uno

2.4K 25 3
                                    

"Nicole, naman wag na kasi matigas ang ulo mo!"

"Tay, kung wala akong gagawin wala tayo pambili ng gamot mo ngayon."

Sabi ko sa tatay ko. ako pa ngayon ang matigas ang ulo e siya nga tong may sakit na nga pero gusto parin mamamasada.

"Sige papayagan kita. Pero ngayon lang."

"Opo tay."

Sagot ko sa kanya. lumabas na ako ng bahay, naka sakay na pala si obet sa jeep. Si obet ay kaibigan ko siya ang nag tatawag ng mga pasahero

Ako nga pala si Nicole Guevarra isang babaeng maganda pero hanap ko ay parehas ko ring maganda.

"Tara na obet"

Lumarga na kami para maka rami. Pero napahinto ako ng may gustong sumakay na isang lalaki na may saklay kaya bumaba ako para tulongan ito.

"Salamat iha!"

Nginitian ko naman siya. Kaunting tulong para sakin pero malaki na yun para sa kaniya.

"Walang ano man po lolo"

Bumalik na ako at pinaandar ko na muli ang sasakyan. parami na nga parami ang sumasakay sa jeep namin ngayon.

"Ma..ma.. bayad po"

Inabot ko ang bayad at sinuklian siya

"saan po si mang bert"

Si tatay ang tinutukoy ng babae.

"May sakit siya ngayon kaya ako muna ang nagmamaneho para sa kanya."

"Ganon po ba, ang ganda niyo po kung tutuusin pwede ho kayong maging model"

Tumingin ako sa salamin at nginitian ko lang ang babaeng kausap ko.

Ff

Grabe ang init mga 1 pm nadin kasi. kaya grabe na ang init pero hindi parin ako tumitigil sa pamamasada kahit kaunti lang ang pasahero kasi nasa skwela na ang mga kabataan.

Kaya bumaba muna ako para bumili ng tubig sa isang babaeng matanda pero ng pasakay na ako ng jeep ko May biglang sumulpot na kotse sa gilid ko Mabuti at naka hinto siya.

"Miss ano ba ang problema mo?!"

Tanong ko sa kanya kasi lumabas siya ng kotse niya.

"Wala kang pake tsk.... Alis ka nga dyan"

Umalis na lang ko mahirap na mayaman pa naman tong babae na to lahat ng problema nadadaan niya sa pera nila.

"Oky lang yan tol"

Sabi ni obet at tinap ang balikat ko

"Uwi muna tayo gutom na kasi ako"

"Ako din tara"

-------------------------------------

Jasmine pov

"Sorry ma late na ako!"

"Yes you are 20 minutes late!"

Napayuko nalang ako dahil sa sinabi ni mama parati nalang ganito pero kapag si veronica ang late hindi niya naman pinapagalitan.

Ako nga pala si Jasmine Herrera vice-president ng kompanya namin. Im 27 years old but still single. Ako ang panganay pero vice lang ang posisyon ko dahil ang kapatid ko ang CEO.

"sorry talaga ma!"

"Wala ka ng magagawa tapos na ang meeting!"

Umalis na siya habang ako naka yuko parin hanggang ngayon, nno nga ba ang magagawa ko anak lang ako.

"Maam jasmine may meeting po kayo kay mr. Chua ngayon"

Mr. Chua ano ang kailangan ng lalaki nayab sakin tapos na kami ng mag meetjng nito ah.

"Thanks era"

Umalis na agad siya kadadating ko nga lang aalis nanaman agad hay

----------------

"Mr. Chua ano po ang kailangan nating pag usapan"

Umupo na ako nakita ko siyang may binabasa.

"I want u to know na alam ko ang sekreto mo ms. herrera, kaya gusto kong bumili sayo ng limang kilong drugs"

Yun lang naman pala ang kailangan nitong ugok na to kaya napa ayos ako ng upo ko business na kasi tong pinag uusapan.

"Oky then 50 million mag kita tayo sa saturday mr. Chua at wag na wag mong ipagkakalat ang sekreto ko kasi may alam din akong sekreto mo"

Sabay smile ko sa kanya yan lang pala ang problema ng ugok na to kaya tumayo na ako at inayos ang damit ko para umalis.

Soudainement Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon