Chapter 8 Close

11 1 0
                                    

Hannah's POV.

It's been a week since that day na nag open up sakin si Stephen, simula din nong araw na yun. Halos everyday na kami sabay umuwi.

It was easy para sa aming pareho na maging close sa isat-isa. I don't know I'm just comfortable being with him.
Maybe because nararamdaman ko na he's a good person. I don't know pero parang noong nakita ko sya na
Sobrang lungkot nya parang mas nalulungkot ako.

Sa totoo lang bilib ako sa kanya, kase after what happened he still stand out and continue his life.

Bilib ako sa kanya kase kung sakin siguro nangyari yun? Ang iwan ng taong mahal na mahal mo? Baka maging bitter ako pero sya alam ko nasaktan sya pero hindi sya naging bitter.

Some people they make revenge. I mean ibabalik nila sa taong nakasakit sa kanila yung pain na naramdaman nila.

He's somewhat mad sino ba namang hindi di ba? Iiwan ng dahil sa simpleng dahilan na may kulang pa din? Like wow? Is that reason even acceptable?

Pero sya hindi, hindi sya gumanti, hindi sya nagalit sa mga babae. Some people kase kapag na nasaktan sila parang ang tingin nila sa lahat pare pareho na. Like some guys na niloko ng girls tapos naging womanizer na. Same as girls na ginagawa nalang libangan ang pagpapalit ng boyfriend because they're past relationship
Is painful. At niloko lang sila ng past boyfriends nila.

Pero si Stephen, iba. And because of that I can say that he's a good person. And that girl is stupid for letting him go and breaking his heart.

I don't have into any relationship like what my friends had experienced on. Like what Clark and Cyrile have. But sa lahat nga nakikita ko na umiiyak because of that. I know losing the one you love is painful mas lalo pa siguro sa part ni Stephen na ginawa lahat pero it turned out, it still didn't work.

"Girl ! Ay tulala? Ano nakadrugs ka ba? "Nagulat naman ako kay Joy sa pag pitik ng kamay nya sa malapit sa mukha ko.

"Hannah ano yang tulaley moment mo na yan? Are you hiding something ? Sabat naman ni Cyrile.

Nandito kami ngayon sa classroom namin. Pero wala kaming klase kase absent yung prof namin.

Buti nalang kase di ako prepared sa oral recitation namin ngayon sa politics. Haha perks of being tamad talaga.

Hay when katamaran strikes nga naman. Pero nag-aaral naman ako. Siguro nafeel ko na aabsent yung prof namin ngayon kaya di ako nagbasa ng hand outs na binigay samin.

Nagulat ako kase nsgvibrate yung phone ko na nakalapag sa desk ko.

Simula nga din pala nung araw na nagsabay kami umuwi ni Stephen palagi din kami nagkakatext at nag uusap sa phone. I don't know pero hindi kami nauubusan ng topic.

"Hello?" Sagot ko sa phone ko. Tumatawag pala si Stephen.

"Hi" sabi nya sa kabilang linya.

"Oh bakit napatawag ka?"

"A'ah wala naman, ipapaalal ko lang yung lakad natin mamaya after class" nauutal na sabi nya.

"Ah, haha. Oo nga pala. Oo na di ko nakalimutan. "Nakangiting sabi ko

"Are you busy?" Tanong nya pa.

"Wala yung prof namin absent" sabi ko naman.

"Ah" hannah bakit parang kinikilig ka? Haha hindi nsman masyado.

"Ikaw? Nasan ka? Di ba may klase kayo ngayon?" Tanung ko sa kanya. Kase naman may klase naman talaga dya ngayon.

"Yeah pero maagang natapos yung period." Simpleng sagot nya.

"Sige na mag-aaral pa ko sa next class ko." Sabi ko sa kanya. Iba na kase yung tingin ng mga katabi ko dito
Parang sinasabi nilang something is really fishy.

"Oh okay. See you later Gladys." Sabi nya pa. At pinatay ko na.

"OMG! Magkaka lovelife ka na girl!" Sigaw ni Joy.

"Sira" sabi ni Cyrile sabay batok kay Joy.

"Bakit mo ko binatukan? Mawawala yung nireview ko kanina kainis naman e" sabi ni Joy habang hinahaplos yung ulo nya.

Natawa nalang ako sa kanila. Di ko alam kung pano ko sila naging kaibigan, may maarte, may seryoso, may may sobrang inlove sa pag-ibig. Pero masaya ko kase may mga kaibigan ako na tulad nila.

"Pero sersosyo? Ano ng status nyong dalawa ni Stephen huh Hannah?" Sabi ni Cyrile na nakalagay na yung dalawang kamay sa mukha nya na nakatukod sa desk nta habang nakatingin sakin.

"Friends." Simpleng sagot ko sa kanya.

"Oo dyan naman laging nagsisimula yan e" sabi ni Joy na inaayos yung buhok nya

Friends lang naman talaga kami we became close and more closer everyday.

"Sabi ni Clark lagi nya daw nakikitang hawak ni Stephen yung phone nya at laging nakasmile." Sabi ni Cyrile.

"Siguro lagi kayong magkatext? Teka di ba lagi din kayong sabay umuwi? Sabi ni Joy na parang kinikilig.

"Oo kase malapit lang bahay namin sa isat-isa." Simpleng sagot ko sa kanila.

"Ano close kayo as in close friends? Or close to like each other? " sabi ni Cyrile.

Mga baliw na yata yung mga kaibigan ko. Ano ba yung mga pinagsasabi nila.

.............

Author's Note.

Sinusubukan kong pakiligin kayo. Di ko alam kung ano bang mga reactions nyo sa story na to.

I know na hindi ako ganun ka galing, uulitin ko this is my first time writing a story in wattpad.

We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon