KATORSE

442 13 1
                                    


Habang naka upo kami rito sa sofa ni jas ay narinig ko na ang busina ng jeep ni tatay kaya napalingon ako sa labas.



"mamasada ka?" pinapadede niya ngayon ang sanggol nag babadya nanaman kasing umiyak



"sama ka?"



"paano tong si babay?"



"hintayin na lang natin sina girly bago umalis atsaka anong oras pa lang naman wala pang masyadong pasahero"



"nics may extra kaba dyan pahiram nga bibili lang ako ng gamot" kinapa ko naman ang bulsa ko at tinignan ang wallet ko kung may laman pa ba.



"ito po tay" si jas na ang nag bigay sa kanya ng pera.



"nako nakakahiya naman sayo iha wag kang mag alala ibabalik ko rin to pag nakaluwag luwag na ko" nahihiyang tugon ni tatay sa kanya.



"nako wag na po kayong mag abala tay"



"salamat talaga iha" sabi ni tatay at umalis na



"hindi mo na sana ginawa yun" binalik ko na ang wallet ko sa loob ng bulsa ko mag wiwithdraw na lang ako mamaya.



"nakita ko ang wallet mo na walang laman kaya ako na ang nag bigay kisa naman pahintayin mo ang tao"



"may pera naman ako nandun sa bangko kaya wag mo akong kaawaan"



"san naman galling aber?"



"sa pamamasada"



"1k ang pinaka malaking na uuwi mo sa pamamsada paano ka makakpag ipon non ha?"



"sekreto ko nay un" sabi ko sa kanyan.



Meron naman akong pera sa bangko hindi gaano ka liit at hindi rin gaano ka laki. Bigay yun saakin ng ina ko bago niya kami iwan ni tatay para daw sa future ko. At ito namang si tatay ayaw gamitin yung pera ko para sa pang gamot niya dahil daw para sa akin lang daw yun. Kaya namamasada ako at yung kinikita ko yun ang ginagamit ko pang tulong sa kanya. At meron pa akong ibang trabaho secret nga lang.



Ng mag alas 4 na ay tumayo na ako at nag inat. Inaya ko na rin si jas na mamasada kanina pa kasi nito ako kinukulit simula nong makarating sina girly at lola cap. Na una na ako sa kanya sa jeep ng Makita ko siya na palabas na e may dala itong bimpo at isang litrong tubig. Kaya napangiti naman ako.

Soudainement Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon