CHAPTER 14 - GORGEOUS

6 0 0
                                    


Niko's POV

Nang makarating ako sa bahay ay agad ko nang tinawag ang mayordoma upang mag-utos ng maid na mag-aayos ng mga dadalhin kong gamit mamaya. Hindi naman sa tamad ako sadyang nagmamadali lang ako upang makabalik agad kila pareng daemon at mabwisit si troy HAHAHAAHAHAHAH

" Manang, paki ayos na din po ang mga gamit ko na dadalhin sa boracay. Maliligo lang po ako saglit " sabi ko kay manang, tumango naman ito sa akin at may maid na nga s'yang pinapasok sa kwarto ko.


Nag deretso na din ako sa banyo upang makaligo na at makapag ready na din ako. Pero naalala ko nakita ko si leader na nakatingin kay venice. Hmm, hindi kaya may gusto si leader kay venice? AHA! wala namang kaso yon at loyal naman silang dalawa tsaka parehas pogi at maganda. HAHAHAHAHAHA tama tama! Antalino mo talaga niko at napaka pogi mo pa

Sabi ko pa sa sarili ko, pero totoo naman e para parehas na din silang sumaya sa buhay.

Hay ako kaya kailan ko makikita ang babaeng para sa akin?


Nang matapos na kong maligo ay nag bihis na din ako at gumayak. Paglabas ko naman sa banyo ay nakita kong nakaayos na sa isang maleta ang mga gamit na dadalhin ko for 1 week.

Kaya bumaba na din ako agad at nagpaalam kila manang.


Mamaya nalang ako papaalam kila mommy at sure naman ako na napaalam na si xander kila tita kaya alam na din nila mommy na magkakasama kaming mga ROYALTIES sa isang bakayon.

Lumabas na din agad ako ng bahay at dumeretso sa kotse ko, binuksan naman ng maid namin ang gate kaya nagdere-deretso na din ang pag d- drive ko papunta kila pareng daemon.

Yesss!! Here we go!!!!



Troy's POV

Mabilis lang din akong makarating sa bahay at pinaayos ko na agad sa maid namin ang mga gamit ko, sabay ligo na din ako upang makabalik agad kila venice.

Alam kong magiging masaya ang bakasyon na ito dahil kumpleto kaming magbabarkada at bumabalik na din si Venice sa dati.

Pero gusto ko agad talagang bumalik don upang makita ko din ulit si Lorraine HAHAHAHAAH ang ganda nya kanina habang tumatawa grabe na! Excited na kong makasama sya sa boracay at masolo sya.

Bahala na sila xander at daemon kila venice at sapphire dahil nakikita ko din sa mga mata ng dalawang yon na may gusto sa SHE ROYALS. Lalo na si leader iba talaga ang tingin nya kay venice kanina e at alam kong hindi lang ako ang nakahalata kanina HAHAHAHAHAHAH


Masyado naman kasing halata si leader. Hays xander bagay naman kayo ni venice eh. Sabi ko pa sa isip ko.

Nang natapos akong maligo ay agad na din akong gumayak at ok na din naman ang maleta ko kaya nagpaalam na ko sa mga maid. Pagpasok ko agad sa kotse ay dere-deretso na ako sa village nila daemon.

I'm here baby Lorraine!! Wait for me!


Ethan's POV


Nagpaalam na ko kila mommy para gamitin ang private plane "mom pwede ba naming gamitin yung private plane? " Tanong ko kay mommy na nasa canada ngayon " ok anak, magiingat lang kayo ron sa boracay ok? Be a good boy son ha?" Sabi pa nya sa akin kaya tumango tango naman ako na parang nakikita naman ni mommy hahahaha

" Ofcourse mom, kasama naman ang buong ROYALTIES e so don't worry about us mommy. I have to go mom, love u " sabi ko pa kay mommy " ok baby love u all! " sabi pa ni mommy bago nya patayin ang call.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon