-Precilla-
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang mga nakakabinging ingay, sigawan at iyak ng mga tao sa labas ng aming bahay. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at lumabas ng bahay, hindi na inisip na sumilip sa bintana.
Usok at umaalab na apoy ang bumungad sa akin ng buksan ko ang pintuan,
Sunog,
Mga duguang bangkay,
Mga taong tumatakbo,
Mga taong hindi alam ang gagawin,
At mga taong hindi dapat naririto."Tulong! Tulungan ni'yo kami!"
"Parang awa niyo na!"
"Tulong!"
"Ang asawa ko!!"
"Pipoy anak ko!"Sari-saring ingay ang aking naririnig, naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Samot saring mga tanong ang nabubuo sa aking isipan, katulad na lamang ng; bakit sila narito? Ano ang kanilang pakay? Ano ang dahilan nila?
Nagulat ako ng biglang may natumba sa aking harapan at tila naghihingalo habang hawak ang leeg niya, "t-tulong....t-tulungan mo a-ako.." mahinang usal niya.
Imbes na tulungan ay dali-dali akong pumunta sa kusina at kumuha ng kutsilyo, pagbalik ko sa sala ay nakita ko ang lalaking humihingi sa akin ng tulong kanina. Nakatayo ito at nakatingin lamang sa akin, ang mga mata nito ay kasing pula ng dugo, may pakpak na parang katulad sa paniki, matatalas ang mga kuko, wala ng buhok habang naglalaway at nakangiti ng parang asong ulol dahilan para makita ko ang mga matutulis nitong ngipin na wari kong kapag nakagat ka ay mabubutas kaagad ang iyong balat at laman.
Hindi ko maipaliwanag ang kabang aking nararamdaman ng unti-unti itong umaatras habang nakangiti pa din, kahit pinagpapawisan ng malamig at nanginginig ang kamay, aking nilabanan ang aking takot at itinutok sa kaniya ang kutsilyo dahil alam ko....
Gantong ganito rin ang kinuwento sa akin ng lola ko bago siya lumisan sa mundo. Dumating na ang panahon ng kanilang pagbabalik.
Ang paghahasik ng kasamaan at pagpaparami ng mga bampirang itim.
Nang huminto sa pag-atras ang lalaki ay alam ko na ang susunod nitong gagawin, ito'y biglang sumugod sa akin pero bago pa man lumapat ang matutulis niyang kuko sa aking mukha ay naging abo na siya.
"Muntik kana doon bata." sambit ng isang hindi pamilyar na lalaki na siyang paglingon ko sa kaniya. He was wearing a uniform that looks a like to the demon slayer corps, but the difference is it is color white. He was holding an unfamiliar gun that has a silver chain connected to his wrist, a red belt circled around his waist and a katana attached to it. Tumalikod ito sa akin at doon ko nakita ang nakatatak sa likod nito.
"DESTROY AND KILL."
![](https://img.wattpad.com/cover/354917566-288-k384171.jpg)
YOU ARE READING
To Hunt or To Die (On-going)
FantasiaUnedited. A prey or the hunter? Being able to kill them or be killed by them? What if one day, your peaceful life turned into hell? What will you do? Precilla, a young woman who was once lived a peaceful life not until the creatures that only exist...