Chapter 24

7K 546 107
                                    

A/N: I noticed that the votes increased when I reminded you to vote before reading. So, let's do that again, VOTE before you read so you won't forget.

PLEASE GIVE 300 VOTES FOR THIS CHAPTER. I'M JUST ASKING FOR A SMALL FAVOR FROM YOU.

AND I'M ALSO ASKING YOU TO READ THIS CHAPTER CAREFULLY AND COMMENT BASED ON YOUR REALIZATION ABOUT WISE AND CHANDRA.

P.S: Please ignore the music video attached. I'm listening to it while writing. 🤍🩶🖤

°•°•●•°•°

Wise Danshel Astrande

Ipinarada ko ang sasakyan dito sa harap ng bahay ni Liz. Hindi niya alam na dadaan ako rito kaya umaasa ako na dito siya uuwi hindi sa bahay ng mga magulang niya.

I leaned back in my seat while waiting. I closed my eyes and Chandra crossed my mind again. Masyado akong nahumaling sa kanya to the point na marami akong damdamin na nasaktan at masasaktan, kabilang na doon si Liz.

Kinuha ko ang maliit na kahon sa compartment ng sasakyan, pagbukas ko nito agad akong sinalubong ng kislap na nagreflect sa ilaw ng sasakyan.

I was planning to propose to Liz and I had decided to stop seeing Chandra then, but when I found out that Chandra was pregnant, nagbago agad ang isip ko. I decided not to pursue marrying Liz. I thought magkakaroon ulit kami ng chance na dalawa ni Chandra dahil magkakaanak na kami, but it didn't happen.

Mahal niya si Vonn, kahit ilang beses kong ipagpilitan ang sarili ko sa kanya hindi niya ako magagawang mahalin ulit, kagaya ng pagmamahal niya na nakita ko nong nagsisimula palang kami bilang magkasintahan noon.

Everything got complicated because I couldn't control myself, hindi ko nagawang iwasan si Chandra. Hindi ko siya nagawang alisin sa sistema ko.

I waited until Liz arrived. Dumating siya sakay ng kotse niya, pagbaba niya ngumiti agad siya. Ibinalik ko sa loob ng compartment ang engagement ring na hawak ko. Bumaba ako ng sasakyan.

She was smiling nang lapitan niya ako. "Wise, I'm happy you're here." bumeso siya sa pisngi ko then yumakap siya. Para akong estatwa na nakatayo lang, hindi alam ang gagawin.

Alam kong masasaktan ko siya. Huminga ako nang malalim at pinilit na kalmahin ang dibdib ko na kanina pa binabagabag ng halu-halong emosyon.

"I.....I just want to talk to you, Liz." Alanganing ngiti ang naibigay ko sa kanya nang ilayo ko bahagya ang sarili ko sa kanya. May pagtataka sa mga titig niya, pero sa bandang huli ngumiti siya.

"Sure, come in." Hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako hinila papasok sa bahay niya. Pagpasok namin dito sa sala, pinaupo niya ako dito sa sofa. Nagprepare siya ng maiinom saka siya umupo dito sa tabi ko. Nagsalin siya ng inumin sa mga baso at ibinigay sa akin ang isa.

Naging tahimik ako dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko.

Inilapit niya ang sarili sa akin para humalik sa labi ko. Hinayaan kong gawin ang gusto niya pero nanatili akong walang kibo.

"Why are you stiff, Wise? Is there a problem?" Malambing niyang sabi at saka niya inulit ang halik sa mga labi ko.

Bumuntong hininga ako nang maghiwalay ang mga labi namin. Gulong-gulo ako sa mga nangyayari sa pagitan namin ni Chandra, at ayoko na rin madamay pa si Liz. She doesn't deserve someone like me, makasalanan, manloloko.

"Wise, you can tell me kahit ano pa yan." She was concerned. Halata iyon sa boses at mga mata niya.

Napayuko ako at napahinga nang malalim. Alam agad niya na may gumugulo sa isipan ko. Hinawakan niya ang braso ko at mahigpit na piniga ito.

BITE OF SIN (Intersex) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon