Chapter 13 - GET READY! ( PART 2)

2 0 0
                                    

Daemon's POV

Pagkahatid ko naman kay sapphire ay umuwi na din agad ako at sinabi sakin ni nay senny na nasa kwarto si princess kaya tumango nalang ako at pinuntahan si princess sa kwarto niya.

Nakita ko namang tulog ito kaya hinayaan ko na at pumasok nalang din ako sa sariling kwarto ko.

Naligo muna ako bago mag empake ng mga dadalhin kong gamit, alam ko namang si princess na ang mageempake ng gamit nya mamaya pagka gising nya eh. Dahil hindi sya nagpapasok ng ibang tao sa kwarto nya, kami lang na pamilya at kaibigan nya ang nakakapasok sa kwarto nya kasama na don si nanay senny.

Pagkatapos kong magempake ay nahiga muna ako para makapag pahinga kahit papano dahil maya maya ay andito na ang ibang ROYALTIES para mag overnight.

Habang nakahiga ako ay naiisip ko ag muka kanina ni sapphire namumula sya habang hindi makatingin ng deretso sa akin hahahaha ang cute nya talaga.

Unti unti na kong dinadalaw ng antok kaya pumikit nalang ako. Habang iniisip si sapphire.



Sapphire's POV

Kakatapos ko lang mag empake ng mga kailangan kong dalhin sa boracay, syempre hindi ko makakalimutan ang mga swimsuit dahil siguro ako si Lorraine ay may dala ding swimsuit at si venice din.

Wag kayo dyan, magaganda ang hubog ng katawan namin. Syempre need maging maganda ang katawan namin dahil pare-parehas kaming model ng mga sikat na brand. Halos lahat kami kasama na din ang HE ROYALS. Tatawagin ba kaming THE ROYALTIES kung Hindi diba?

Baka sabihin nyong nagyayabang ako porket anak kami ng mga kilalang business women and men sa buong mundo. No, dahil kahit isa samin ay ayaw magyabang o magmataas ng tao dahil hindi naman kami ang may pagod kaya kami yumaman ng ganito dahil sa mga magulang namin yon. Hindi din kami tinuruan ng mga magulang namin na maging mataas sa mga tao dapat daw ay pantay pantay lang ang tingin sa bawat isa.

Saktong namang may nagtext sa phone ko kaya hinanap ko ito at nakita ko sa bed side table ko.

Oh nagtext pa 'tong si lorraine e magkikita kita naman kami kila venice. Kaya tiningnan ko nalang ang text nya sakin. Napakunot naman ang noo ko ng makita ko ang text nya.

From Lorraine:

Sissy! Dala ka ng panjama mo ha, dahil mag panjama party tayo mamaya kila venice at alam kong masaya yon. See ya!

Ano na naman kayang naiisip ng babaeng to. Pero hinayaan ko nalang sya at nireplyan din naman ito agad.

To Lorraine:

Okey, see you sis!

Pagka reply ko naman sa kanya ay bumaba na ko upang magpahatid sa driver namin kila venice. Pagbaba ko ay nakasalubong ko si manang yoli ang mayordoma ng bahay namin.

" O anak aalis kana? " Tanong nya sa akin kaya tumango naman ako " opo nay, kayo na po munang bahala dito sa bahay at tatawag nalang po ako kila mommy at daddy para magpaalam " tumango naman ito at ngumiti

Hinayaan ko namang ibaba ng maid yung maleta ko dahil sa utos na din ni manang yoli.

At tumawag naman ako kila mommy para magpaalam kahit alam kong papayagan naman nila ako.

Nag ring lang ng tatlong beses at sinagot na nga ni mommy ang phone nya " hello anak? how are you? Napatawag ka ata? May problema ba?" Sunod sunod na tanong ni mommy haha

Napangiti naman ako sa mga tanong ni Mommy" mom I'm fine here, papaalam lang po sana ako about sa outing naming makakaibigan. Sana po ay payagan nyo ko"  pakiusap kong sabi kay mommy.

" Ok lang naman sa amin anak but tatlo lang ba kayo nila Lorraine at venice ang aalis? " Tanong ulit ni mommy sumagot naman agad ako " No Mommy, actually kasama ang HE ROYALS. Kaya 9 kaming magkakasama and don't worry about us mommy ok na ok lang kami hehe " dagdag na sabi ko pa kay mommy

" Ok, sweetheart be good ok? Ikamusta mo nalang ako sa ibang royalties and andito din ang parents nila venice, ay no, lahat pala ng parents ng royalties ay andito hahaha " Sabi pa ni mommy at halata mong masaya talaga.

" Really mommy? Ikamusta mo nalang kami kila tita's and tito's pati na din kay daddy. Missyouuu mom!" Dagdag sabi ko kay mommy

" Miss u sweetheart!" Sagot ni mommy sakin kaya nagpaalam na din ako dahil nakakahiya naman kung ako ang huling pupunta sa bahay nila venice " bye mom, magiingat po kami don and magingat din kayo nila daddy dyan sa canada. Love u all! " Sagot bago patayin ang call.

" Nay! " Tawag ko naman kay manang yoli kaya lumabas ito galing kitchen " tumawag kana ba sa Mommy mo?" Tanong naman nya sa akin " opo nay, aalis na po ako. Ingat po kayong lahat dito nay. " Sabi ko kay naman kay nay yoli habang inakap ito.

" Osya sige magiingat din kayong lahat don anak " sabi nya sakin bago ako lumabas ng bahay at magpahatid kila venice.

" Kuya tara na po, sa bahay po nila venice " sabi ko naman kay kuya at tumango naman si kuya.

Kaya lumabas na ang van na sinasakyan namin papunta kila venice.


Xander's POV

Kanina pa ko nakarating dito sa bahay. At dumretso lang ako dito sa kwarto ko agad.

And fuck alam na alam ko sa sarili ko na napaka tagal kong nakatingin kay venice. Hindi ko naiintindihan ang sarili ko but i love her gorgeous smile.

Every time she smiles, my heart beats faster. tang*na.

May gusto ba 'ko kay venice? fuck.

Hindi ko nalang masyadong inisip yon at naligo na lang ako para mahimasmasan. Pero bago ako maligo ay tinawag ko muna si manang rosa upang ipaayos ang mga dadalhin ko sa vacation namin.

Hinayaan ko na si manang na ayusin ang mga gamit ko, dahil may tiwala naman ako sa kanya.

Pagkatapos kong maligo ay tumawag ako kila mom and dad upang magpaalam. " Hello mom ?" sabi ko pagka sagot ni mommy ng phone nya " Hi son! How are you? Himala at napatawag ang yelo naming baby HAHAHAHA" oa na sabi ni mommy

" Tsk. Mom magpapaalam ako may outing ang SHE ROYALS and HE ROYALS sa boracay and 1 week kami don " sabi ko kay mommy at alam ko namang matutuwa sya dahil magkakasama na naman kaming mga ROYALTIES

" O sure anak! Mas maganda yan na lagi kayong nag ba- bonding na magkakaibigan. Magiingat kayo don ha " paalala pa ni mommy sa 'kin sa tawag. " Yes mom, and kayo na bahala na magsabi sa principal ang balak namin " dagdag ko pang sabi kay mommy

" Ok baby, kami ng bahala ng daddy. And btw andito ang lahat ng tita's and tito's mo magkakasama kami mamaya sa bahay nila tita Beatrice at tito Laurent mo hahaha" sabi pa ni mommy at halata mong masaya na naman.

" Ok mom, ingat kayo dyan lahat and pa kamusta mo nalang ako kila tita at tito the kay daddy. Bye mom. " Sabi ko kay mommy sabay patay ng call

Kaya bumaba na ko dahil nasa baba na din naman ang maleta ko " paki dala nalang sa car ko " sabi ko sa maid na may dala ng maleta ko. " O anak aalis kana? Magingat kayo don na magkakaibigan ha " sabi naman ni nanay rosa kaya tumango nalang ako at nagpaalam na din "magingat din po kayo dito nay rosa " tumango nalang ito at ngumiti sa akin.

Lumabas na ko ng bahay at pinabuksan na din ang gate para makalabas na ko sa village namin, nag drive na ako papunta sa bahay nila daemon at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil parang excited akong pumunta kila daemon.

Tsk. Bahala na nga .

Hinayaan ko nalang ang nararamdaman ko at nagpatuloy na mag drive.






THE ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon