8 :: THE WHO

250 22 18
                                    


-Precilla-


All of us five are currently walking back to the organization's head quarter. Tisiphone and Vanessa is obviously talking about some useless things again like...

“Ano ang gagawin mo kapag nakagat ka ng isang fleut?” si Tisiphone.

“Ano pa ba? Edi magpapakamatay.” Vanessa said while looking so proud on her answer.

“Bakit naman?”

“Mas gugustuhin ko pang mamatay ng maganda kaysa mamatay ng kalbo habang tumatalsik ang ulo.”

“Maganda ka ba?” si Argus na nakisali na.

“Oo, hindi ba halata?” balik na saad ni Vanessa habang masama ang tingin kay Argus.

“Hindi e.” usal ni Argus sabay takbo, ang mga gagong ‘to.

“Araw-araw ko ba talaga silang makakasama?” bored na bulong ni Azuri.

I sighs, mukhang kailangan kong pagtiyagaan ang mga ugali ng mga balasubas na ito.

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

Matagal pa ang aming lalakarin, tirik na tirik ang araw ngunit dahil nasa loob kami ng kagubatan ay kakaunting liwanag lamang ang pumapasok sa nagkakapalang mga dahon at sanga ng bawat puno.

Napakarami ring mga dahon ang nagkakandalaglagan sa lupa sa bawat pag-ihip ng hangin. Habang naglalakad ay nakarinig ako ng parang may tumatakbo papunta sa direksiyon namin. Isinawalang bahala ko lamang ito at nagpatuloy sa paglalakad dahil siguro pagod lamang ako. I don't think it's a vampire though because vampires can't go out in the morning, unless they want to become one of the dust.

I noticed that my comrades also heard the footsteps, “Stop.” Argus ordered. Huminto naman kaming lahat habang pinapakiramdaman pa rin ang paligid, palakas ng palakas ang mga yabag.

“HUWAG NIYONG HAHAYAANG MAKATAKAS!! HABULIN NIYO!” sigaw ng kung sino kasabay ang pagtunog ng isang trumpeta. Naging alerto kami, napatigil ako sa pagbunot ng aking katana ng bigla akong hinila ni Vanessa at nagtago sa isang malaking puno sa kanang gilid namin.

“What the fuck is that?” si Vanessa habang ang kaniyang mga kamay ay nakatakip sa aking bibig. “Huwag kang magkakamali Precilla, I know what you're thinking.”

“Saan si Azuri?” si Tisiphone.

Natahimik kami ng marinig namin ang yapak ng isang taong tumatakbo papunta sa direksiyon namin kasabay non ang isang tunog na parang may natumba, dali-dali kong tinanggal ang kamay ni Vanessa, madali ko na iyong natanggal dahil hindi ito naka-focus sa akin kundi sa...

“WHAT THE FUCK?!” sigaw ko ng masilip ko ang nangyari. A stranger... kissing Azuri?

Nanlalaki ang mga mata ni Azuri habang nakapatong sa kaniya ang isang lalaking may kulay abuhing buhok.

“pft HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!” napunta ang atensiyon naming lahat kay Argus na ngayon ay nakahawak na sa kaniyang tiyan habang tumatawa. Biglang tumayo ang lalaking estranghero at pinagpagan ang sarili, on the other hand si Azuri ay nanatiling nakahiga at nakatingin sa kawalan. In short, para siyang nanigas sa posisyon niyang iyon.

To Hunt or To Die (On-going)Where stories live. Discover now