SINCO

486 13 1
                                    


Jasmine pov


Nagising ako ng dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Kanina pa tong mga tao naghihiyawan kaya napatayo na lang ako at nag hilamos bago lumabas paratignan kung ano ang kaganapan.



"gusto mo kape iha?"


tanong ni tiya sakin pero umiling lang ako at kumuha ng tubig.


"ano pong meron sa labas tiya?" curios na tanong ko sa kanya.


"meron kasi tournament ng volleyball kaya ayan hiyawan sila"


kaya pala ang iingay nila dahil may nag lalaro.


Naisipan ko namang lumabas para tignan ang kanilang laro. Lumapit ako kay lola na ngayon naka upo habang may nakatutok ng electricfan sa kanya. Humalik muna ako at bumati rito bago ako umupo sa tabi niya.


"tignan mo si Nicole apo diba ang galling niya?"


napatingin naman ako sa taong tinutukoy niya na ngayon ay basang basa na ng pawis.


"sa susunod na eleksyon siya ang ikakampanya ko para maging bagong kapitan rito sa Lorenzo"


napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni lola. Siya ang susunod na kapitan e ang bata pa nga nito paano niya mapapangalagaan ang barangay kung wala pa siyang masyadong experience sa ganon.


"hanggang kalian po itong tournament na to la?"


"Hanggang sa matapos ang buwan apo. Tuwing sabado at lingo lang din naman kasi ang laro nila at ito pa lang ang unang araw ng laro"


Patuloy lang ang kanilang laro nasa 3rd set na rin sila at mukhang lamang ang team nina Nicole dahil nakuha nito ang unang dalawang set tapos ngayon 5 na ang lamang nila sa kanilang kalaban.


"time out na muna mukhang pagod na pagod na tong team ko ka ka habol ng bola ito kasing si Nicole apaka duga mag serve"


sabi ng isang bakla na may dalang pamaypay. Binigyan nito ang kanyang kupunan ng tubig habang yung team naman ni Nicole ay nag papahid lang ng kanilang pawis.


"girly hindi pa ba naka hanap ng sponsor ang team nina Nicole?"


tanong ni lola sa isang bakla na katabi naming ngayon.


"nako sila na lang nga ho ang wala pang sponsor kaya tignan mo sila lang ang walang jersey" oo nga. pansin ko na naka tshirt lang ang team niya habang yung kalaban nila naka jersey.


"pakisabi sa kanila ako na lang ang mag sposponsor ng jersey nila pakikuha na lang ng measure nila" sabi ko kay girly napangiti naman ito ng malapad ng dahil sa narinig niya.


Pinagpatuloy na rin nila ang pag lalaro at nanalo na ang kupunana ni Nicole agad naman itong nilapitan ni girly. Mukhang na sabi na niya ata ang pinapasabi ko sa kanya.


Pumasok naman na ko sa loob ng bahay dahil nakaramdam na ako ng pag kagutom. Buti na ngalang din at tapos na si tiya sa pag luluto ng sinigang. Request daw kasi iyon ni lola.


"jas ikaw na ang bahala kay nanay dito bukas ha! Bukas na kasi ang flight ko pa America alam mo naman ang ate gina mo manganganak na kaya kailangan niya ng katuwang doon" kaya pala kailangan ng kasama rito ni lola dahil aalis na pala si tiya.


"sige po, ako na po ang bahala sa ganya rito"


"kung may trabaho ka pwede mo naman siiyang e bilin kay girly. Basta dito ka parin umuwi ha" tumango lang ako.


Mukhang kailngan ko atang makipag kaibigan sa mga tao rito dahil matatagalan ang pag stay ko dine.


"la kain na po" pag tawag ko sa kanya dahil nakikichismis pa ito sa ibang matanda sa labas.


"marg wag mong kalimutan na bigyan si bert" paalala naman ni lola.


.....

"hi ganda!" sabi ng isang lalaki rito sa tindahan.


Alam ko naman na maganda ako at hindi na kailngan pang ipagsigawan yun. Meron kasi ako ngayon kaya kailangan kong bumili ng pads. Hindi pa kasi ako nakapag grocery kaya ditto na lang muna ako bibili.


"nako jomar! may asawa kana ng lalandi ka pa!" hindi naman siya kagwapohang tao matangkad lang pero hindi ko bet amoy pawis.


"aling marta wala naman po atang masamang makipag kilala sa apo ni cap." Taas babapa ang kilay nito.


"sus.... jomar style mo!"


"salamat po!"


sabi ko ng makuha ko na ang sukli ko. Nag lakad na ako balik sa bahay pero may na ka bangga ako.


"ouch!" reklamo ko ng may na ramdaman akong mainit na dumampi sa balat ko.


"hala...shitt.. sorry!" Tinignan ko ang kamay ko na napaso.


"sorry talaga hindi ko sinasadya!"


"susumbong kita kay lola!"


mangiyakngiyak akong humakbang paalis pero bigla niya akong hinila pabalik.


"look im sorry! hindi ko talaga sinasadya. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako"


"hoy nics! Anong ginagawa mo sa apo ni lola cap?" binitawan naman niya ako.


"wala, tinuro ko lang sa kanya yung iba pang tindahan dito. diba jas?" siniko naman niya ako kaya tumango na lang ako.


Umalis na ako ka agad dahil kumikirot talaga yung na napaso ng sigarilyo. Di niya ba alam na masama yung naninigarilyo. Kita niya naman siguro yung mga larawanan ng mga sakit na naka lagay sa pakita ng sigarilyo.


"jas san ka galling?" tanong ni lola habang nag babasa ng diaryo.


"may binili lang po" sabi ko sabay pasok sa loob ng kwarto ko.

Soudainement Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon