Jas pov
Hindi ko na namalayan kung ilang oras ako na tulog. Nagising na lang ako ng makaramdam ako ng matinding gutom.
"gising kana pala, halikana na sabayan mo na ako kumain" pag aya ni nics sakin, hindi naman na ko tumanggi pa dahil gutom narin ako.
"ang dami naman ata niyang kunuha mo, mauubos mo ba ang lahat ng yan?" kaunti pa ngalang tong kinuha ko
"pag hindi ko naubos ikaw na lang ang umubos total mahal mo naman ako diba?"
"oo, pero—"
"shh.. wag ng maingay kumain na lang tayo" nilantakan ko na ang pagkain na nilagay ko sa plato ko.
Infareness ang sarap nitong mga putahi na niluto nina girly sayang lang dahil hindi ako naka tulong sa kanila. Hindi rin naman ako ginising nitong babae na to kaya hindi tuloy ako naka tulong sa kanila.
"mahal ayaw ko na" nilapit ko ang plato na may tira kay nics
"jas, isang subo na lang yan oh aayawan mo pa?" tama siya kunti na lang ang natira pero hindi ko na kasi talaga kaya busog na talaga ako.
"busog na kasi ako ikaw na lang umubos plss.." wala naman siyang nagawa kundi ubusin ang natira kung pagkain.
"ang cute cute mo talaga mahal!" pinisil ko amg pisngi niya at ginawaran ng halik
"baba na tayo. Kanina kapa nila hinihintay don"
"sige ligpitin mo na lang to ang pinagkainan natin at e lagay sa lababo, ako na lang ang bahala mag hugas niyan mamaya" sinunod naman niya ang utos ko.
"beh bat ngayon ka lang bumababa, gaga ka kanina kapa naming hinihintay" sinalubong agad ako ni girly sa hagdan pa lang.
"nakatulog kasi ako sorry. Hindi tuloy ako naka tulong sa inyo, ito kasing si nics hindi man lang ako ginising" pinukulan ko lang ng masamang tingin si nics. Nakakahiya tuloy kina girly.
"ano ka ba wala yun. Tara na dun sa pwesto natin" hinila naman niya ako paupo sa tabi ni sofia yung asawa ni jill.
"mahal patayin mo nga yang yosi mo ang baho ng usok" naiiretang reklamo ko sa kanya. Napupunta kasi samin rito ang usok ng yosi niya at hindi ko type ang amoy.