Were still on the flashback guys kaya wag malito.
Hnnah's POV
Nagising ako ng maaga para makapag prepare and ready for my school. Hindi kami masusundo ng service namin ni ate dahil nasiraan daw. Kaya yun , dahil iba naman ang way namin ni ate nauna na kong umalis sa kanya medyo late pa naman daw kase yung class nya ako 8:00am. Di kase kami same ng school my ate is a nursing student sa isang university ako naman education yung course ko sa E. U.
Mas mapapabilis yung byahe ko if I will ride at LRT kaya I decided to walk nalang para makarating sa station na malapit samin.
Habang naglalakad ako, parang may sumususnod sakin kaya I turn my back at nagulat ako sa nakita ko.
Yung guy na masungit kahapon. Pero cute pa din kahit hindi nakangiti. Haha.
T'teka bakit dito din sya papunta? Sinusundan nya ba ako?
"Ah hi" ano ba naman yan hannah umayos ka naman.
Aba? Ang sungit naman di manlang ako narinig? O bingi sya?
"Pst! Di ba ikaw yung kahapon? "
"Are you talking to me? " habang nakakunot yung noo.
"May nakikita ka bang di ko nakikita?" Ano ba may multo ba kapag umaga?
"Tss! Pilosopo, " tumuloy na sya sa paglalakad. Kaya sinundan ko sya.
"Sinusundan mo ba ako?" bakit ko ba yun tinanung? Nakakahiya.
"What!" Ano ka chicks? Ayos ah, di ka lang pala hindi marunong magthank you, assuming ka din" habang nakangiti sya ng parang nang-aasar.
Ano ba yan Hannah pahiya ka na naman. "E bakit dito ka dumadaan? "
"Ikaw lang pwede dumaan dito? Malamang papasok ako ng school. Kaya dumadaan ako dito kase dito yung way ko. Tsss!"
di lang pala sya masungit , mayabang din. Pero hannah cute pa din sya.
"San ba yung school mo?"
"Sa U Belt"
"Dun din ako e" akalain mo yun. Bakit di ko sya nakikita madalas. Malamang Hannah kase iba yung way mo palagi. "San ba yung school mo? "
"Bat gusto mong malaman? Crush mo na ako noh?" Abat sarap manapak ngayong araw ah.
"Ang yabang talaga." Kainis feeler din tong isang to e.
"Ang cute mo pag napipikon ka" sabi nya habang nakangiti. Ngumingiti pala tong lalaking to? Ang cute nya tuloy.
☆After an hour☆
Nagkasabay na kami ni Stephen na pumunta sa school, nalaman ko na dun din pala sya nag-aaral sa Philippine University malapit sa school na pinapasukan ko.
Nalaman ko din na isa syang engeneering student. Tulad ko 1st year college din sya.
May tinatatong bait din pala yung lalaking yun, tsaka mahilig din mang-asar. Di yata matatapos araw nun kapag di ako inaasar.
Nalaman ko din na malapit lang pala yung bahay nila sa bahay namin, pero di ko sya nakikita dahil tulad ko di din sya pala labas ng bahay.
"Dito na ko, ingat ka baka kase madapa ka habang naglalakad hahaha" habang tumatawa ng malakas kainis!
"Ikaw din ingat ka, madapa ka sana" sabi ko nalang sa kanya.
Akalain mo yun nakita ko na naman sya again? Pero kahit minsan tumatawa sya parang may lungkot sa mga mata nya.
Parang gusto ko tuloy sya mas makilala, para kaseng hindi sya masaya. Bakit kaya? Ano kayang problema nya?
"Hala late na ko!"
Author's Note
Hello guys
I hope di kayo tamarin sa pagbabasa.
Anyway ang mga susunod na chapters is still flashback ng mga happenings two years ago.
Enjoy reading.
Xoxo.....
BINABASA MO ANG
We Meet Again
RomansaAfter the break ups, hearrtaches you felt years ago, what if one day you meet again? Will everything will falling into the right places? Will the love finally find its right love at the right time? If you give each other a chance to try again to wo...