na gagawin mo ang sasabihin ko."

"About what?"

Sa pagkakatitig ng mga mata namin ni Wise ay tila ba may mga pahina sa buhay naming dalawa ang hindi pa tuluyang nagsasara. Huminga ako ng malalim at nagsalita. "Wise, promise me na hindi malalaman ni Vonn ang past natin. Please, mangako ka."

Nakakunot noo siya habang nakatitig sa mga mata ko. Hinawakan ko ang kamay niya para iparating sa kanya ang paki-usap ko. "....look, pinatawad na kita sa ginawa mo sa akin nong gabing iyon. This time, bumawi ka."

Ang mga titig niya ay nananatiling palaisipan sa akin. Tila ba wala siyang balak makinig sa pakiusap ko sa kanya. Hindi na nga dapat ako nakiki-usap, pero anong magagawa ko? Nasa iisang bubong lang kami, at anytime na gustohin niya na sabihin lahat ng katotohanan ay magagawa niya at madali lang niyang masira ang relasyon namin ni Vonn.

BITE OF SIN (Intersex) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon