DYES

429 15 1
                                    

Nic pov

Mag iisang linggo na rin kaming kasal ni jasmine. Ang bilis diba pero kahit ganon e sa sofa pa rin ako natutulog. Hanggang ngayon hindi parin kami nag tatabi matulog. At sa susunod na buwan ay bday ko na kaya tudo kayod na rin ako para may pang handa. Mag aalas 9 na pala ng gabi pag baba ko ng jeep ay nag inat inat muna ako ng muscles ko dahil sobrang sakit ng bewang ko kakaupo magdamag.



"mabuti naman at nandito kana, baka gutom kana may pagkain dyan sa mesa" dumeretso naman ako ng kusina para kumuha ng tubig at tinignan kung ano ang ulam.



"san mo na bili to?" tukoy ko sa adobo na nasa plato.



"ako nag luto niyan tikman mo" kinuhanan naman niya ako ng plato at kanin sabay upo sa tabi ko.



Agad kung tinikman ang luto niya at shitt.. ang sarap patuloy lang ako sa pag kain ko dahil ang sarap ng pagkaluto nito ng adobo. Marunong din naman pala siyang magluto.



"bukas na pala ang laro niyo, nandyan na rin ang jersey niyo bukas mo na lang ipamigay sa kanila" hindi pa rin ako maka get over sa sarap ng luto nitong ni jasmine.



"hindi ko nga alam kung makakapag laro ba ako ang sakit kasi ng bewang ko hanggang likod" reklamo ko sa kanya.



"hihilutin na lang kita mamaya, at kung gusto mo pwede naman na don kana muna matulog sa kama mas malambot ang foam non kisa dyan sa sofa" abat pumapayag na siya na tabi kaming matulog.



"sigurado ka?" paninigurado ko sa kanya. mahirap nab aka napipilitan lang siya.



"bilisan mo na dyan at mag half bath para ma hilot na natin yang likod mo bibili lang ako ng oil napamahid sa labas"



Binilisan ko naman ang pagkain ko mahirap na baka mag bago pa ang isip nito. Ang sakit na kasi talaga nitong likod ko.



Kanina pa ako tapos mag half bath pero yung asawa ko hanggang ngayon wala pa rin asan na kaya yun? Lumabas naman ako para silipin kung nasaan siya at nakita ko na nag uusap pa pala sila ni girly sa tindahan. Na hawa na ata to ng pagiging chismosa ni girly.



20 minutes na pero hindi pa rin naka akyat ang babaeng yun kaya tumayo na ako sa pagkakaupo para sunduin siya sa baba. Sarap na sarap ata sila sa pag kwekwentuhan ah. Pag ka baba ko e nagulat ako dahil nandito pa pala si lola cap sa labas ng bahay niya.



"nics, yung asawa mo mag iisang oras na dyan sa tindahan kaya sunduin mo na gabi na"



"opo la" sagot ko at lumapit na kina jasmine.

Soudainement Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon