Venice' s POV
Halos sabay sabay lang silang umalis ng bahay and actually kasama nilang umalis si kuya para ihatid ang kanya sap daw, Psh. Akala naman ni kuya hindi ko napapansin na kanina pa sya nakatingin sa kaibigan ko habang nagtatawanan kanina.
Alam ko namang may nararamdaman talaga si sapphire and kuya daemon sa isa't isa mukang nagkakahiyaan pa sila hahahahaha. At may isang couple pa kong nahahalata na kanina pa din nag ngingitian or hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakahalata sa mga galawan nila.
Sa mga muka din naman kase nila troy at Lorraine talagang inlove sila sa isa't isa, sabagay muka lang namang gago si troy pero loyal naman. Lahat naman sila loyal e sadyang wala pa ang babaeng magpapaseryoso sa HE ROYALS na yan.
" Anak ok na ba pakiramdam mo? " Tanong sakin ni nanay senny at Hindi ko alam na nasa tabi ko na pala sya. " Yup, ok na po ako nay. Don't worry about me " ngiti ko kay nay senny para mapanatag na sya at hindi na magalala pa sakin.
Ngumiti naman ito sakin " mabuti naman kung ganon, masyado kang maganda anak para umiyak palagi " dagdag pang sabi sakin ni nay senny kaya napangiti din agad.
"Osya sige na anak at babalik na ko sa kusina para ihanda lahat ng dadalhin nyo bukas sa bakasyon nyo, at pupunta ko mamaya sa kwarto mo upang ayusin ang mga gamit mo." Sunod na sabi ni nay senny habang patayo na ito. " Wag na po nay, I can manage na po. Thankyou. Taas na din po ako nay sa kwarto ko para makapag pahinga saglit at makapag empake na din po " sagot ko kay nanay senny sabay ngiti dito.
" Osige anak, dahil mamaya andito na ulit ang mga kaibigan nyo " sabi ni nay senny habang papunta na sya sa kitchen. Ako ay tumayo na din upang pumunta sa kwarto ko. Sa totoo lang ayokong nagpapapasok ng tao sa kwarto ko, siguro ang nakakapasok palang dito ay ang mga kaibigan ko at pamilya ko pati si nanay senny.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay bumungad sakin ang kulay pastel kong room at sa harap ng bed ko ay may mini library na puro wattpad books then sa kabilang side naman ay may papasukan na parang isang room at doon makikita ang aking walk in closet.
BINABASA MO ANG
THE ROYALTIES
Ficção AdolescenteSana po magustuhan nyo kahit di masyadong maganda. Salamat po ng marami. Godbless po