(10) CH 6.4 : Niyara Town (Final Breathe)

111 10 0
                                    

Part X

Dayana's Pov.

Natapos na ang pamimigay namin ni Larisa ng pagkain. Agad akong umalis at sinundan si ate chubby at natagpuan ko siyang nasa mga halamang pinatubo ko kanina, kanina lamang kasama ang isang lalaki na payat at mas matangkad sa kanya.

Nagtago ako sa isang punong wala nang kadahon-dahon at buhay.

" Bakit ba kailangan pa nating lasunin ang mga halamang ito? Bukas naman ay kusa narin 'yang mamatay dahil sa sumpa ng lugar na ito. Tingnan mo at unti-unti na syang nalalanta," saad ng lalaki.

" Hindi kaba nag-iisip!" madiing sabi ni ate chubby. " Pag may nakakita nito, tiyak na kakalat ang balita sa buong baryo. Buhay man yan o hindi, bukas ay tiyak na malilintikan tayo sa mga Lastarios," dagdag pa nya.

" Kung sa bagay, ang ating gahaman na amo ay gustong mapasakanya ang buong lupain na ito kaya naman gusto nyang ikasal ang anak niya sa mga Vinialir," saad ng lalaki habang kiniukuha ang isang likido na nakalagay sa bote. "At kunwari pang may mabuting loob, kahit na pinipigilan nila ang pagpasok ng mga medisina na ibinibigay ng ibang pamilya sa lugar na ito," dagdag pa nya at ibinuhos ang likido sa mga halaman.

Hindi ba ito alam ng ama ni Rena? na maraming gustong magpadala ng mga medisina at halamang gamot sa lugar at ito ngunit pinipigilan lamang ito ng mga Lastarios. Bakit ba nila gusto ang lupaing ito ng mga Vinialir? Mas malala pa pala ang sitwasyon kaysa sa inaasahan ko.

" Simula lang naman noong naging ganito ang lugar na ito, dalawang taon na ang nakakalipas nang napukaw ang interest ni Marquess Glemuer dito. Naging interesado sya sa bagay na naging sanhi ng kalagayan ng baryo, at yuon ay naroroon sa balong malalim na iyon," sabay turo ni ate chubby sa balong labing limang metro ang layo sa kinatatayuan nila kung saan wala nang halaman ang nabubuhay.

" Tsk, kung nagpakasal lang sana agad ang anak ng Regnar Vinialir na iyon, edi sana nabungkal na natin ang balong iyon at nakuha na ang bagay na dapat natin kunin," saad ng lalaki at patuloy parin sa pagbujos ng lason sa mga halaman.

" Bakit ba hindi nalang iyan kunin ng mga Lastarios? Sa kanila ikinatiwala ang pagpapagaling ng lugar na ito ng mga Vinialir habang abala si Viscount Regnar sa pagpapagaling ng kaniyang asawa. Tiyak na hindi naman ito malalaman ng mga Vinialir," saad ng lalaki at ito'y napaisip.

" Sa tingin mo ba ay ganon lang kadali paikutin ang utak na Viscount na iyon? Sa tingin mo bakit pa kaya kailangang idaan sa kasal kung gano'n lamang iyon kadali?" Naiinis na sambit ni ate chubby.

" Ang balong iyan ay kumukuha ng buhay. Nang hinukay ang balong iyan ay kinuha lahat ng buhay ng mga manggagawang pumasok sa loob niyan. Kaya naman kailangan ng malaking pwersa para lang makuha ang bagay na iyon. At pag nagpadala ng malaking pwersa na makakapangyarihan dito ang mga Lastarios, magmumukang hinahamon nila ng digmaan ang mga Vinialir. Pag ito ay nalaman ng palasyo, sa tingin mo, sino ang kanilalang sasaniban? Diba ang mga Vinialir, kaya naman, kailangan pa nating maghintay ng panahon." Mahaba nyang paliwanag sa lalaki.

" Ewan ko ba at nakikipag-usap pa ako sa iyo, bilisan mo na at tapusin ang paglason sa mga halaman na iyan. Baka may makakita pa sa atin dito."

Balon... Balong nangunguha ng buhay. Pagnakuha ko ang bagay na nanduon, mawawala na ang salot dito sa lugar na ito, mawawalan na ng interest ang mga lastarios at makakalaya na si Rena sa pagpapakasal sa walang modong lalaking iyon.

" Sabi ko sa iyo may tao dito, oh," saad ni ateng chubby haba nakahalukipkip ang mga kamay.

" Hi," nagwave ako sa kanila at ngumiti ng pilit. "Makikidaan po." Tumungo ako at dahan dahan naglakad paalis sa harapan nila.

THE ROYAL EYE : MAIDEN'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon