FINALE

8.4K 362 65
                                    

Author's Note:

Writing Wise and Chandra's story was tough but fulfilling. It's about making mistakes, learning from them, and discovering love and forgiveness. I poured my heart into their story, hoping you can feel the depth of their love.

A big thank you to Author yuiyuuu-chu for her valuable contributions to the first five chapters. Her creativity shaped Wise and Chandra's story.

To all the readers, thank you for reading and engaging with Wise and Chandra's story. Your comments and messages have been so encouraging.

REMEMBER TO LEAVE A COMMENT AND VOTE. THANK YOU VERY MUCH!!




°•°•●•°•°



Wise Danshel

FROM a distance I heard the wail of siren. Palapit ito sa kinaroroonan namin. Para kay Chandra ang ambulansyang dumating.
Manganganak na siya!

Nagmadali ang mga Paramedics, isinakay agad si Chandra sa stretcher.

"Wise...." naiiyak niyang saad. She was in pain, kitang-kita iyon sa kanyang mukha.

"You will be okay, Chandra."

Nang maisakay siya sa loob, binuhat ko naman si Clover at sumakay na rin kami para samahan si Chandra. Pinaupo ko ang anak namin dito sa tabi ko. Hinawakan ko ang kamay ni Chandra habang namimilipit siya sa sakit, we didn't expect it dahil ang due niya ng panganganak ay next week pa, kaya agad akong tumawag ng ambulansya para dalhin siya sa hospital.

Chandra was breathing heavily, she was also sweating.

"Hang in there, sweetheart. Malapit na tayo sa hospital." Sinusubukan kong palakasin ang loob niya.

Chandra gritting her teeth. "Wise...." her grip on my hand was tight. I could feel her pain, it was like she was trying to hold onto me to get through it. I held her hand back. I just wanted her to know I was here for her.

I'm trying to stay calm pero ang totoo kinakabahan at nakakaramdam ako ng takot para sa asawa at anak ko. I never felt this before dahil nong ipinanganak si Clover wala ako sa tabi ni Chandra. Pero sa kabila ng nararamdaman ko, masaya ako dahil ako ang nasa tabi niya ngayon. "You're strong, Chandra. Nandito kami ni Clover para sayo. Tiisin mo lang, we're almost there."

My hand never leaving hers. Sa akin siya nakakapit, I now she needed me.

"Mama..."

Napatingin ako kay Clover, nakakapit siya sa damit ko habang nakaupo dito sa tabi ko. Halatang nag-aalala ang boses niya habang pinagmamasdan niya ang kanyang ina na namimilipit sa sakit, saka siya tumingin sa akin. "Dada, mama is hurt." Naiiyak niyang saad.

"I know, baby. But don't worry. Mama, will get through this. Strong si mama like you. Di ba, strong ka rin?"

Tumango siya kahit halata sa mga mata niya ang pag-aalala. "Yes, dada."

Iniyakap ko sa kanya ang isang kamay ko habang ang isa ay nakahawak sa kamay ni Chandra. Ilang sandali pa nakarating na kami rito sa hospital.

Nang maibaba si Chandra ng ambulansya nagagawa kong tumakbo habang karga ko si Clover at sinasabayan ang mga nurses sa pagtulak ng stretcher, mabilis kaming tumatakbo papunta sa delivery room.

Ganito pala ang pakiramdam na makita si Chandra na namimilipit sa sakit. Halu-halo ang emosyon na nararamdaman ko, at wala akong ibang magawa kundi tibayan ang loob ko para sa kanya.

Chandra lies on bed, nakahawak siya sa tiyan niya. Napalingon siya sa akin, halatang hinahanap niya ako sa tabi niya. "Wise, don't leave me...." Malalalim ang hininga niya.

BITE OF SIN (Intersex) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon