Marioll Chandra Galvez
Ilang araw na lang ang hinihintay namin ni Vonn para sa magaganap na kasal. Katatapos rin ng aming pre-nup shoot. Busy siya kahit malapit na ganapin ang okasyon. Madalas siya ang isinasama ng kanilang daddy sa mga business trip. Habang si Wise ang naiiwan sa kompanya.
"Vonn, saan tayo titira after ng kasal?" I asked him.
"We'll stay here at home for now."
"Ganon ba? Okay." sagot ko.
Pero ang totoo, I would have preferred to have a separate place to live 'cause I don't always get along with his mom, minsan kasi hindi ko gusto ang ugali ng mother niya dahil lagi akong pinupuna. But I will respect his decision.
"Kung matutuloy ang pag-alis ni Wise ng bahay ay magiging maayos ang pagtira natin dito. Masakit siya sa ulo. Ayoko siyang nakikita rito, Chandra. Pakiramdam ko anytime gagawa siya ng paraan para maagaw ka niya sa akin."
"Bakit mo naman naisip yan?"
"Kilala ko ang step-sister ko. Kukunin niya kapag ginusto niya."
"Mukhang hindi naman niya gagawin iyon."saad ko.
Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni Wise. Madalas niya akong itaboy, at iwasan. Kaya malabo ang sinasabi ni Vonn. Hindi katulad noong una, natatakot ako dahil mapwersa si Wise. Pero ngayon medyo panatag na ang loob ko, lalo na sinabi niyang wala na siyang pakialam sa akin.
"Kasama ko si Dad sa business trip ngayon. We'll be back tomorrow morning. Make sure to eat well and get enough rest. And, try to avoid Wise. It's better if you just ignore her, okay?" Ramdam ko ang matinding selos niya kay Wise. Hindi ko siya magawang kombinsihin na kaswal lang kami ng step-sister niya.
"Oo, iiwasan ko siya." sagot ko at tinanggap ko ang mainit niyang halik sa mga labi ko, niyakap din niya ako ng mahigpit bago siya lumabas ng bahay kasama ang dad niya.
Pagdating ng gabi ay nakababad ako rito sa bathtub. Nang marinig ko na parang may ibang tao dito sa loob ng silid ay agad akong umahon at nagshower.
Nakakapagtaka, dahil ang paalam sa akin ni Vonn ay bukas pa siya makakauwi. Ang mga kasambahay naman ay pumapasok lang rito sa umaga para maglinis.
Isinuot ko ang bathrobe saka lumabas ng banyo. "Vonn, is that you----."
Natigilan ako nang makita kung sino ang nakaupo sa gilid ng kama. It was Wise!
"What do you want, Wise? Naligaw ka ata, hindi ba't nasa dulo ang kwarto mo?"
She grinned.
Parang may masama na naman siyang binabalak. Ako ata ang nagkamali ng akala, mukhang pabalat-anyo lang niya ang pag-iwas at pagtataboy sa akin. Hindi ko na maintindihan kung anong laro ang gusto niya.
"Lumabas ka na, Wise! Vonn might come home soon."
Tumayo siya at naglakad patungo sa akin kaya napaatras ako.
"Shh!" She covered my mouth with her finger. "......baka marinig ka ng mommy ni Vonn, at magsumbong yon na magkasama tayo dito sa kwarto mo." Naamoy ko ang alak sa hininga niya, kaya siguro malakas na naman ang loob nito na mangbwisit!
"What do you want?!" nanggigigil na tanong ko sa kanya.
"I'm here to offer you a great deal."
"I'm not interested!" Itinulak ko siya! "...get out!" itinuro ko ang pintuan pero ngumiti lang siya.
"I'll leave once I'm done with my agenda, Chandra."
Halos magdikit ang mga katawan namin dahil nasa likod ko na ang pader.
"No, leave now! I don't want to talk to you." pagmamatigas ko. Umiwas ako pero humarang ulit siya dito sa harapan ko.
"I'll be gone by tomorrow, and you won't see me again. On one condition..."
Napalunok ako. Bigla akong naging interesado sa sinabi niya. Kung habang buhay siyang hindi na manggugulo sa buhay ko ay baka pwede kong pakinggan ang alok niya.
No! Agad ko ring binawi ang sinabi ko. Mahirap makipag laro sa taong ito. Ngayon ko lang siya nakilala ng lubos at hindi na siya ang Wise na kagaya noon na mabait. Mas mautak, at rude ang taong nasa harapan ko! And pervert!
"...you want to hear what I'm thinking?"
Umismid siya.
"No. Ayokong makipag-deal sayo! Leave now!"
Itinukod niya ang dalawang kamay sa gilid ko, tinitigan niya ako sa mata.
"If I leave that door without getting what I want, sisiguruhin kong masisira din ang buhay mo, Chandra. I mean it."
Sinalubong ko ang mga titig niya. "Hindi ba't ang sabi mo wala ka ng pakialam sa akin? Ano na naman ba 'to Wise?"
Lumapat ang likod ko sa pader dahil inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Halos magdikit ang mga labi namin. Pero umiwas ako.
"I've changed my mind. I realized that both of us should be losers. Not just me."sagot niya.
"Damn you! Wala ka na bang magawang matino at gusto mo pa akong idamay sa mga kabaliwan mo!"
Sinubukan ko siyang itulak pero lalo lang akong hindi nakagalaw nang hawakan niya ang magkabilang braso ko. Inipit niya ako at idinikit ang mga labi niya sa tenga ko.
"Sleep with me tonight, Chandra. And rest assured, you won't see me again. I won't bother you and Vonn anymore."
Kinilabutan ako nang dilaan niya ang gilid ng tenga ko. Para akong dinaluyan ng malakas na boltahe ng kuryente sa katawan.
"No way, you're just deceiving me!"
Hindi ako makagalaw, hawak pa rin niya ako.
"Minsan na tayong nagkasala kay Vonn nong gabing may namagitan sa atin, Chandra."
"It was only you! That was an assault!"
"You kept it a secret from him. Isn't that also a sin?"
She knew how to play games. Sinubukan ko ulit siyang itulak pero niyakap niya ako ng mahigpit.
"Wise, bitawan mo ako!"
"Ano ba naman yong isang gabi Chandra kapalit ng habang buhay mong katahimikan kasama si Vonn?" Ang mainit niyang hininga ay dumadampi sa tenga ko.
Umiling ako.
"You can't deceive me, Wise. Gusto mo lang na may mamagitan sa atin tapos guguluhin mo pa rin kami ni Vonn."
"I'll keep my promise. Pero kung ayaw mo, bahala ka. Pagdating ni Vonn ay sasabihin ko lahat ng totoo. Tungkol sa nakaraan natin, at sa namagitan sa ating dalawa."
"Mapanlinlang ka, Wise!"
"I'll be waiting for you in my room, Chandra. If you don't come in thirty minutes, it means you agree to let me ruin your life and your relationship with Vonn."
Binitawan na niya ako. Naiwan akong nakamaang nang lumabas siya ng silid.
....
BINABASA MO ANG
BITE OF SIN (Intersex) ✔
Romance[Completed] 🔞 DARK ROMANCE Mature Content | R-18 | SPG | Intersex WISE is stunned to find out that her step-brother's fiancée is the woman who broke her heart. ⚠️ WARNING: this story includes infidelity/unfaithfulness and force seeex. If you're n...