VIENTE SYETE

300 8 0
                                    

Pagkatapos naming kumain ay nag lakad lakad na kami agad papunta dun sa manggahan nina marian.

"Ang dami palang bunga ng mangga nila" na mangha ako sa nakikita ko ngayon. Dahil walang puno na walang bungga ang manggahan nila.

"Ang lawak nitong manggahan nila noon pero nong nag kasakit yung tatay niya unti unti na nila itong binenta"

"Nicolay!!"

"Halatang hindi mo ako na miss"

"Ahemm" pag putol kong yakapan nilang dalawa.

"Ah marian ito nga pala si jasmine asawa ko. Love ito naman si marian"


Nag kamayan kaming dalawa ni marian. Maganda naman siya pero hindi kasing ganda ko. At mukhang buntis din ito dahil kapansinpansin na ang umbok ng tyan nito.

"Ano nga pala ang sadya niyo rito?" May pag tingin ata tung si marian sa asawa ko kung maka ngisi kasi parang aso.

"Gusto sana naming humingi ng mangga niyo. Ito kasing asawa ko nag crave bigla sa maasim" napatingin naman siya sa tyan ko kaya hinaplos ko ito.

"Ganon ba sige suminggit lang kayo" nawala ang ngisi niya at na pansin ko ang itim sa gilid ng labi niya.


"MARIAN!!" napatingin kami sa lalaking papalapit samin.


"Lando" sinalubong niya ang lalaki at laking gulat namin ni nics ng bigla siyang sinampal ng lalaki.


"Love" na gets ko naman kung ano ang gustong ipahiwatig ni nics kaya tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.


Wala pang limang sigundo ay biglang bumulagta ang lalaki na sumampal kay marian.


"Nics tama na" pag awat ni marian kay nicole sa pag sapak sa lalaki.



"Bakit pumapayag ka na saktan ng lalaki na to?"


"Nics, asawa ko siya kaya wala akong karapatan na mag reklamo kung ano man ang gawin niya"


"Marian asawa mo lang siya pwede mo naman siyang iwan kung gusto mo"


"Malaki ang utang namin sa pamilya niya. Kaya wala akong magawa kahit ano pa ang gawin niya sakin" bigla ko naman napansin ang pag tulo ng luha sa mga mata niya.


"Sige na kunin niyo na ang pakay niyo at umalis. Ako na ang bahala rito kay lando"



naawa naman ako sa kanya. Inalalayan niya patayo ang asawa niya at inakay ito pauwi sa bahay nila na hindi naman kalayuan mula rito sa amin.


"Pag binuhatan kita ng kamay katulad ng ginawa ni lando kay marian wag kang mag dalawang isip na e sumbong ako kay tatay ha" sabi niya ng makalapit ako sa kanya.


Kumuha na kami ng mangga. Hindi na namin dinamihan pa dahil nakakahiya naman. Mga 5 kilo lang siguro itong nakuha namin pag ka tapos umuwi na kami agad.


Habang pa uwi tinanong ko muna si nics kung saan merong nag titinda ng yelo at bumili kami nga tatlo para e lagay sa kamay niya.


"Masakit?" Napapangiwi kasi siya kapag dinadampihan ko ng yelo ang kamao niya.


"Hindi ko naman inaakala na ganon pala ka tigas ang mukha ng lando na yun"


"Pag binastos ba ako ng iban ipag lalaban mo rin ako?"


"Pag binastos ka makikipag patayan agad ako" na touch naman ako sa sinabi niya. Kaya mas diniinan ko ang pag dampi ng yelo sa kamao niya.


"Aray" reklamo naman niya.


"Gagawin mo pa akong biyuda. Paano pag ikaw yung na unang mamatay sa inyong dalawa ng kaaway mo?" 


"Wag mo naman pangarapin jas gusto ko pang makita ang mga anak ko na lumaki" natawa ako sa sagot niya kaya kinagat ko ang braso niya. Nakakagigil kasi siya.

"I love you" ay gaga na samid

"Anong sabi mo" buti na lang bingi to


"Wala"


"Sus may narinig ako jas ulitin mo"


"Tskk.. sabi ko I love the mangga na sinungkit mo" sana maka lusot


"Iba yung narinig ko jas"


"Guni guni mo lang yun oi"

"Sa sunod kasi lakasan mo" diniin ko naman ang ice sa kamao niya kaya napa hiyaw siya sa sakit.

Soudainement Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon