Hannah's POV
"Good morning girls!" Sigaw ni Joy habang naglalakad papalapit samin.
Nasa labas kami ng school ngayon dahil vacant time namin kaya we decided to eat sa pinaka malapit na kainan dito aa U belt.
"Maka sigaw ka naman dyan, nakakahiya sa mga tao. Kainis to. Arte forever?" Sabi ni Cyrile.
"And so? Masaya lang ako kase today is a beautiful day haha" sagot ulit ni Joy na may tonong sarcasm.
"Order lang ako girls ah." Sabi ko ang ingay kase nila.
Nakapila na ko sa counter na may nakita akong parang pamilyar na mukha. What is he doing here?
Malamang kaibigan nya yung kasama nya.
"Oh Hannah sinong kasama mo nagpunta dito? "Tanung ni Clark na boyfriend ni Cyrile.
"Ah sila Cyrile nandun sila oh," sabay turo ko sa table kung nasan ang mga kaibigan ko.
"Ah talaga? Ayos makikita ko na naman si mahal." Sabi ni clark na nakangiti. "Puntahan ko muna ah?"
"Sige lang pre" sabi ni Stephen na may ngiti sa labi. WAIT magkakilala sila? Pano?
"Ganun na ba talaga ako kagwapo para matulala ka sakin?" Nagulat ako kase nakalapit na pala sakin si Stephen.
"Ang yabang talaga!. Magkakilala kayo ni Clark? " tanung ko sa knya.
"Classmate kami." Sabi nya habang nakangiti pa din. Engeneering nga din pala si clark.
"Kaya pala"
"Hannah pala pangalan mo?"
"Hannah Gladys Camarillo." Sabi ko sa kanya.
"I'm Stephen Paulino" sabi nya sabay lahad ng kamay nya sakin.
Kinuha ko yung kamay nya. "Hannah Gladys" habang nakangiti.
"I like to call you on your second name" sabay bitaw sa kamay ko. Ang lambot ng kamay nya. Haha
Nung nakita ko sya at nagkasabay kami papunta sa school di ko nga pala nasabi yung pangalan ko. Kahit medyo matagal din kami nagkausap.
Pano ba naman kase wala syang ginawa kung di asarin ako.
Pero ako alam ko na pangalan nya kase narinig ko sa mga bata nung nasa park ako nung araw na niligtas nya ko. Stephen Paulino bagay sa kanya.
Nakaorder na kami at sabay kami nagpunta sa table kung saan nandun yung mga kaibigan ko at si Clark.
"Oh hannah bumili ka lang sandali may kasama ka na agad na lalaking gwapo? " sabi ni Joy na ang laki ng ngiti.
"Ah kaibigan ko yan si Stephen classmate kami" sabi ni clark habang nakaakbay kay cyrile
"Magkakilala kayo? "Tanung ni Graciela habang nakatingin sakin na parang sinasabing may di ako nasabi sa kamila.
Di ko na kase naikwento sa kanila yung happenings sa park. Tsaka nung nakasabay ko si Stephen papunta sa schol. Kase baka asarin lang nila ko. Lalo na so Joy nako. Baka maimis lang ako sa kanila.
"A ah oo magkalapit lang kami nga bahay." Ah habang umuupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Graciela.
Umupo na din si Stephen sa upuan sa tabi ko at napapagitnaan namin sya ni Clark na katabi ni Cyrile.
Kumain lang kami habang sila ay busy sa pagtatanung kay Stephen.
"May girlfriend ka ngayon?" Tanung ni Joy habang sumusubo ng pagkain.
"Wala ....... na " simpleng sagot ni Stephen habang nakatingin kay Joy.
Parang biglang nawala yung saya nya kanina habang inaasar nya ko.Wait wala na? So ibig sabihin nagkaroon? Bakit kaya sila nagbreak? Siguro di natagalan yung pang aasar, pagyayabang ni stephen nung girl na yun. Sa bagay kung ako din.
"Ah so nagkaroon? Sabat naman ni Cyrile na napatigil sa pakikipag kwentuhan kay Clark, at napagingin sakin na parang sinasabing may chance kayo girl kase wala daw.
"Yup" simpleng sagot ni Stephen sabay subo ulit ng pagkain nya.
"Sayang nga nagbreak sila non ni Judy, e sobrang mahal kaya nila yung isat-isa." Sabi ni Clark na nakatingin na ngayon kay Cyrile.
Mahal daw nila yung isat-isa? So bakit sila naghiwalay? Napaisip ako tuloy.
Di ba if you love someone you are wiing to fight for them? Pero siguro di nila ganun kamahal ang isat-isa.
Kaya siguro parang lagi syang malungkot kahit palagi syang nakangiti. Siguro yun lang yung way nya para maipakita sa ibang tao na okay lang sya.
Smiling is the best way to hide the pain, pero mas lako syang msasaktan pag tinatago nya yung tunay nyang nararamdaman.
"Let's not talk about that." Sabi ni Stephen na medyo ngumiti pero alam ko peke yung ngiti nya.
Siguro nasaktan sya ng sobra kaya sya ganyan when it comes to that girl.
Nacurious tuloy ako sa reason ng break up nila.
Parang gusto ko syang pangitiin, kase mas bagay sa kanya yung nakasmile kesa yung ganito na nalulungkot sya.
Katahimikan ang bumalot samin. Buti nalang nagsalita si Joy para siguro mawala ang awkward moments.
"Kaya ikaw hannah nako, kung magmamahal ka just make sure na di ka lolokohin kase baka makapatay ako ng tao kapag niloko ka nila."
Sabi ni joy. Nakakatuwa na may mga kaibigan ako na handa akong ipagtanggol.
"Kaya nga Hannah, why don't you give yourself a chance to have a boyfriend na ba? Masaya kaya na mafeel na may nagcacare sayo." Sabi ni cyrile na nakangiti na parang kinikilig habang nakatingin kay clark.
"Wag mo nga itulad si hannah sayo cy" sabi ni Graciela na seryosong kumakain.
"Sus palibhasa bitter kayo" sabi ni Cyrile na nakabusangot na.
"Hayaan mo sila mahal, inggit lang
Sila kase sweet tayo." Sabi ni Clark na pinapangiti si Cyrile."Dadating din ako dyan guys." At the right time, with the right guy." Nakangiting sabi ko sa kanila.
"Kelan pa pag ubos na lahat ng matitinong lalaki sa mundo?" Tanung ni Joy.
"Hindi kase yan minamadali, kusa yang darating. Sabi ni Graciela.
"Oo na po. " sagot ni Joy sa medyo sarcastic na tono.
"Haha tama na nga yan. Anung oras na ba? Baka mamaya late na tayo." Sabi ko nalang sa kanila
"Oo nga pala. Let's go na girls. " sabi ni Cyrile "Bye muna sa inyo, nice to meet you stephen"
"Ah una na kami" sabi ko kay Clark na tumango lang sakin, at kay Stephen na nginitian ako.
"Ingat" sabi ni Stephen na nakatingin sakin.
"See you later mahal." Sabi ni Clark.
"Okay" sagot ni Cyrile.
"Ah Gladys," si Dtephen " Sabay tayo mamaya? Kung okay lang?" Habang nakatinhin sakin na nagkakamot ng ulo.
"S sige, mamaya nalang ulit bye." Ano ba Hannah sabay lang kayo nauutal ka pa sa isasagot mo. Sabay lakad ko palabas ng restaurant.
"Bat ang tagal mo lumabas? Late na tayo?" Bulyaw sakin ni Graciela.
"Kinausap pa kase ako ni Stephen, sabay daw kami umuwi mamaya." Habang nakayuko. Baka kase mahalata nila na na natetense ako.
"Iba ka talaga girl" sabi ni Joy "mukhang type ka non." Baliw talaga to. Pero wait ano daw?
"Bakit okay naman sya ah?" Sabi ni Cyrile habang naglalakad na kami papunta sa school namin. "Bagay nga sila e.
"Tara na nga, mga baliw kayo."
Sabi ko nalang......
BINABASA MO ANG
We Meet Again
RomansaAfter the break ups, hearrtaches you felt years ago, what if one day you meet again? Will everything will falling into the right places? Will the love finally find its right love at the right time? If you give each other a chance to try again to wo...